[Seraphina Rivero] SA HULI, parehas kami ni Rocket na nakasuot ng T-shirt na para bang naroon kami para sa aming honeymoon. Magkatulad ang aming kasuotan. Ayos lang naman sana kung pinagsuot niya ako ng T-shirt, ang hindi ko matanggap ay kinailangan kong bumili ng trousers na gawa sa katsa para lang bumagay ang suot ko rito. “Ayokong pag-usapan si Jerome, pero bakit nga pala hindi mo siya binilhan ng pasalubong?” “Sinong Jerome?” naguguluhan kong tanong kay Rocket. Sa pagkakaaalam ko ay wala naman akong kilala na Jerome ang pangalan. “`Yung boyfriend mo.” “Luis ang pangalan no’n, hindi Jerome.” “Whoever. So, bakit mo nga siya hindi binilhan ng pasalubong?” “So, ibig mong sabihin, makikipag-peace offering ako sa kanya sa pagbigay lang ng T-shirt? Ikaw nga itong nagsabi, I f****d up!

