RHEA VILLA's POV
Pinapatulog ko ang baby ko ng makatanggap ako ng tawag mula kay Sunny.
"Hello, Sunny." Sagot ko.
"Ah. Hindi po ito si Sunny. Si Vincent po ito, kaibigan nya." Boses ng lalaki.
"Bakit nasa iyo ang cellphone ng kapatid ko? Nasaan sya?" Sunod sunod kong tanong.
Kahit na sinabi nyang magkaibigan sila ni Sunny, kinakabahan pa rin ako. Baka nagkukunwari lang sya. Walang naikukwento sa akin si Sunny na may kaibigan syang lalaki.
"Kaya po ako napatawag dahil na-hit and run po si Sunny kanina. Nandito po ako sa hospital. Nasa emergency room po sya." Paglalahad nya.
"Ano?! Paano nangyari yon?!" Nagsimula nang manginig ang buong katawan ko sa sinasabi ng lalaking ito.
"Hindi ko po alam pero kailangan nyo pong pumunta dito."
"S-sige. P-pupunta kami." Tinapos ko ang tawag at pinuntahan sa kabilang bahay ang mga magulang at ang mga kapatid ko.
"Ma, Pa! Si Sunny! Naaksidente!" Bungad ko.
"Ano?! Jusko! Ano bang nangyayari sa batang yon?!" Gulat na sabi ng magulang namin. Gulat din ang mga kapatid ko na gumagawa ng mga assignments nila.
"May tumawag sa akin na lalaki, gamit ang cellphone ni Sunny. Na-hit and run daw po sya. Kailangan po natin pumunta sa Manila." Nag-aalalang sabi ko.
VINCENT LEE's POV
Palakad lakad ako sa harap ng ER. Hindi ako mapakali. Nang may lumapit sa aking pulis.
"Mr. Lee, nahuli na po namin ang suspek. Pumunta nalang po kayo sa tanggapan ng pulisya para sa ihahain na kaso sa suspek." Sabi ng pulis.
"Okay. Bukas nalang po ako pupunta. Baka po dumating ang pamilya ni Miss Villa." Hindi ko pwedeng iwan sa ngayon si Sunny.
"Sige po." At umalis na ang pulis.
*Flashback
Pagdating ko sa condo unit, dumiretso ako sa kusina. Binuksan ko ang ref at tinignan kung may strawberry ice cream akong stock. Kailangan ko yon dahil gusto kong lumamig ang ulo ko dahil sa mga baliw kong kapatid.
"s**t! Walang strawberry ice cream! I badly need one."
Kumuha ako ng jacket at sumbero para sa disguise ko. Mabuti ng maghanda, baka pagkaguluhan pa ako.
Pagdating ko sa grocery store, may nadatnan akong nagkukumpulan sa gitnang kalsada. Anong meron? May celebrity ba?
"Oy! Dali! May nasagasaan daw na babae doon! Tara! Puntahan natin!" Sabi ng ale habang hinihila ang kumare nya.
Tss! Mga usisera talaga.
Napatingin ako sa kumpulan. Sobrang dami nila. Mula sa pwesto ko, hindi ko makita ang upper body ng victim pero kita ko ang paa nya. Color pink ang slippers nya.
Wala naman sigurong masama kung lalapit ako sa kumpulan di ba? Hindi naman siguro nila ako makikilala. Titingin lang naman ako.
Lumapit ako sa kumpulan at nagulat sa nakita. Hinawi ko kaagad ang mga taong nasa unahan ko at nilapitan sya.
"Sunny, wake up!" Yugyog ko sa kanya.
Damn it! What happened to her?! Bakit sya nakabulagta dito?! Sino ang may gawa nito?! Kanina pa ba sya nandito? Bakit walang tumutulong? Nasaan ang ambulance?!
Nang makita kong wala tulong na dumadating ay binuhat ko na sya at dinala sa hospital.
*End of flashback
Almost two hours na ako sa labas ng ER pero wala pa ring doctor na lumalabas para kausapin ako.
What the hell?! Bakit ang tagal nila?!
Nang mapagod ako sa kakatayo at kakaikot sa labas ng ER, umupo ako.
Ano bang nangyari? Pero sabi ng pulis, hit and run daw? Damn! Kung sino man ang may-ari ng kotseng yon, siguradong ibubulok ko sya sa kulungan!
Maya-maya ay lumabas na rin ang doctor.
"Doc, how is she? Is she alright?" Bungad ko pagkalapit ng doctor sa akin.
"Okay na ang vital sign nya kaya lang may bali sya sa bandang left leg at galos sa kamay dahil sa aksidente. But we have to monitor her condition. We also found out na dating pasyente ng hospital na ito si Miss Ferreras dahil sa pagkabagok ng ulo nya that cause her to have an amnesia. We're conducting some test kung naapektuhan ang ulo nya sa aksidente. For now, ililipat na namin sya sa kwarto." Sabi ng doctor.
"Sige po." Nasabi ko nalang.
Amnesia? May amnesia sya?
BRYAN TREVOR KIM's POV
"Sir, nakahanda na po ang hapunan." Sabi ng maid namin.
"Sige po. Susunod na po ako." Sabi ko.
Inayos ko muna ang mga assignments ko sa study table at pumunta sa kusina.
"Bryan Trevor!" Sinalubong ako ng yakap ni Kuya Aiden pagdating ko sa dining room.
"Kuya." Niyakap ko din sya.
Napansin kong may kakaiba habang nasa hapag kainan na kami. Wala si Kuya Vincent.
Sa aming magkakapatid; ako, si Nathan, at si Marcus ay dito pa rin sa mansion nakatira maliban sa mga Kuya namin na may mga sariling condo unit na. May kanya-kanyang branches ng company na kaming hinahandle.
"Wait. Where is Vincent? Bakit wala pa sya dito?" Pansin ni Kuya Dennis.
Hindi kami magsisimulang kumain kapag wala ang isa sa amin. Dapat ay magpapaalam kami kung hindi kami makakasabay sa pagkain. Yan ang rules dito sa bahay.
Nakita kong napayuko si Kuya Matthew at Kuya Andrew. Si Kuya Jordan naman ay mukhang galit. May nangyari kaya?
"Kuya, nagtext sa akin si Kuya Vincent. Hindi daw sya makakapunta dito sa mansion. May lakad sya." Sabi ni Marcus na katabi ko.
"Oh. I see." Napapatangong sagot ni Kuya Dennis.
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa aura ng tatlo kong Kuya.
Pagkatapos namin kumain ay sinundan ko si Kuya Jordan pero naunahan ako ni Kuya Dennis. Huminto sila sa tapat ng kwarto ni Nathan. Magkatabi ang kwarto namin, kaya pumasok ako sa kwarto ko at hinayaan ko lang na bukasan ng konti ang pintuan ko para marinig sila.
JORDAN KIM's POV
*Flashback
Ano? May sira kami sa utak? Nababaliw na ba sya? Tama. Baliw na sya! Baliw na rin sya tulad ni Yel.
Pinoprotektahan lang namin sya mula sa babaeng iyon pero bakit lumalabas na kasalanan namin na umalis ang baliw na yon?!
Hinawakan ako sa magkabilang kamay nina Matthew at Andrew.
"Kuya, hayaan muna natin sya. Nabigla lang siguro sya sa sinabi natin." Pigil sa akin ni Siwon.
"Tss! Tanggap ko pa na nagbubulag bulagan lang sya pero yong sinabi nyang may sira tayo sa utak?! The hell! Nakakainit ng dugo!" Binitawan na nila ako ng pumiglas ako.
Bwisit! Kahit kailan talaga! Pasaway! Kami na nga ang nagmamalasakit, kami pa ang masasabihan ng baliw!
*End of flashback
Papunta na sana ako sa kwarto nang may humawak sa kamay sa akin. Paglingon ko ay si Kuya Dennis pala.
"Jordan, what happened?" Tanong ni Kuya. Seryoso ang mukha nya.
Anong pinagsasabi neto? "Ha?"
"Nasaan si Vincent? Bakit hindi sya umuwi dito?"
"Bakit ba ako ang hinahanapan mo ng wala? Di mo ba narinig ang sinabi ni Marcus kanina? Nagtext si Vincent na hindi sya uuwi."
Nakakabwisit talaga! Di ko alam kung bingi sya o nananadya lang.
He sighed. "Alam kong may hindi magandang nangyayari sa inyong dalawa kaya sabihin mo na kung anong nangyari."
Madaling makahalata si Kuya Dennis kapag may hindi kami pagkakaunawaan. Should I tell him now? That our brother is inlove with a crazy woman? Na literal na baliw.
Once na sabihin ko iyon, magkakagulo lang. Just like what happened sa amusement park. Alam kong gagawa sila ng paraan para paghiwalayin ang dalawa kung magkataon man. Magagalit si Vincent dahil ayaw nyang pinapakialaman ang lovelife nya. Enough na siguro na kaming apat lang ang nakakaalam ng condition ni Yel.
"Nothing. Vincent is just a crazy man na hindi umuwi sa mansion dahil favorite pa naman nya ang ulam natin. Sige, Kuya. Matutulog na ako. Marami pa akong paperworks na tatapusin sa office bukas." I patted his shoulder and walked away.
Sana marealize ni Vincent na para sa safety nya, kaya namin nagawa yon. And I cant believe na nakakagala pa ang baliw na yon! Bwisit!
RHEA VILLA's POV
"Nurse! May pasyente bang Sunny Villa dito?" Bungad kong tanong nang marating ang hospital na sinabi ng lalaki na tumawag gamit ang cellphone ng kapatid ko.
"Meron po. Sa room 204 po."
Agad naming tinungo ang kwarto.
Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa lalaking tumulong sa kapatid ko kahit hindi namin sya kilala. Sya ang tumulong sa amin para makarating kaagad sa Manila. Di ko alam na may kaibigan si Sunny na ganoon kayaman. Private plane ang gamit namin papunta dito sa Manila at kotse ang gamit namin papunta dito sa hospital. Kaming tatlo nina mama at papa ang lumuwas dito. Si Christine Dyan ang naiwan sa probinsya para bantayan sina Antoinette, Angela at ang baby ko.
Wala na ang kaba ko na baka pinagttripan lang kami ng lalaking kausap ko kanina. Pero ngayon, bumabalik ang kaba ko dahil sa nangyari sa kapatid ko.
Pagbukas ko ng kwarto, nadatnan namin ang isang lalaki na nakaupo sa tabi ng kapatid ko na nakahiga.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko ng makita ang kapatid ko. Ilang taon na nang huli kaming magkita ni Sunny pero hindi ko naisip na sa ganitong sitwasyon kami magkikita.
"Sunny, anak. Anong nangyari sayo?" Umiiyak na niyakap ni mama si Sunny habang hinahagod naman ni papa ang likod ni mama.
"Ah. Sorry po sa abala. Kayo po ba ang pamilya ni Sunny?" Tanong ng lalaki na ngayon ay nakatayo malapit sa pwesto nila mama. Lumingon sila mama at papa sa kanya.
"Oo. Kami nga, hijo." Sagot ni mama.
"Ikaw ba ang tumawag sa akin na kaibigan ni Sunny?" Tanong ko.
"Opo. Ito po ang cellphone nya." Iniabot nya sa akin ang pink na cellphone ni Sunny.
"Salamat."
"Anong pangalan mo, hijo?" Tanong ni papa.
"Vincent Lee po."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "I-ikaw ba yong Vincent Lee na member ng Hallyu Brothers?"
Nahihiyang napakamot sya sa batok. "Opo. Ako nga po."
Nang una ko syang makita kanina akala ko kamukha lang nya, pero sya nga talaga!
Ngumiti ako. "Naku! Alam mo bang fan ng grupo nyo ang mga kapatid ko?"
"Talaga po? Salamat po." Napapakamot sa batok na sabi nya.
"Ay! Sya ba yon?! Naku, hijo. Ang gwapo mo pala sa personal. Di ko akalain na may kaibigan na sikat ang anak ko. Salamat sa tulong mo hijo." Tuwang sabi ni mama habang pinupunasan ang basang pisngi dahil sa luha.
"Pero maiba tayo. Kamusta ang lagay ng kapatid ko? Anong nangyari? Anong sabi ng doctor?" Pag-iiba ko.
"Na-hit and run po sya. Nagreport po sa akin ang pulis na nahuli na ang suspek at pinapapunta ako para maghain ng kaso. Ako na po ang bahala doon. Sabi ng doctor, may bali sa bandang left leg nya at galos sa kamay. Pero okay na po. Nagamot na. Pero..." Nahihirapan syang ituloy ang sasabihin nya.
"Bakit hijo? May problema? May masamang nangyari ba sa anak ko?" Maluha luha namang sabi ni mama.
"Di ko po alam na may amnesia sya kaya nagulat po ako nang sabihin ng doctor iyon sa akin. Minomonitor din po sya kung naapektuhan ang ulo nya. Paano po sya nagka-amnesia?" Taka nyang tanong.
Di ko akalain na mauungkat na naman ang dahilan ng amnesia ni Sunny dahil sa nangyari sa kanya ngayon.
Dahil sa pagkakaroon nya ng amnesia, ligtas si papa. Ligtas ang buong pamilya namin. Hindi man magandang pakinggan pero sana ay wag nang bumalik ang alaala ni Sunny. Maayos na ang buhay namin ngayon. Di bale ng walang maalala si Sunny basta walang mapapahamak sa amin.