VINCENT LEE's POV
How did I forgot my date with Yel? Argh! I'm such an idiot boyfriend! Babawi ako mamaya.
I'm on my way to her favorite restaurant. Siguro naiinip na sya at galit.
Nang makita ko si Sunny kanina na naglalakad sa tabing kalsada, di ko maiwasang humanga sa suot nya. Its color pink! Habang kasama ko sya, feeling ko, wala akong dapat gawin kundi ang kausapin sya. Naging interesado ako sa pagiging inocent nya sa ibang bagay. Kaya nakalimutan ko ang date namin ni Yel.
Pagdating ko sa restaurant, nakita kong nakatingin sa labas si Yel. Nagtatampo sya dahil late ako.
"Sorry, I'm late." Then I kissed her cheek.
"This is the first time na late ka sa date natin. Nakakatampo tuloy." She pouted.
Pumwesto ako sa katapat nyang upuan. I held her hand. My girl is really cute when doing that. She has a beautiful eyes and red lips na natural lang.
I smiled and pinched her cute nose. "Don't pout. Masyado kang nagiging cute eh. You know that I love seeing your cute face."
"I can't help it! You made me sad kasi hindi ka on time dumating." Nakapout pa rin sya.
Nagtatampo pa rin sya. This is the right time na dapat bumawi ako sa kanya.
"We should eat first. May surprise ako sayo. Babawi ako dahil late ako." I smiled.
Nanlaki ang mata nya. "Really? Can't wait for your surprise! Waiter!" Tawag nya sa waiter.
Yel really loves surprises and I won't fail to surprise her bigtime.
SUNNY VILLA's POV
Babalik na ako sa trabaho sa pagiging kasambahay ni Miss Joana. Tinext nya ako kanina na wala syang makakasama sa bahay nya. Takot syang mag-isa. Minsan hindi muna ako uuwi ng ilang araw at sasamahan sya. Kaya pinagsawa ko ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay ko.
Nilapitan ko ang human sized na teddy bear na malapit sa kama ko. Lumuhod ako at hinawakan ang magkabilang kamay nito.
"Pinky, aalis muna ako pansamantala. Batayan mo ang bahay ko ha? Wag kang mag-alala, babalik ako at bibilhan kita ng bagong makakasama."
Kahit ilang araw ko palang nakakatabi sa kama si Pinky, nalulungkot na ako. Hindi ko sya pwedeng dalhin sa trabaho ko eh.
Nilolock ko na ang gate nang makita ako ni Nove.
"Babalik ka na sa trabaho mo?" Malungkot na sabi nya.
Nilapitan ko sya at niyakap. "Oo eh. Pakibantayan nalang ang bahay ko ah?"
Hinawakan nya ako sa balikat at tinignan ako sa mata. "Sige. Mag-ingat ka ha?"
Tumango ako.
Mga ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang lumingon ako sa direksyon ni Nove. May naalala pala akong ibigay.
"Nove, favor naman."
"Ano yon?" Kunot noong tanong nya.
Kinuha ko sa bag ang pera na kagabi ko pa inihanda. Inabot ko iyon sa kanya.
"Anong gagawin ko dyan? Kakautang ko lang sayo ng five thousand tapos papautangin mo ulit ako? Hoy, Sunny! Hindi ko na kayang bayaran yan." Pagtanggi ni Nove ng ibigay ko ang pera.
"Sira! Pambili yan ng ticket sa concert!" Pabirong hinampas ko sya sa balikat.
Nanlaki ang mata nya. "Talaga? Seryoso?! Sasama ka sa akin sa concert ng Hallyu Brothers next month?" Nagtatalon na sabi nya. Natatawa ako sa reaction nya.
Kagabi, napag-isip isip ko, wala namang masama na sumama ako sa kanya. First move para malaman ko ang mga nangyayari sa paligid ko.
Curious din ako kay Vincent. Gusto ko din syang makitang magperform sa harap ng maraming tao at makita ang mga kapatid nya.
"Sige. Kita nalang tayo next month. Aasahan kong bibilhan mo ako ng ticket ah."
"Sure! Leave it to me!" Masigla nyang sabi.
MATTHEW SHIN's POV
Argh! Ang dami naman ng papeles na pipirmahan ko! Tingin ko papayat ang kamay ko kakapirma nito. Hinawakan ko ang kamay ko.
"Kawawa naman ang kamay ko, papayat na pero yung katawan ko, malaki pa rin. Ba't gano'n." Mangiyak ngiyak kong sabi.
Kukunin ko na sana ang ballpen nang tumunog ang cellphone ko.
A text from Sungmin.
"I need your help, bro. I'll make a surprise for Yel. Na-late kasi ako sa date namin and I promised her na susurpresahin ko sya."
Huh? Na-late sya sa date nya? Nakakapagtaka. On time sya palagi kapag may date sya with Yel. Nakakapanibago.
"Okay! Leave it to us." I replied.
Tinext ko si Kuya Jordan at Andrew. Malapit lang ang office nila sa office ko kaya mapapag-usapan namin ang surprise para kay Yel.
After 15 minutes, dumating na sila.
"Kailangan ni Vincent ang tulong natin." Pormal kong sabi.
"Bakit? Anong nangyari?" Nakakunot noong tanong ni Kuya Jordan.
"Late sya sa date nya with Yel and he promised na may surprise sya." Sagot ko.
Nakita kong nag-iba ang aura ni Kuya Jordan. Halatang ayaw nya sa girlfriend ni Vincent. Hindi nya daw gusto ang aura ni Yel.
"I have an idea!" Basag sa katahimikan ni Andrew. Nahalata nya sigurong hindi maganda ang atmosphere dito. "May malapit na private amusement park sa Imperial Hotel. Kung may binabalak kayong gawin, I think that's the best place. We all know that she's mentally ill and we have to be careful."
Surprised namin syang tinignan. A-alam nya? Paano nya nalaman? We hate that girl not because she's mentally ill but we have to protect Sungmin from her. Ayaw naming mapahamak sya.
Five months ago, Kuya Casey told us that he visited his bestfriend, A psychologist in a mental hospital. At nakita nya si Yel na palabas ng office ng bestfriend nya. When he asked his bestfriend kung anong ginagawa ni Yel sa office nya, sinabi nitong pasyente ito ng hospital at may Schizophrenia ito.
Ang nakakaalam lang nito ay Ako, Kuya Casey at Kuya Jordan. Hindi namin sinabi sa iba pa naming kapatid ang tungkol dito lalo na kay Vincent dahil ayaw naming magkagulo.
Tama ang sinabi ni Andrew, kailangan naming protektahan si Vincent sa maaaring gawin ni Yel. Wala kaming tiwala sa babaeng yon.
"Okay! It's evil plan time!" Sana tigilan na ni Yel ang kahibangan nya sa kapatid namin.
SUNNY VILLA's POV
Pagdating ko sa sala ng bahay ni Miss Joana, puro kalat ang nadatnan ko sa center table. Dumating na yata sya galing France.
"Oh! Nandito ka na pala, Sunny! Kamusta ang day-off mo? Sinulit mo ba ang araw mo?" Tanong ni Miss Joana pagkalabas galing sa kusina. May hawak syang baso ng tubig.
"Opo. Kamusta po ang byahe nyo? Kumain na po ba kayo? Ipagluluto ko po kayo." Sagot ko.
"I'm good. Wag ka nang magluto, katatapos ko lang kumain." Sabay angat nya ng baso ng tubig.
"Sige po. Ipapasok ko na po ang gamit ko sa kwarto." Paalam ko.
Tumango sya. Sobrang nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako nang mabait na among katulad nya. Isa syang fashion designer dito sa bansa at balita ko, sya ang gumagawa ng mga damit ng mga artistang hindi ko kilala.
Sabihin nyo ng tanga ako dahil hindi ko kilala ang mga katulad nila na sikat sa bansa pero may pumipigil sa akin na mang-usyoso sa mga sikat na artista sa bansa. Ewan ko. Hindi ko maintindihan.
Pagbukas ko ng kwarto naming mga maid, sinalubong ako ng yakap ni Jade.
"Sunny! Namiss kita! Anong balita?" Salubong ni Jade.
Maid din sya katulad ko. Matagal na syang nagtatrabaho dito, nauna sya sa akin.
"Okay lang naman ako. Sinulit ko ang day-off ko sa mga collections ko." Nakangiti kong sabi.
"Collections mo na naman? Ano bang napapala mo doon?" Angal nya.
Naiintidihan ko sya. Kuripot kasi ang babaeng to. Gusto nyang nagagamit sa tama ang pera.
"Sa mga collections ko lang naman nailalabas ang stress ko. Masaya ako kapag may nakokolekta ako. Atleast hindi ko nararamdaman na mag-isa ako sa bahay dahil sa mga collections ko." Sagot ko habang nilalagay sa cabinet ang mga damit ko.
Napabuntong hininga sya. "Sabagay. Okay na rin yon kesa mangolekta ka ng drugs. Masama yon."
Natawa ako sa sinabi nya. "Tara na! Magsimula na tayong maglinis ng bahay." Aya ko.
Habang naglilinis ako sa sala, nagddrawing naman si Miss Joana habang kumakain.
Humahanga ako sa galing nya sa pagddrawing at ang mga designs nya ay talagang napakaganda. Mapalalaki o mapababae man, siguradong babagay.
"Sa susunod na buwan ay magkakaroon ng concert ang pinakasikat na grupo sa ating bansa, ang Hallyu Brothers. Hindi maitatanggi ang kanilang kasikatan sa buong mundo kaya't maraming fans na ang bumibili ng kani-kanilang mga ticket sa ngayon." Sabi ng reporter sa tv. Nakabukas pala ang tv. Hindi ko alam.
"Yes! May concert sila!" Sabi ni Miss Joana na akala mo ay nanalo sa lotto.
"Miss Joana, pupunta po ba kayo sa concert nila?" Sabay turo ko sa tv.
"Hindi. Ako kasi ang gagawa ng mga damit nila para sa concert. Masaya lang ako dahil mapapasabak na naman ako sa pagddesign. Ang dami kaya nila! Di rin biro na gawan sila ng damit ah."
"Ah." Kaya pala. Akala ko pupunta din sya eh. Baka magkita kasi kami sa concert kapag nangyari yon.
YEL KIM's POV
I'm so excited sa surprise ni Vincent! Ano kayang surprise yon?
"Vincent, anong surprise ba yong inihanda mo para sa akin?" I asked.
He smiled while driving. "We'll see later. Are you excited?"
"Of course!"
Habang nasa byahe, may napansin akong familiar na lugar. Oh no! This can't be! Hindi ako pwedeng magkamali!
Tinignan ko si Sungmin habang nagddrive. He's smiling.
"V-vincent. M-maybe we should go home nalang. I'm not feeling well eh." Nauutal kong sabi.
Nagtatakang napalingon sya sa akin. "Huh? Bakit? Nandito na tayo."
Napatingin ako sa paligid. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.
Oh my god! W-why here?! s**t! I should convince him na wag nang ituloy ang kalokohang ito. Ayoko sa lugar na to! Gusto kong umalis!
"U-umuwi nalang tayo. I'm tired na. Next time nalang natin ito ituloy." Hindi ko kayang mag-stay sa lugar na ito! Ayoko!
He held my hands. "Saglit lang naman tayo dito. Wala namang katao-tao dyan sa loob ng amusement park dahil ni-rent ko ito para surpresahin ka. I told you na babawi ako, di ba? So, ito, babawi ako."
Surprise?! Really, huh?! Eh surprise na surprise na nga ako eh! I don't want to stay any longer in this damn place! It's killing me!
"I-i understand naman na first time mong na-late sa date natin. I forgive you kaya umuwi na tayo." God! Bakit ang hirap paliwanagan ng lalaking ito?!
"If you're afraid na may gagawin ako sayong masama, don't worry. I'll be a good boy. Trust me." Then bumaba na sya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Shall we?" Nakalahad ang kamay nya. Hindi ko tinanggap yon. Sa halip, tinulak ko sya at tumakbo palayo sa lugar na yon.
Madami namang lugar pero bakit dito pa?! Damn!
"Yel!" Tawag nya. Hindi ko sya nilingon. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa hilain ako ng isang tao sa madilim na parte ng amusement park.
"Stay away from our brother. You're not good for him." Sabi ng lalaking humila sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa nakita. Bakit nandito sina Jordan, Andrew at Matthew?
"What are you doing here? Why are you telling me to stay away from him? Hindi nyo alam ang sinasabi nyo." Sabi ko kay Andrew na humila sa akin kanina.
"Coz you're a crazy woman! Lumayo ka sa kanya kung ayaw mong kami mismo ang magdala sayo sa mental hospital!" Sigaw ni Jordan.
"Wala kayong magagawa dahil akin na sya. Kayo ba ang may gawa nito? Pwes! Nagtagumpay kayong takutin ako pero hindi ibig sabihin no'n ay hihiwalayan ko na si Vincent!"
Then umalis na ako sa lugar na bangungot ko.
VINCENT LEE's POV
Bakit ganoon ang reaction nya? Is there something wrong? Naguguluhan ako.
I dialed her number. She's not picking up the phone!
"Please, Yel. Answer the phone." Usal ko habang nagriring sa kabilang linya.
Argh! Sabi ko babawi ako sa kanya, pero bakit ganito? Bakit umalis sya? Tumakbo. God! Pinag-aalala nya ako sa ginagawa nya.
"Don't waste your time calling her. Hindi na sya babalik sa lugar na ito." Napalingon ako sa nagsalita. Si Kuya Jordan.
Anong ginagawa nila dito? Ang alam ko, si Kuya Matthew lang ang hiningan ko ng tulong.
"Kuya Jordan." Tawag ko.
"Vincent, layuan mo na sya. Hindi pwedeng tumagal ang relationship nyo dahil mapapahamak ka lang." Seryosong sabi ni Kuya Jordan.
"Anong pinagsasabi mo Kuya? I love her." I said.
"Kuya Vincent, we're just protecting you from her. Mas lalala ang situation kapag hindi mo sya hiniwalayan. Please Kuya." Andrew begged.
"What?! Are you out of your mind? Bakit nyo ako dinidiktahan na hiwalayan sya? Kayo ba ang may hawak ng puso ko?!" Papaano nila nasasabi ang mga ganitong bagay?!
"You're inlove with a crazy woman! She's mentally ill. Naintindihan mo?! Hindi mo ba napapansin?!" Sigaw ni Jordan.
I was surprised sa sinabi nya. "Tss! Alam kong ayaw nyo sa kanya kaya nasasabi nyo ito pero mahal ko sya!"
"Yeah. Hindi namin sya gusto pero hindi namin kayang makita kang kasama sya dahil may sakit sya sa utak! Baka kung anong gawin nya sayo. Ayaw ka naming mapahamak!" Sumigaw na din si Kuya Jordan.
"I don't get your point, Kuya. Wala kayong ebidensya sa mga sinasabi nyo. Sinisiraan nyo lang sya sa akin. Baka kayo ang may sakit sa utak kaya nasasabi nyo yan." Then pumasok na ako sa kotse at pinaharurot yon papunta sa condo ko. Kainis! Kung ayaw nila kay Yel, manahimik nalang sila! Ayokong umuwi sa bahay, baka may magawa akong hindi nila magustuhan.
Nakakabadtrip! Ayokong maniwala sa mga sinabi nila. I love Yel. Hindi ako papayag na diktahan nila akong hiwalayan sya.
SUNNY VILLA's POV
Ang bigat naman nitong mga dala ko. Inatake kasi ng LBM si Jade kaya hindi sya nakasama sa akin sa grocery store.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtawid sa kalsada ng may humaharurot na kotse sa direction ko. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Hanggang sa mabundol ako at mabitawan ang mga dala ko.
Ang huli kong narinig ay boses ng isang lalaki na familiar sa akin. "Sunny, wake up!" Bago ako nawalan ng malay.