Chapter Three

1442 Words
SUNNY VILLA's POV Naglalakad ako sa tabing kalsada habang tinitignan ang cute kong sandals na color pink na binili ko three years ago. Ngayon ko lang naisipan suotin. "Dapat ba akong sumama kay Nove?" Mahina kong tanong sa sarili. *Flashback* "Oo nga. Wala ka na talagang pag-asa, Sunny. Halos buong mundo, kilala sila." Napapailing na sabi ni Faye Marie. "Halos buong mundo kilala sila tapos ikaw hindi?" Sabi ni Nove. Malay ko ba sa mga ganyang bagay. "Problema kasi sayo, masyado kang dedicated sa trabaho mo. Girl, hindi magandang sa isang bagay ka lang nakafocus, try to look around you. Bili bili din ng tv pag may time para alam mo kung anong nangyayari sa paligid mo." Sabi naman ni Deasyrey. Totoo nga. Masyado akong nag-aalala sa trabaho ko. Gusto ko lang namang makatulong sa pamilya ko pero hindi ko man lang magawang alamin ang nangyayari sa paligid ko. "Ganito nalang." Hinawakan ni Nove ang kamay ko at tinignan ako. "Sumama ka sa akin sa concert ng Hallyu Brothers next month para malaman mo kung bakit sila sikat sa buong mundo. Para kahit papaano, alam mo ang nangyayari sa paligid mo." Suhestyon ni Nove. "Pag-iisipan ko." *End of flashback Ang mahal naman kasi ng ticket! Five thousand pesos! Pambili ko na yon para sa collection ko! Napahinto ako sa paglalakad ng may tumapat na itim na kotse sa tabi ko. Kunot noong tinignan ko ang kotse. Bumaba sa kotse ang lalaking nakita ko sa Blue World. Anong ginagawa nya dito? Nilapitan nya ako. "Hello. Nice to see you again. Saan punta mo? Baka pwede kitang ihatid?" Nakangiting sabi ng lalaki. Para akong nililipad sa ngiti nya. Gusto kong kurutin ang pisngi nya sa sobrang cute at ang mga mata nya... Ang ganda. "Ah. Eh. Wag na. Malapit na ako sa bahay ko." Nahihiya kong turan. At first time kong makakita ng isang katulad nya. Sa tingin ko nga, crush ko na sya eh. "Ganoon ba? Pwede ba kitang ayaing mag-coffee?" "Coffee? Bakit?" "Gusto lang kitang makausap." Nakangiti nya pa ring saad. Hindi ko alam kung nagpapacute ba sya o natural na ang pagiging cute nya. Wala naman akong gagawin sa bahay at mukha naman syang mabait. Tumango ako. Pagdating sa coffeeshop, nag-order kaagad sya. Hinayaan ko nalang sya na mag-order para sa akin. "Hilig mo bang pumunta sa coffee shop na ito?" Tanong ko. Napansin kong kilala na sya sa coffee shop na ito. "Oo. Six times a week ako pumunta dito." "Naku! Nakakatulog ka pa ba sa tamang oras nyan? Kasi sabi nila, masama daw ang sobrang pag-inom ng kape." Narinig ko kasi yon sa classmate ko noong highschool. Umiinom ang tatay nya ng kape araw-araw. Habang tumatagal daw, nahihirapan na itong makatulog. Natawa sya sa sinabi ko. "Hindi naman. Hilig ko lang talaga pumunta dito. Iinom lang ako ng coffee kapag may problema ako." "Ah." Napatango ako. Buti naman. Pagdating ng order namin, sinimulan na naming kainin ang cake. "Nga pala, yung human sized teddy bear na binigay ko sayo, kamusta na?" Tanong nya. "Okay naman. Katabi ko sya sa pagtulog. Feeling ko nga, may katabi talaga akong tao eh. Maraming salamat ulit." I smiled. "Nice to hear that. Isipin mo nalang na ako ang katabi mo." Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi nya, idagdag pa ang pagngiti nya. Napapitlag ako nang pumailanlan ang isang magandang kanta sa loob ng coffeeshop. Ang ganda. Ang sarap sa pandinig at magaan sa pakiramdaman ang kanta. First time kong marinig ang kantang ito pero ang puso ko parang maraming beses ko na itong napakinggan. "Nagustuhan mo ba ang kanta?" Nakangiti nyang sabi. "Oo. Masarap pakinggan." Nakapikit kong sabi. Ninanamnam ko ang kantang aking naririnig. "Alam mo bang sa lahat ng kinanta namin, iyan ang pinaka-favorite ko?" "Namin?" Nagtataka kong tanong. Anong ibig nyang sabihin doon? Kumakanta ba sya? Kunot noo nya akong tinignan. "Hindi mo alam na kami ang kumanta no'n?" Umiling ako. Kahit kailan hindi pa ako nakakarinig ng ganito kagandang kanta. "Sorry. Hindi kasi ako nakikinig sa radyo, sa tv o sa kahit anong palabas." Nakayuko kong turan. Ngayon, nagsisisi na ako kung bakit hindi ako nakikiuso sa paligid ko. Para akong walang muwang na sanggol na hindi alam kung anong nangyayari sa paligid nya. "Oh, I see. So, you don't know me too?" Paniniguro nya. "Sorry." Hingi ko ng despensa dahil hindi ko sya kilala. VINCENT LEE's POV This is my first time to encounter a girl na hindi ako kilala at ang group namin. Halos kilala kami sa buong mundo. Nakakapanibago. I offered my right hand for a hand shake. "I'm Vincent Lee. I'm sorry kung hindi man lang ako nagpakilala sayo. My bad." Tinanggap nya ang kamay ko. Maliit ang kamay nya at malabot. Parang ayokong tanggalin ang kamay ko sa kanya. "Riza Gae Ferreras. Ako dapat ang mag-sorry. Hindi ko akalain na sikat pala ang kaharap ko." "No worries. Malawak na ang sakop ng media ngayon, pero sa tingin ko, hindi ka inabutan no'n. We will do our best to be recognize." Napatawa sya. "Oo nga eh. Ang tagal ko na sa syudad pero para akong tagabundok." "Pero I'm thankful na kahit na hindi mo ako kilala, sumama ka pa rin sa akin dito sa coffee shop." Ngumiti sya bago nagsalita. "Wala naman akong nakikitang masama sa pagsama sayo dahil hindi ka naman mukhang sanggano. Mukha ka namang mabait." "Thanks." Nakangiti kong sabi. Bago sa akin ang pakiramdam na ito, ang makakilala ng taong hindi man lang ako kilala. "Ano… Kumakanta ka ba talaga?" Nahihiya nyang tanong. "Oo. Hallyu Brothers ang pangalan ng grupo namin. Labintatlo kaming magkakapatid sa ina pero madadagdagan ulit kami dahil may dalawa pa kaming kapatid na nawalay sa amin." "Eh di labinlima na kayong magkakapatid?" Gulat nyang tanong. I nodded. "Yeah. Sama-sama kami sa mansion at maayos naman ang relationship namin sa isat isa." "Hindi ba masakit sa ulo kapag may ganoon ka karaming kapatid?" "Sometimes. Magkakasundo kami. Pero kahit na ganoon, seryoso kami sa pagpapatakbo ng company at nagagawa naman namin magbonding kapag may time." "Anong company?" "Alam mo ba ang Hallyu Brothers Empire?" Tanong ko. Baka hindi na naman nya alam kapag nagkwento ako. She shook her head. She's very innocent and cute. "We have 13 branches here in Philippines na pinapatakbo naming magkakapatid. Ang main branch ng company ay pinapatakbo ni Kuya Dennis. Sya ang tunay na anak ng Daddy namin." Pagkukwento ko. "Ah. Narinig ko na ang pangalan ng kapatid mo na si Dennis. Nabanggit sa akin ng kaibigan kong si Deasyrey. Secretary daw sya ni Dennis." "Yeah. Secretary nga sya ni Kuya Dennis." Kilala ko na si Deasyrey dahil kapag pumupunta kami sa office ni kuya, siya ang sumasalubong sa amin. Pinag-resign na kasi ni Kuya Dennis si Gina. "Nga pala. Nasaan ang tunay mong ama?" Concern nyang tanong. Napatitig nalang ako sa kanya sa tanong nya. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot o dapat ko bang sagutin ang tanong nya? Sa lahat ng tanong, ito ang hindi ko inaasahan na itanong nya sa akin. "Sorry kung natanong ko. Pasensya na." Napayuko nyang sabi. Napansin nya yatang hindi ko iniexpect ang tanong nya. I held her hand na nasa mesa. Napatingin sya. I smiled. "Okay lang. Wag mo nalang alalahanin na tinanong mo yon." I really don't understand why I found myself hopeless sa tanong nya. I should be prepared next time when people ask me about my biological father. Nahihirapan akong magsalita kapag naaalala ko ang tunay kong ama. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang ginawa nya. "By the way, you like cute stuffs din, di ba?" Pag-iiba ko sa usapan. "Oo. Sobra. Halos buong bahay ko, punong puno ng color pink and cute stuffs. Naging hilig ko iyon since magkatrabaho ako." Masaya nyang kwento. Is it destiny?! May kapareho ako ng hobby? "Really?! What a coincidence! Pareho pala tayo ng hobby. Maybe we should show our collections some other time." Amazed kong sabi. Finally! Nakatagpo ako ng taong makakaintindi sa hobby ko. She gave me a cute smile. "Sige. Walang problema sa akin." SOMEONE's POV Nagpupuyos ako sa galit dahil sa nakikita ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag and I dialed his number. "Hello." Sagot nya. "Where are you?" I said. "Oh! I'm sorry. Papunta na ako dyan. Wait me there." And he ended the call. Damn! He's cheating on me! Argh! I looked at the girl. Ngayon ko lang sya nakita and I guess, isa sya sa mga babae nya. Hindi ako papayag na may umaaligid sa pag-aari ko. Makakatikim ng impyerno ang magtatangka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD