Chapter 14:Nagsasawa "Kariel, stop what you're doing muna," suway ni Tita kay Kariel. Parang walang narinig si Kariel at pinagpatuloy ang pagp-phone kahit kumakain s'ya. Natahimik kaming lahat habang tinitignan si Kariel na hindi pinansin ang ina. "Kariel," suway rin ni Tito. Hindi pa rin sila pinansin ni Kariel. "Kariel, where's your manners?" si Daniel. Napatingin si Kariel sa amin at napunta sa Kuya niya. Umirap siya. "Mamaya na 'ko kakain." Umirap s'ya at tumayo na. "Kariel!" pagtawag sa kanya ni Tita pero patuloy s'ya pag-alis sa dining. Napailing sina Tita at nanahimik naman kaming tatlo nila Mommy. Ano kayang problema n'on? Anong nangyari d'on? "Uh, excuse me," inis na paalam ko nang tumunog ang phone ko. Lumabas ako mula sa dining at lumayo. "Oh?" bungad ko pagka-tap ko

