Chapter 13:Regret? "Sorry, Daniel, ah? Kakausapin ko muna 'tong bwiset na 'to," sabi ko kay Daniel. Kakausapin ko na muna. Napakatanga kasi. "It's okay, pupunta na muna ako dun sa resto mo. I'll check it muna." Ngumiti s'ya. Umalis na sya kaya kinuha ko 'yong upuan na nasa harap ko at umupo d'on. "So, anong problema?" tanong ko sa kanya at humalukipkip. Binaba n'ya ang hawak n'yang wine glass at malungkot akong tinignan. "Gusto n;yang pirmahan ko ang annulment na gusto niya. Sabi n'ya pagod na pagod na daw s'yang intindihin ako," umpisa nya. Tumango ako. "Kaso hindi ako pumayag, sabi ko sa kanya walang mangyayaring annulment pero hindi s'ya sumagot. Kumuha s'ya ng gamit n'ya at dinala si Rina. We're done na daw." "Yan! So stupid mo kasi! Kausapin mo ulit! Para magkaunawaan kayo."

