Chapter 5

1130 Words
Chapter 5:Flat "Mommy! I'm so excited! Yiiii!" kinikilig na usal ko. Papunta na kami ngayon sa New York dahil d'on balak nina Kuya at ni Ylona na magpakasal. Ito na 'yong araw na pinakahihintay ni Kuya kaya masaya ako para sa kaniya kahit pa hindi ako ayos sa magiging asawa niya. I mean, we're okay but I'm not comfortable with her. Kahit kasi sa tatlong taon na lumipas ay may duda pa din ako na baka mahal niya pa rin si Vin kahit kaunti. Or I'm just being paranoid? Uh, ewan! "Ssh. Me, too, baby, but you better shut your mouth and be quiet. We're on the plane and everybody's sleeping," sita sa akin ni Mommy. Napahalukipkip ako at umirap. And so what if they're sleeping? E 'di mag-ingay din sila! Pero, kung kailangan kong tanggapin si Ylona para kay Kuya, I will. Para kay Kuya I need to accept it. Isa pa, may tiwala naman ako kay Vin, e. I know that he loves me at hindi n'ya ako ipagpapalit sa kung sino man. Naku! Subukan n'ya lang talaga! Bukas ang kasal nila Kuya. Before dinner yata. Nanahimik ako at nag-isip-isip. "Anak, bilisan mo na! Magpaayos ka na. It's almost six PM, hindi ka pa nakakapagpaayos ng sarili mo!" panenermon sa akin ni Mommy. Napatigil ako sa paggamit ng phone ko. Kanina pa nang makadating kami dito sa New York. Kanina pa naman sila aligaga at nag-aayos dahil masyado silang excited para doon sa kasal. Ako naman, ito pa-chill-chill lang. Ni hindi pa nga ako bihis. "Wala ka namang hinire na make up artist, e." "Gosh! Oo nga pala!" Aligaga n'yang kinuha ang phone n'ya at may kung sinong kinausap. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na agad 'yong make up artist na hinire ni Mommy. "All done," sambit n'ong nagmake up sa akin. Wala na akong pake sa sarili ko! Bahala sila dyan! Tumayo na 'ko at idinial ang number ni Vin. "Where are you? Nakadating na ba kayo?" Simula kasi kanina hindi pa s'ya tumatawag. "Yes, baby. Actually, nasa harap na ako ng hotel. Paakyat na lang ako," sagot n'ya. "Bilisan mo." Binaba ko na 'yong tawag at nagbihis na ng susuotin ko. Inayos ko na rin ang dapat kong ayusin kaya makalipas ang ilang minuto ay tapos na ako. "Mommy, sasabay pa ba kayo? Or mauna na ako? Nandyan na si Vin..." tanong ko kay Mommy habang inaayos ang purse kong gagamitin. "No, baby. Sumabay ka na kay Arvin. Bye." Ngumiti s'ya. Nagkiss ako sa cheeks n'ya at hinintay na si Vin sa living room. Ilang saglit pa ay may nagdoor bell, it means si Vin na 'yon. Kinuha ko agad 'yong purse ko at binuksan 'yong pinto. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Napalunok ako. "Hey, let's go." Kinuha n'ya ang kamay ko. Jusko. Is he really my boyfriend? Daig niya pa 'yong ikakasal dahil sa sobrang ayos niya! Gosh. Umalis na kami sa hotel at dumeretso sa venue. Hindi church wedding ang gusto nila Kuya. Ewan ko ba doon sa mga 'yon. Aarte. Pwede namang sa Pilipinas na lang ikasal, New York pa 'yong pinili! Pink ang kulay n'ong napili nila, pero ang suot talaga is white gown or white dress. Tapos for boys is suit lang. Parang 'yong theme lang ay pink. Medyo marami na ngang tao and infairness, nandito na agad si Kuya. Lumapit ako sa kanya at kinalabit s'ya. "Oy, congrats!" bati ko. Sinamaan n'ya ako ng tingin. Tinignan ko ang kabuuan niya at napangiti. Ang gwapo ng Kuya ko! Halatang excited! "Ito naman, nagbibiro lang, e. Congrats, Kuya kong panget!" Niyakap ko s'ya. "Thanks, pader." He hugged me back. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. "Pader?! Sinong pader?!" "Ikaw." Natawa s'ya, kasabay n'on ay ang pagtawa nitong bwisit na lalaking nasa tabi ko. "Congrats, pre!" bati ni Vin kay Kuya. "Salamat, pre!" Sinamaan ko ng tingin si Vin, nagpigil naman siya ng tawa kaya mas lalo akong nainis. Ang gagaling nila! Hindi naman ako pader, e! Hindi man kalakihan itong sa akin pero maaano naman! "Sige, ha! Ganyanan, ah! Flat-flat mo mukha mo!" inis na sabi ko kay Vin at iniwan s'ya. "Baby, let's sit." Biglang sumulpot sa tabi ko si Vin. Tinarayan ko s'ya. Flat, huh? Flat niya mukha niya! Tse. "Tse! Pader, 'di ba?! D'on ka! Humanap ka ng malaki 'yong dibdib dyan!" inis na sabi ko. "Tsh. Look." Hinarap n'ya ako sa kanya. "Kahit pa ganyan ka, I mean kahit pa pader of flat ka..." Hinampas ko s'ya nang bumaba ang tingin n'ya sa dibdib ko. "Bwiset ka! Manyak!" mahinang sigaw ko sa kanya. "Anong manyak d'on? Look, baby, kahit pa flat ka, mahal pa rin kita." Ngumiti s'ya. Inirapan ko ulit s'ya. E 'di wow! Malinaw naman sa akin na ang gusto ng mga lalaki ay 'yong may malaking hinaharap! Gusto nila yung malulunod sila! Hmp. "Tse! Layas dyan sa harap ko!" Inirapan ko ulit s'ya at nilapitan agad sila Erianne nang makita ko silang papasok. "Cat!" tawag n'ya sa akin. Nagbeso ako kanila Tita Arnie pati na rin kay Anne. "Sis, ikaw na susunod dito! Yiii!" "At kanino naman ako ikakasal?!" salubong ang kilay na tanong ko. "Sa 'kin. Kanino pa ba?" Sumulpot na naman si Vin. Bakit ba sulpot nang sulpot 'to? "Kay Kit!" pangangasar ko pero hindi ko ipinahalata. Nagkasalubong ang kilay n'ya sa sinabi ko. "At least sa kanya hindi demanding," dagdag ko pa. "Subukan mo lang, sinasabi ko sayo. Malalagot ka sa akin mamaya," pagbabanta n'ya. "Natakot ako." Ngumisi ako. "Try me, Cat." "Tse! Layas! Naiinis ako sayo!" "Anong nangyari sa inyo?! LQ? Na naman?" natatawang tanong ni Anne "Flat daw ako," inis na sabi ko. Tumawa naman ang loka. "Bwiset! Isa ka pa!" Binatukan ko naman s'ya pero hindi s'ya tumigil sa pagtawa. "Bwisit ka!" naiinis na sabi ko. Bwisit 'tong mga 'to. "Tawa pa!" Inirapan ko sya. Tumigil s'ya kakatawa at halos maiyak s'ya. "Uy, Cat!" Sabay kaming lumingon nang marinig ang boses nila Thea at Keith. Nakipagbeso ako sa mga magulang n'ya. "Anong nangyari dyan?" kunot noong tanong ni Keith nang tumawa na naman si Erianne. "Lintek na 'yan! Erianne Deloso, ano ba?!" inis na mahinang sigaw ko. Tumigil s'ya saglit at muli na namang natawa. "Susumbong kita kay Arden!" pananakot ko. Natawa lang s'ya. "Halika na nga. 'Wag n'yo nang pansinin 'yan, nababaliw na naman 'yan," inis na sabi ko. Hinila ko na sila Keith paalis doon dahil sa inis ko. "Si Sir ba 'yon?" Napatigil kami sa paglalakad at tinignan ang tinuro ni Thea. Yeah. May kausap siyang babae. Ang matindi, foreigner pa! Napunta ang tingin ko sa dibdib n'ong babae. Kaya pala. She has the body, the beauty, and the boobs! E 'di doon siya, mukhang malulunod naman siya doon! "Hmp!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD