Chapter 4

1247 Words
Chapter 4:Jaysse Nagising ako nang marinig ko ang pagring ng phone ko. Nakapikit ko itong kinuha at sinagot ito kahit hindi ko pa nakikita kung sino 'yong caller. Itinapat ko ang phone ko sa tainga ko at nakarinig naman ako ng ingay mula sa kabilang linya. Mga nagtitiliang babae, mga nag-uusap at kung ano-ano pa ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Ano ba 'yan? Sino ba 'to?!" inis na tanong ko. "Catriona, where are you?" Nagmulat ako ng mata ko nang marinig ang boses ni Vin. Tinignan ko 'yong wall clock ko at nagmadaling tumayo nang makita kong seven-thirty AM na. "Naku! Sorry, sorry! Ngayon lang ako nagising!" Aligaga kong kinuha 'yong t-shirt ko tsaka 'yong pants kong susuotin ko. "I knew it." Halatang nadismayado s'ya sa sinabi ko. E, anong gagawin ko? Napuyat ako kagabi kaya ngayon lang ako nagising. May pinagawa pa sa aking mga papel si Shaun kagabi kaya inis na inis ako. Idagdag mo pang hindi ako pinatulog ng mga sinabi sa akin ni Manang. Like, hello? Bakit ako magsisisi? "Sorry na, babawi ako. Patayin ko muna 'to kasi maliligo ako. Bye! Love you!" Pinatay ko 'yong tawag at hinagis 'yong phone ko sa kama ko. "Sorry na!" bungad ko kay Vin nang makarating ako d'on sa booth na sinabi n'ya. Dating booth. He told me that he will be handling the dating booth so that's why I'm here. Iginala ko ang paningin ko at nakitang maraming estudyante rin ang nandito. Siguro mga nasa labing lima sila, may apat akong nakita na lalaki at ang natira ay puro babae na. Mukhang sila ang kasama ni Vin dito. Nahagip ng tingin ko si Vin at nakita kong seryoso itong nakatingin sa akin, nakasimangot pa. "You're late," masungit na sabi n'ya. "Ito naman! Sorry na nga, e!" "Tsk." "Bilis na. I owe you a date, right?" "Tss." "Bilis na!" "Fine. Whatever!" "Arte! Papayag din naman," bulong ko. Tsk. Siguro may buwanang dalaw na naman ito kaya ganyan. "Saying something?" nakataas ang isang kilay na tanong n'ya. "Wala! Sabi ko ang cute mo!" Inirapan ko s'ya at sakto n'on ay ang paghalik n'ya sa pisngi ko. "But, you're cuter than me." Kumindat s'ya at umalis sa harap ko. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang labi kong ngumiti. "You know what? Mas maganda 'to kung may mga designs na heart pero please lang, 'wag pink," suhestiyon ko. "We're planning that, too, kaya pinabili ko na si Jaysse ng mga id-decors namin," he answered. "Who's Jaysse?" Nagkasalubong ang kilay ko. Lalaki ba yun? O babae? Pero, mukhang lalaki? Jaysse nga, e. "Are you jealous? Don't be 'cause she's just my student." Ngumiti s'ya. Aba? Kapal! "Sinong nagsabing nagseselos ako?! Asa!" Tumawa s'ya. "Don't tell me you're not?" Ang kapal naman ng mukha niya! Bakit ako magseselos? Sa lalaki pa talaga ako magseselos? Wow! "E, hindi naman talaga, e!" "Uh, huh?" "Tse! Bahala ka diyan!" Inirapan ko s'ya at natawa na lang ulit s'ya. Dumating 'yong sinasabi n'yang Jaysse kaya naman nanlaki ang mga mata ko. Akala ko lalaki 'yong Jaysse!? Babae pala ito! Kanina pa nakadikit 'yong Jaysse sa kanya at kanina pa rin nakasalubong 'yong kilay ko habang nakatingin sa kanila. Halatang gustong-gusto pa nitong maharot na lakaking 'to. "You know what, Sir? Why don't you try our booth, tapos ako partner mo," malanding sabi n'ong Jaysse at lalong tumaas ang isang kilay ko. Bwiset 'to, ah? Gusto niya siya na lang? Tapos palapa ko siya sa aso? "Huh?" kunot noong tanong ni Vin pero nakangiti pa. Mas lalo akong nainis dahil doon. Ang kapal nila! Talagang dito pa sa harapan ko sila maglalandian? Tumikhim ako at mukhang walang narinig 'tong malanding lalaking to. "Uhm, kaso may kasama ako," si Vin. Tumingin s'ya sa akin. Ang sama-sama na ng tingin ko sa kanya habang s'ya naman ay parang humihingi ng tawad na nakatingin sakin. "Catriona West. Galing din s'ya dito and she's my student three years ago, uhm, she's my girlfriend, too." Bahaw akong ngumiti doon sa Jaysse na 'yon. "Ay, hello, Ma'am." Ngumiti 'yong Jaysse. As far as I know hindi naman kita student para tawagin mo kong Ma'am? Bahaw lang akong ngumiti at palihim na napairap. Nang makaalis si Vin dahil may dadaanan daw muna s'ya saglit ay tumayo muna ako at tumabi d'on sa Jaysse. Nagkunwari akong tumitingin ng mga decors nila at sinadya ko s'yang bungguin. Napaurong siya nang dahil sa pagbangga ko at palihim na napangiwi. "Oops, sorry," kunwaring hindi sinasadyang sabi ko. Napatingin s'ya sa akin at ngumiti nang pilit. Ang kaninang ngiwi ay napalitan. Magaling, huh? "Ay, okay lang po, Ma'am." Nakangiti s'ya nang pilit habang sinasabi 'yon sa akin. Bish, not me. Alam kong fake ka kaya 'wag mo akong ngitian nang ganyan. "You're Jaysse, right?" "Yes, Ma'am." "And you must be the itchy student of my boyfriend, right?" Ngumiti ulit ako sa kanya. "Oops, my bad. Hindi ko mapigilan 'yong bibig ko." Tumaas ang isang kilay n'ya. "I can't understand you, Ma'am." Ngumiti s'ya ulit at alam kong peke na lang 'yon. Show me your true colors, bish. "Do you want me to explain it to you?" "Yes, Ma'am." "What I meant is, try mo kayang lumayo-layo nang kaunti sa boyfriend ko? Sobrang lapit mo, e. Sa sobrang lapit mo, nagmumukha kang linta. Pangit at makating linta." Ngumiti ulit ako."Gusto mo ten thousand? Pambili ng taga kamot? Makati ba masyado?" Nawala ang mga ngiti sa labi ko. Humalukipkip ako at tumingin sa kaniya mula ulo n'ya hanggang paa. I smirked after doing that. "Alam mo? Hindi bagay sayo 'yong pangalan na Jaysse. Mas bagay sayo linta," I said while smirking. "Bakit po, Ma'am?" Natawa ako dahil naguluhan pa siya. "Idiot," natatawang sabi ko na punong-puno ng pagkasarkastiko. Nakakawalan ng gana! Ang galing lumandi, wala namang utak. Bumalik ako sa pagkakaupo ko dahil feeling ko ay nawalan ako ng gana dahil sa ka-engot-an n'ya. Pinasadahan ko s'ya ng tingin at nagkasalubong na naman ang kilay ko nang mahuli ko s'yang inirapan ako. Kung kaya niyang lumandi, aba, marunong din ako! Nang makarating si Vin ay nag-cling agad ako sa kanya na siyang ikinakunot ng noo niya. Mukhang naguluhan dahil sa ginawa ko. Nakangising tinignan ko si Jaysse na nakatingin na rin sa amin. You watch and learn, idiot. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at binalingan si Vin. "Are you hungry na?" malambing na tanong ko kay Vin. "Not yet, why?" tanong n'ya pabalik. Hinila ko s'ya sa isang upuan at isinandal ang ulo ko sa braso n'ya. Nagtaka na naman siya dahil sa ginawa ko. Si Jaysse naman, matalim na ang tingin sa akin kaya mas ngumiti pa ako nang mas matamis sa kaniya. "Wala lang, I'm just asking you if you're hungry na. You know, I owe you a date, right?" Paglalambing ko pa. "Wait." Tinanggal n'ya ang pagkakakapit ko sa kanya at tinignan ako. Humarap s'ya sa akin habang nanliliit ang mga matang nakatingin sakin. "What happened? Why are you so sweet?" Pfft. I want to laugh. "Ngayon lang ba ako nanlambing?" nakangusong tanong ko. "No, but this is different," he answered, naguguluhan pa rin. "Ito naman..." Niyakap ko siya at napangisi. Marahan ko pang hinagod ang balikat niya. "Halika na nga. Ang cute mo, tara na. Punta tayong cafeteria baka gutom ka na." Hinila n'ya na ako paalis. Nang makadaan ako sa tapat ni Jaysse ay bumulong ako sa kanya. "That's how you do it." Ngumisi ako at nagpatangay na kay Vin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD