Chapter 3:Magsisisi?
"Yes, 'my?" tanong ko kay Mommy pagkakababa ko ng hagdan.
Sinalubong ko s'ya ng yakap. Actually, kadadating ko lang galing sa CGOC. I'm really exhausted but Mom called me so that's why I'm here. Dapat talaga ay nagpapahinga na ako ngayon.
"Naayos mo na ang gagamitin mo? 'Yong susuotin mo?" tanong n'ya.
"Not yet, 'my. Why not samahan mo ako kanila Tita Raquel?"
Tumingin s'ya sa akin. "Well, pwede naman. Next week na 'yon at hindi ka pa nakaka-pagawa ng gown mo."
Gaya ng sinabi ko kay Mommy, kinabukasan ay sinamahan agad ako ni Mommy sa boutique ni Tita Raquel. Narito kasi kami ngayon para doon sa pagpapagawa ng susuotin ko para sa kasal ni Kuya. Medyo excited na ako dahil sa kasal pero nalulungkot din ako at the same time. Hindi ko lang kasi maimagine na ikakasal na si Kuya at tsaka nalulungkot ako dahil hindi na ako 'yong baby ni Kuya. Gosh.
"Super nakaka-stress! Joke lang po. I can handle naman po," sagot ko sa tanong ni Tita Raquel.
Tinanong niya kasi kung kumusta ang pamamalakad ko sa kumpanya nila Shaun lalo't mahirap daw para sa akin dahil hindi ko gaanong gamay. Sabi ko nama'y ayos lang dahil nakapag-aral ako nang isang taon ng kung paano mamalakad ng kumpanya kaya they don't have to worry.
"Buti naman you can handle na. Kailan ang kasal ng Kuya mo? Grabe, ang bilis na ng panahon, dati umiihi pa lang 'yon sa diaper n'ya tapos ngayon ikakasal na s'ya," natatawang kwento ni Tita.
"Kaya nga po, e." Natawa ako.
Nang makuha ni Tita ang panukat n'ya at pinulupot n'ya agad 'yon sa waist ko at sinukatan na ako.
"Simple color lang po ang gusto ko. Medyo gusto ko po may class," nakangising sabi ko.
"Class, huh?" Natawa si Tita Raquel na pinagpapatuloy pa rin ang pagsusukat sa akin.
"Si Arvin? Where is he? May susuotin na ba s'yang suit?"
Nagkibit balikat ako sa tanong ni Mommy. "I don't know. I'll ask him na lang later."
"You better ask him now. Para na rin hindi na mag patong-patong ang gagawin n'yo," sabi ni Mommy.
"Fine." Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Vin.
"Yes, baby?"
"Where are you? May susuotin ka na ba na suit para d'on sa kasal nila Kuya? Next we-" Naputol ang sasabihin ko.
"Yes, baby! Shut up na. Sesermonan mo na naman ako, e!"
"E kasi, next week na 'yon tapos magiging busy na naman tayo. Paano kung wala ka? Naku talaga! Siguraduhin mo lang! Kapag wala ka, bahala ka! Si Arden ang kukunin kong partner ko!" panenermon ko pa.
Nakarinig ako ng tawa. It's Mommy and Tita Raquel.
"Okay, okay! Please, 'wag kang manermon!" Tumawa s'ya sa kabilang linya.
"Tse! Tigil-tigilan mo ako!"
Umirap ako kahit hindi nya ako makikita.
"Nagsusungit ka na naman!"
Pinatay ko 'yong tawag ko at bumaling kanila Mommy.
"Meron na daw s'yang susuotin."
"You know what, anak? Para kang ewan. Buti naman natitiis ka ni Arvin sa ganyang ugali mo," natatawang sabi ni Mommy.
"Syempre naman, 'my. Patay na patay sa akin 'yon, e," biro ko.
Natawa lang sila ni Tita Raquel.
"Mommy, ano ba 'to?!"
Sabay-sabay kaming lumingon nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.
"Rachel?! Is that you?!" nanlalaking matang tanong ko.
"Omygosh, CatCat!"
Nagyakap kami habang nagtatatalon dahil sa tuwang nagkita ulit kami after three years. She changed a lot! Gosh!
"My gosh! I missed you!" masayang sabi ko.
"Me, too! Gosh! You're so beautiful! How to be you?!"
Humiwalay s'ya sa yakap at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Grabe naman 'to! Ikaw nga 'yong nagbago, oh! Look at you, you're stunning!" Tinignan ko rin s'ya mula ulo hanggang paa at inikot s'ya.
"Baliw! Namiss talaga kita!" Niyakap n'ya ulit ako.
"I missed you more!"
Pagkatapos ng pagkikita namin ni Rachel ay nagkwentuhan muna kami saglit at pagkatapos n'on ay umuwi na kami dahil tinawagan s'ya ni Daddy dahil may meeting daw sila na urgent. Bumaba muna ako dahil napagdesisyunan kong kumain muna. Naabutan ko si Manang sa kitchen habang naglilinis.
"Hi, Manang. May food po ba dyan? I'm starving, e."
"Oh, hija. Sige, upo ka muna dyan. Anong gusto mong kainin at ipagluluto kita."
"Maybe kahit clubhouse sandwich, ,anang? Meron po ba?" nakangiting tanong ko.
"Sige, hija. Drinks? Anong gusto mo?"
"Lemon juice na lang po," sagot ko at umupo sa dining table.
"Oo nga pala, hija, nakalimutan kong ibigay sayo ito. Pinapa-bigay ito ng nobyo mo."
Lumapit sa akin si Manang at may ibinigay na paper bag. Kinuha ko 'yon at takang binuksan.
T-Shirt? Para saan ito? Bakit may ganito?
"Ano daw pong sabi n'ya?"
"Wala, e. Binigay n'ya lang 'yan at sabi nya'y ibigay ko raw sayo."
Tumango-tango ako at kinuha ang phone ko.
"Ano 'to? Bakit nagpadala ka ng t-shirt? Anong gagawin ko dito?" bungad ko kay Vin.
"Easy! Manenermon ka na naman, e! T-shirt yan! Suotin mo tomorrow kasi pupunta ka dito sa school. Remember, foundation day bukas and I want you to be here. Pwede naman daw ang outsiders, e."
Foundation day? Bukas? Aish! Oo nga pala!
"Oo nga pala. Sige, pupunta ako," sabi ko.
"Okay, baby. Bye muna, may gagawin pa akong school papers. I love you."
"Bye."
Pinatay ko 'yong tawag at hinintay ang ginagawang clubhouse ni Manang.
"Kumusta ka naman sa kumpanya n'yo, hija?" tanong ni Manang na nasa tabi ko.
Kumagat ako sa ginawa n'yang clubhouse sandwich.
"I'm doing fine naman, Manang. Medyo mahirap dahil maraming ginagawa and wala na rin kaming time ni Vin."
"Naku, hija! Dapat mayroon kayong oras ng nobyo mo. Naku. Masyado kasi kayong nag f-focus sa mga trabaho n'yo. Dapat binibigyan n'yo pa rin ng oras ang isa't isa."
"E, Manang, wala akong magagawa. We need to work for our future."
Future? 'Di wow! Sabihin mo, palusot ka lang!
"Sabagay, hija, ngunit bibigyan n'yo pa rin dapat ng oras ang isa't isa. Naku, magsisisi kayo."
Kumunot naman ang noo ko.
"O s'ya, aalis na muna ako't marami pa akong gagawin. Dyan ka na muna, hija." Tinapik ni Manang ang balikat ko at tumango ako.
Magsisisi? Bakit naman ako magsisisi? Saan ako magsisisi? Talaga 'tong si Manang.