Chapter 2:Owe A Date
Sunod-sunod na pagtawag ni Arvin ang narinig ko kaya agad kong iminulat ang mata ko at nagulat ako kasi 'yong mukha ni Vin, nasa tapat na ng mukha ko. Kumunot ang noo ko.
"Ginagawa mo dyan?"
"You're late."
"Umalis ka nga dyan sa ibabaw ko! Tignan mo nga ang pwesto natin!" inis na sabi ko.
"Why? What's wrong?"
Hindi ko alam kung nang-aasar ba s'ya or talagang—hay naku!
"I hate you!"
Itinulak ko s'ya kaya naalis s'ya sa harap ko. Natawa na naman s'ya at ginulo ang buhok ko kaya mas lalo kong sinamaan siya ng tingin.
"Hindi na talaga ako matutulog dito! Swear!"
"Ito naman, naglalambing lang because I missed you a lot." Ngumuso s'ya.
"I know."
Tumayo ako at kinuha ang mga dala kong damit ko sa loob ng bag ko. Pumasok ako sa loob ng bathroom n'ya at ginawa na ang dapat kong gawin.
"Baby, magtatagal ka pa ba dyan?"
Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok.
"Teka lang! Nagbibihis pa ako!"
Binilisan ko ang pagbihis ko at lumabas na ng bathroom.
"Oh, ikaw? Bakit 'di ka pa nagmamadali?" tanong ko.
Ipinasok ko ang hinubad kong damit sa paper bag at tinabi iyon.
"Wala akong pasok. Humingi ako ng leave kay Dean. I want to spend a day with you," sagot n'ya.
"E, may pasok ako."
"I'll go with you." Ngumiti s'ya at kumindat.
"How are you naman, hija?" tanong ni Tito.
"Okay lang naman po."
"Kumusta ang kumpanya?" si Tita ang sunod na nagtanong.
"Okay lang din po..." Nakatayo pa naman din.
"Mmm..."
Silence enveloped us. Lahat sila ay tumahimik na at tanging mga tunog na lang ng kubyertos ang narinig ko.
Mabilis kaming natapos sa pagkain kaya agad din kaming tumayo.
"Mom, alis na po kami."
Tumayo si Vin at gan'on din ang ginawa ko. Nakipagbeso ako sa kanila at kinuha na ang bag ko.
"Bye, take care." sila Tito't Tita.
"Bye po."
"Saan tayo sasakay?" tanong ko.
"My car."
"Sa akin na."
Nagkatinginan kami nang sabay naming sinabi 'yon.
"Sa akin na!"
"Mine." Matalim niya akong tinignan.
Akala niya naman ay masisindak niya ako sa tingin niya!
"Akin na nga," inis na sabi ko.
Mas tinaliman niya ako ng tingin. "Mine. You don't have to drive for me, Cat. I'm the boyfriend."
"Yes, you are! But you're not my driver, too!"
Humalukipkip ako at pinagtaasan siya ng kilay. Now, what?
"Then, you're not a driver, too!"
Nahulog ang panga ko. Bwiset!
Tumaas ang isang kilay niya at mariin akong tinitigan. Napalunok naman ako at umiwas ng tingin. Bumuntong hininga ako.
You won again, baby. Aish.
"Fine, whatever!"
Napangiti siya at agad akong nilapitan para guluhin ang buhok ko. Umiwas naman ako ng tingin at pumasok na sa kotse niya. Gan'on din siya kaya agad niyang pinaharurot ang kotse sa kumpanya.
"Good morning, Ma'am, Sir!" Pumasok si Lavienne sa office ko at saktong pagpasok namin iyon ni Vin.
Kitang-kita ko ang pagsulyap ni Lavienne kay Vin kaya tumaas ang kilay ko.
"Gwapo..." Narinig kong bulong n'ya.
Tumaas ang isang kilay ko. Baka nakakalimutan niyang nandito ako?
"What, Lavienne? Are you saying something?" mataray na tanong ko.
Napatingin s'ya sa akin at agad na ngumiti.
"Wala po, Ma'am, sabi ko po ipinadala na kay Mr. Abrasaldo 'yong papers."
Tanga, hindi ako bingi.
I rolled my eyes and after that, I took my phone out and dialed Mr. Abrasaldo's digits.
"Good morning, Mr. Abrasaldo. I heard that naipadala na raw 'yong papers dyan?" paniniguro ko.
"Yes, Ms. West and I want to inform you that the the information you've sent is impressive!"
Napangiti ako sa sinabi n'ya. "Of course, Sir. Thank you."
"That's all, Miss." He ended the call.
"You owe me a date, baby," sabi ni Vin dahilan para mapalingon ako sa kaniya nang nakakunot ang noo.
"And, why?"
"Ilang araw tayong hindi nagkita. That's why," sagot nya.
"So, kasalanan ko? Kasalanan ko bang naging busy ka sa University?"
"Then I'll be the one that will date you," sagot n'ya.
"Teka, dyan ka muna. Kailangan kong umakyat sa office ni Shaun."
Tumango lang s'ya at lumabas na ako ng office ko. Umakyat agad ako sa third floor at hinanap ang opisina ni Shaun. Pagkapasok ko sa office n'ya ay naabutan ko s'ya sa desk n'ya na puro papel sa harap n'ya.
"Shaun, nakausap ko na si Mr. Abrasaldo." Umupo ako sa tapat ng desk n'ya. "And he said that the information that we've sent is impressive," masayang sabi ko.
"So, ano raw gagawin n'ya para sa kumapanya?" tanong n'ya.
"I don't know. Wala naman s'yang sinabi." Nagkibit balikat ako. "Ano ba 'yang ginagawa mo?" pahabol ko at sinilip kung anong ginagawa n'ya.
"Kailangan 'tong maibigay d'on sa bagong clients na dumating kahapon. Kailangan kong ibigay ASAP.".
"Sinong magbibigay? Ikaw mismo?" I asked.
"Ikaw na, may kakausapin akong investors mamaya."
"Hindi pwedeng si Lavienne magbigay? Aalis ako mamaya. We have a date."
"Isantabi mo muna 'yong date n'yo ni Arvin, unahin mo 'to dahil kapag hindi natin to naibigay ay maghahanap sila ng ibang company. Sayang naman sila kung maghahanap sila ng iba," paliwanag n'ya.
Napabuntong hininga ako. "Fine!"
Ibinigay n'ya sa akin 'yong ibang folders na tapos na.
"Papadala ko na lang kay Lavienne 'yong iba."
Tumango ako at umalis na sa office n'ya.
"Hindi nga ako makakaalis. Kailangan ko 'tong dalhin d'on sa kumpanya," bungad ko kay Vin.
"What? Bakit hindi sa secretary mo?"
"Hindi ko alam kay Shaun," inis na sabi ko.
Ibinaba ko ang folders sa desk ko.
"I'm sorry, Vin. Promise, babawi ako!" Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Ini-cling ko ang kamay ko sa kanya. "Promise."
Nakakunot ang noo n'ya habang nakasimangot.
"Promise! I owe you a date and a kiss."
Tumingin s'ya sa akin. "Ten kiss."
"What?! Bakit ten?!" tanong ko.
"You don't want to?"
"Uy! Sige na, sige na! I owe you a date and ten kiss." Ngumiti ako.
"Okay."
"Ano ba 'yan? Umayos ka nga!" inis na sabi ko.
"Kiss mo muna ako." Ngumuso sya.
"Ayaw ko nga!"
"Bahala ka!" inis na sabi n'ya.
Pumasok si Lavienne sa office.
"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Mrs. Carreon."
Tumingin muna ako kay Vin at sumunod na kay Lavienne.