bc

Twisted (Filipino) R18+

book_age18+
11
FOLLOW
1K
READ
revenge
body exchange
second chance
drama
twisted
sweet
bxg
lighthearted
betrayal
secrets
like
intro-logo
Blurb

Si Rosie ay lumaking may hindi magandang karanasan sa pamilya. Pero kahit anong bigay ng mga sakit ng mga mangulang niya sa kanya ay mahal niya parin ang mga ito. Dumating ang puntong napuno na siya at iyon din ang araw ng pagkamatay niya. Pero namatay nga ba talaga siya?

Paano kung matapos siyang masaksak ay nagising nalang siya sa katawan ni Bridget? Kung dati nasasaktan siya dahil sa pamilya niya ay paano kung masaktan siya ngayon dahil sa isang lalaki? Sa lalaking may malaking galit kay Bridget.

chap-preview
Free preview
Prologue
" Rosie! " Napatalon ako sa gulat sa sigaw ni Mama. Nandito ako sa kusina at naghuhugas ng pinggan nang sumigaw nalang ito. Pinunasan ko ang kamay ko at dali daling lumabas. Nakita ko itong naka upo sa sala. " Ma,bakit po? " Tanong ko habang palapit at mag mamano sana ng bigla nalang niya akong sampalin. Napabaling sa kanan ang mukha ko. " M-ma? " Gulat akong napatingin kay mama at nagtanong, naguhuluhan kasi ano na naman ba ang nagawa kong mali. Napahawak ako sa pisngi ko. Namamaga pa itong pisngi ko sa sampal kahapon tapos nasampal na naman ulit ako ngayon. Ano bang bago? araw araw naman akong nasasampal. Kahit sanay pero nakakaramdam parin ako ng sakit. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan. " Anong ginawa mo!Bakit ka nang gulo kina Lito! " Sigaw niya. Nanlaki ang mga mata sa galit at nanginginig ang kamay. Ahh. Kaya pala. Napabuntonghininga ako para ikalma ang sarili. Walang magandang idudulot kung sasabayan ko ang galit niya. Tumingin ako sa kanya at tumitig sa mga mata niya. " P-pero Ma! Narinig ko kasi na pinag-uusapan ka nila ng hindi maganda habang nag-iinuman sila, " Pero kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili hindi ko pa rin mapihilan mapahikbi dahil sa nakikitang galit sa mukha ni Mama. Pero kahit ganon nagpatuloy parin akong magpaliwanag. " Pinagmamayabang ka ni Lito na masarap ka sa k-kama... a-at inalok niya pa ang mga nakainoman niya... " Napatulala ako ng maalala ulit ang nangyari kanina. Habang pauwi ako galing sa skwelahan nakita ko si Lito ang asawa ng pinaka tsismosa ng lugar na ito na nag iinoman at nagtatawaman. Ang lakas ng mga boses at halakhakan nila kaya rinig na rinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Linagpasan ko sila at napahinto nalang ng marinig ko ang pangalan ni Mama. " Totoo!Masarap sa kama si Rosa at magaling pa " at humahalak ito. " Aysus hindi kami naniniwala sayo pare. Si Rosa m************k sayo?eh sobrang loyal non sa asawang namatay na. " " Hindi na loyal yun! siguro napagtanto niya na mas masarap ako kaysa sa asawa niyang namatay na! Kung ayaw niyo maniwala pwede kayong makisali sa amin. " Narinig ko naman na pumayag sila at nagtawanan. Kaya sa galit ko sinipa ko ang kanilang lamesa at natumba ito at nabasag ang kanilang mga inumin. Pinaghahampas ko sila ng bag ko habang tumutulo ang luha ko. Totoo ba, Ma? Ito ba yung narinig kong ingay sa katabing kwarto ko kagabi? Nabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ulit ang sampal ni Mama. " Ano naman? Eh sa totoo naman. Sa susunod Rosie wag kang gagawa ng gulo kung hindi makakatikim ka tal--- " Nagulat ako sa sinabi ni Mama at agad pinutol kung ano man ang sasabihin niya. " M-ma!Anong totoo?Ganon nalang ba yun?Paano si Papa? " Lalo akong napahikbi sa mga salitang narinig sa kanya. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa galit at pandidiri sa kanya. Suminghap ako dahil ramdam kong nahihirapan na naman akong huminga. Tumulo ulit ang luha ko at kahit anong pahid ko hindi parin humihinto ang mga ito. Putangina tama na. " Pakialam ko sa papa mong patay na! " Doon na ako sumabog sa sinabi niya. Di ko namalayang kumilos ang kamay ko at nasampal nalang ito. Nanghina ako sa nalaman ko at konti nalang mapapaluhod na ako. Ganun ba talaga? Porque patay na eh maghahanap agad ng iba. Paano yung mga sumpaan nila sa harap ng diyos? Wala lang? Para may masabi lang sa harap ng altar? Pero masisisi ko ba siya kung yung ama ko rin naman ang unang nang gago. Naalala ko pa noon kung kailan nagsimula ang lahat. Nasa walong taong gulang pa lang ako nong nag-away sila sa harap ko. " Paano mo nagawa sa akin iyon,Rogelio!? Ginawa ko naman lahat!sinuko ko lahat para sayo tapos ito ang isusukli mo?! Gago ka... " Napaluhod si mama sa sahig at napahawak sa dibdib niya habang umiiyak. Nakatingin lang ako sa kanila yakap ang teddy bear ko. Gulat akong napatingin kay Papa ng makita ko kung paano niya pagbuhatan ng kamay si mama. " Ha! Talaga lang, Rosa? Nakikita ko parin yung lalaki mo palaging nakatingin dito sa pagmamahay ko. Sobrang saya ko makita yung sakit sa mga mata niya at nakokontento ako doon pero ng makita mismo ng dalawang mata ko na nag lalandian kayo sa harap ng bahay ay doon mo ako unang ginago! " Sapilitan niyang tinayo si mama at kunulong ang pisngi sa kanang kamay niya at nakasakal naman sa kanya yung kaliwa. Nangigilid na ang mga luha ko sa nakikita ko. Tumingin ako kay mama ng marinig kong umungol ito. May dugong tumulo galing sa mga ilong niya at parang nahihirapan itong huminga. Mama... " Iyon lang?Kinausap ko lang yung tao para patigilin na ito-- " sinampal ulit siya ni papa at tinulak kaya naupo sa sahig si mama. " Talagang ginagago mo ako no? Akala mo naman ay maniniwala ako! Hindi ako tanga para maniwala. Alam kong mahal niyo pa ang isa't isa! " Sinipa niya si mama at napaungol ito sa sakit. Anong nangyayari? Wala akong maintindihan... pero nasasaktan ako sa nakikita at naririnig ko. Pero kahit wala akong maintindihan tumutulo parin ang mga luha ko at may sipon pa. " Oo! Mahal ko parin siya pero ikaw pinili ko at alam mo iyon kung bakit! Pero kahit ganon hindi ako nagloko Rogelio kasi marunong akong tumupad ng pangako! " Doon nagsimula ang lahat. Ang bangungot ko. Kung dati palagi akong nakangiti pero hindi na ngayon. Saksi ako sa mga nangyayari sa kanila. Saksi ako sa pambabae at pagkalulong si papa sa droga. Saksi ako sa paghihirap at pagkabaliw ni mama. Pareho na rin silang gumamit ng droga. Mas lumala lang ang lahat ng umalis si papa sa bahay nong nasa labing tatlong edad na ako. Kung nagbago si mama mas nagbago siya ng husto. Napagbuhatan na rin niya ako ng kamay at kinawawa pero kahit ganon hindi ko kayang magalit sa kanya. Kahit pareho nila akong sinaktan mahal ko parin sila. Kaya hanggang ngayon ay humihiling parin akong mabuo ang pamilya namin pero hindi na ito mangyayari dahil umuwi ulit sa amin si papa pagka labing limang taong gulang ko. Ilang buwan ang lumipas ay namatay naman siya. Kaya sumuko nalang ako pero hindi kay mama. Pero ngayon sumusobra na siya. Kahit nag d-droga ito ay alam kong hindi niya kayang makipagtalik sa ibang lalaki kasi kita ko namang natutunan niya ng mahalin si Papa. " S-sana hindi nalang ikaw ang naging mama ko... " Halos pabulong na iyon pero narinig niya pa rin. Marami akong tanong sa pagsasama nila kasi marami akong hindi maintindihan. Ang mga alaala ko nung bata pa ako ay hindi ko matandaan at sobrang labo na nito. Siguro pinili ng utak na kalimutan ang mga ito dahil sa masamang alaala ito. " Ha!Sana nga hindi nalang ikaw naging anak ko kasi wala kang kwenta kagaya ng ama mo. Parepareho lang kayo! " Sa galit ko sa sinabi niya ay nasigawan ko ito. " SANA HINDI NALANG SI PAPA ANG NAMATAY! DAPAT IKAW YUN! DAPAT PINALAGLAG MO NALANG AKO!WALA KANG KWENTANG INA! " Bakas sa mukha nito ang gulat. Sino ba namang hindi magugulat ito yung unang beses na sinigawan ko siya. Napalitan ng galit ang kanyang gulat na mukha. Bigla itong tumalikod at pumunta sa kusina. Sinundan ko ito at nagulat nang kinuha niya ang kutsilyo at tinutok ito sa akin. Ngumisi siya. " Tutal patay na ang pinakamamahal ko na si Eduardo... " Sino na naman si Eduardo? Kaya marami akong tanong kasi pakiramdam ko may malalim na dahilan kung bakit nangyari sa kanila ni papa yun. " At patay na na rin ang pinaka hayop na si Rogelio... " Ramdam ko ang galit ng pagkabanggit niya sa pangalan ni papa. " Diba minsan mo na ring hiniling na sana mamatay na nalang? Nabasa ko lahat ng sulat mo sa diary mo. Hmm, Rosie? " Naramdaman ko ang lakas ng t***k ng puso ko sa kaba. " Dahil mabait naman ako... ako na ang tutupad ng kahilingan mo. " Mas lalong lumaki ang ngisi niya. Naramdaman ko nalang ang sakit sa tiyan ko at naramdaman na may umagos doon. Tiningnan ko ito. Nakita ko ang kutsilyo na nabaon sa tiyan ko at ang kamay ni Mama. Dahan dahan ko siyang tiningnan hanggang sa magtama ang mga mata namin. " M-ma.. '' Nakitaan ko ng pagka pula ang kanya mga mata pansin ko rin ang pagtulo ng luha niya at nanginginig ang kanyang labi. Ma... bakit? b-bakit ka nagka ganito... Napabitaw siya sa hawak na kutsilyo at tumakbo. Napaluhod ako dahil sa sakit at napangiwi. Dobleng sakit na naramdaman ko. Sa lahat ng papatay sa akin... Bakit ang mama ko pa? Naramdaman ko ang panghihina ko at napasubsob nalang sa sahig. Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko. Mamamatay na ba talaga ako? Matatapos na ba talaga ang paghihirap ko sa mundong ito? Finally. Napangiti nalang ako sa naisip ko. " W-wag Kang mag-alala Ma, mamatay akong w-wlang galit sa'yo, sa inyo. M-mahal na mahal ko kayo ni P-papa. " dahan dahan akong napapikit pagkatapos sabihin ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.2K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.1K
bc

The Ex-wife

read
232.3K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.9K
bc

Hate You But I love You

read
63.1K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook