Possessive Sandali akong natanga sa kanyang sinabi. Sa sobrang gulat ay natulala nalang ako. I even forgot how to breathe... Ang tanging malinaw sa akin ay ang nakakabinging tunog ng puso kong hindi ko na makalma. Binitiwan ni Bram ang aking kamay at binalingan ang mga Senior na nag-iingay na naman dahil tapos na ulit ang ikalawang practice. Nagtungo siya roon sa mga Senior at nakipagngisihan na sa kanila. Inakbayan niya iyong isa at nakisali na sa topic habang ako naman itong nasa kanya parin ang tingin, hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa kanyang sinabi. "Si Rici baka gusto niyang sumama!" Narinig ko ang isa sa mga babaeng Senior. Nilingon ko ang kanilang grupo na nasa akin narin ang mga mata. Nagtungo ako sa kanilang kinatatayuan at sandaling binalingan ang tatlo sa bleac

