Batis Hindi ko alam kung anong oras na nakauwi si Kuya sa bahay. Basta noong nagising ako, ang sabi ng katulong ay tulog pa raw ito. Naligo ako habang busy naman ang mga katulong sa paghahanda ng dadalhin ko. Siguro sandwiches at spaghetti nalang. Magdadala rin naman ng pagkain ang iba at kung kukulangin man, siguro ay mag-aambag nalang ako ng pera. Pinaglandas ko ang aking palad sa aking hita habang marahan kong pinapahid ang isang lotion doon. Ang aking utak ay nauuna nang magtungo sa batis, iniimagine agad si Bram na nakatopless lang habang nakaupo roon sa batuhan at inaayos ang kanyang magulong buhok. I sighed heavily. Ang ganoong tanawin ay nakakalundag ng puso. Baka mamaya niyan imbes na mag-enjoy ako sa pagligo, baka mas maenjoy ako sa paninitig sa kanyang katawan. Ibinaba ko a

