First time Nagiging matingkad na ang sikat ng araw sa bawat pagdaan ng oras. The rays of the sun were like raindrops as they peep on the shade of the leaves. Tumingala ako at tinakpan ang sikat ng araw na tumama na sa aking mukha habang nakalublob parin ako sa tubig. Nararamdaman ko parin ang paninitig ni Bram sa akin at wala na ata siyang balak na alisin ang kanyang mga mata sa aking kinaroroonan. "Nagugutom na ako! Kumain muna tayo," anyaya ni Rika na lumalangoy na patungo sa malalaking bato. Humabol rin naman ang iilang mga babae at mukhang gusto naring kumain maliban sa akin na nanatili lamang sa aking pwesto. Mabilis rin namang humabol ang kanyang boyfriend na si Nikko at itinulak pa ang pwetan nito para alalayan ito sa pag-akyat. Tumawa si Rika nang yumuko ito para tingnan ang

