19

3140 Words

Pag-asa   Papalubog na ang araw. Nagsisimula na silang magligpit para umalis na. "Rici, ihahatid kana raw ni Christian!" sigaw pa ni Aaron habang naglalakad na kaming lahat palabas. Nilingon ko sila at tumawa. "May sundo naman ako. H'wag na." Nagsitawanan naman ang mga Senior at niligo ulit ng asar si Christian. Tahimik naman si Bram sa aking tabi, sinasabayan ako sa paglalakad habang sa unahan namin ay ang mga babae. Palihim akong natuwa dahil napili niyang sumabay sa akin kaysa kina Divine. Palagi pa siyang nililingon nito pero mukhang wala lang naman iyon kay Bram. Naging mabagal ang paglalakad ni Divine hanggang sa nadatnan na namin siya ni Bram. Tumawa agad siya at nakisabay kay Bram lalo na't sumulyap pa ito sa kanya. "Bram, gusto mo ba akong ihatid?" tanong niya sa malambing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD