Selosa Kinabukasan ay ganoon nalang kalapad ang ngiti ko nang makatanggap ako ng sulat mula kay Bram. Itinago ko iyon at gusto kong sa bahay nalang basahin lalo na't inuusisa rin ako ng tatlo kung ano raw ang ibinigay ni Tracey sa akin. "Privacy." Tumawa ako bilang sagot na ikinabusangot ng husto ni Feli. They're not supportive with my lovelife... I know. Walang may gusto sa pinili kong lalake. Para sa kanila ay kahibangan iyon. "Baka ay pinakulam ka ni Bram ha, Rici," pagbibiro pa ni Rowena sa akin nang marinig niya rin ang balitang kinakausap ko ito. "Sa rami raming lalake, Riss? I mean Bram is gwapo ha... Pero gosh... Tama ang Kuya mo, wala iyong maipapakain sa'yo," si Alma naman. Meron siyang maipapakain sa akin. Ay masarap naman iyong nilagang saging ah? "Sundin mo nalang

