23

3319 Words

Issue   Pinanood ko si Bram na ihiwalay iyong mga saging sa isa't isa saka niya iyon inilagay sa kaldero na may kalahating tubig na sinisilip ko agad sa loob. Ngumisi siya sa aking ginawa. "Ignorante," sabi niya na ikinasimangot ko. "Wala kasi nito sa mansyon," sabi ko. "Sanay ka sa mga masasarap eh. Dito sa bahay, ito ang masarap sa amin ni Tracey," sabi niya. Hindi ako naniniwalang ito lang ang masarap sa bahay na 'to. Siya palang nakakapanglaway na eh. Hindi ko na iyon isinatinig at sinilip ulit ang loob ng kaldero nang ihulog niyang muli iyong isang berdeng saging. "Pwede kong pisilin?" tanong ko. "Matigas nga..." sabi niya at inihulog ulit iyong isa pa. Sinilip ko iyong muli sa loob saka ako nag-angat ng tingin sa kanya. "Gaano katigas? Papisil ako." "Madudumihan ang kamay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD