Mas mapapanatag Pumwesto rin naman ako sa unang linya. May dalawang linya ay may tig anim na magkapares. Sa gilid ng aking mga mata ay napapansin ko ang panay na paglingon sa akin ni Christian, kung paano niya hinihipo ang kanyang batok at mapapayuko saka ako muling lilingunin. Nilingon ko siya at bahagyang nginitian. Nagulat siya roon at mabilis na gumuhit ang pamumula sa mukha. "I'm not really good at this... Sana pagtiyagaan mo ako," sabi ko. "Sus magaling ka nga!" giit niya, ang mga mata ay kumikislap na. Pinasadahan ko ng haplos ang aking buhok at tinagilid ang aking ulo, natutuwa na sa kanyang eskpresyon. "Hindi 'no." Tumawa ako. "Magaling ka. Tuwing P.E. time niyo, nanonood ako ng practice niyo at nakikita kitang sumasayaw... Magaling ka..." Nag-iwas siya ng tingin at namula

