Jealous Ang bakasyon namin doon sa U.S. kasama si Ate Adiane at ang kanyang boyfriend ay sobrang saya. Kuya Creiz is okay to me. Mahahalata mo rin kasi sa kanyang mga mata na mahal na mahal niya si Ate. Perpekto ang selebrasyon ng pagsalubong ng bagong taon para sa akin. It was one of my happiest New Year dahil kompleto kami. Pagkatapos rin naman ng halos dalawang linggong pagbabakasyon doon ay umuwi narin kami sa bukid para sa pagsisimula ulit ng pasukan. "Ang gaganda nito, Rici! Salamat!" ani Rowena nang ibigay ko sa kanila ang mga pasalubong na binili ko. "Sa U.S. mo ba 'to binili or iyong nasa syudad ka pa?" tanong naman ni Feli sa akin, tinutukoy iyong bracelet na binili ko sa kanya sa U.S. "Sa U.S. 'yan Feli," sagot ko na ikinaliwanag ng kanyang mukha. "Salamat, Riss!" "Ang ga

