"Pero bakit hindi kanaba babalik sa bahay mo? takang tanong ko dito pero ngumiti lamang ito at nag patuloy sa paglalakad wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa paglalakad nito
Sa mga oras naito nagtataka nako kong saan ba kami pupunta ng lalaking ito, kanina ko parin siya sinusundan wala akong takot na nararamdaman dahil mukha naman siyang mabait at hindi ako ililigaw.
Nakarating kami sa isang palayan at sobrang lawak nito, sa limang minutong paglalakad huminto ito sa isang malaking puno, nung una ay akala ko ay may tinitignan lang ito pero nong umupo na ito sa damuhan saka ko narealize na ito na siguro yung sinasabe niyang pupuntahan.
"Napakaganda ng mga bituin." tanging saad nito habang ang mga tingin ay nakabaling sa mga magagandang bituin
"Ah k... ah rafael hindi naba tayo babalik sa bahay niyo? lakas loob kong tanong dito
"Ipagpaumanhin mo binibini subalit hindi ako nagdiriwang sa araw ng kaarawan ko." sagot nito at curious naman ako kong bakit ganon ang isinagot nito saaken
"Sa lugar na ito ako madalas na pumunta binibini, marahil ayokong makakita ng masaya sa araw na ito."
"Pwede kobang malaman kong bakit? Tanong ko at naging seryoso naman ang mga mata nito
"Ipagpaumanhin mo binibini subalit ito ay sekreto na lamang." saad nito
"Paano si Don agustin sigurado ako na hinahanap kana non at ng mga bisita mo."
"Siguro nga ay tama ka binibini." nakangiti nitong saad habang nakatingin saaken
"Akala ko madalas kang nandon sa ilalim ng tulay tulad ng sabe mo."
"Ngayon na lamang ako nahilig binibini subalit ito talaga ang madalas kong pinupuntahan."
"Kaya pala wala ka ng pumunta kodon sayang yung time ko." saad ko
"Ano ang kahulugan ng iyong sinabe binibini? takang tanong nito
"Ah ano...gustong sabihin yung oras ko." palusot ko dito
"Nakakagulat dahil may alam kang salitang ingles." saad nito at ngumiti na lamang ako
"Secret lang din yun ay sekreto konalang din yun." sagot ko at natawa din naman ito
"Ilang minuto na ang lumilipas maaari kobang malaman kong ano ang pangalan mo binibini?"
"Ay oo nga pala, hindi ko pala nasabe kong anong pangalan ko ako si alora hernandez." pagpapakilala ko
"Si Don Alejandro pala ang iyong ama alora." saad nito
"Oo at nandun siya ngayon sa bahay niyo." binaling naman ni rafael ang kanyang tingin sa mga bituin habang ako ay pinagmamasdan ang paligid at iniisip kong ano bang plano ni rafael
"Binibining alora pagmasdan mo ang mga bituin." pagtawag nito saaken
"wow napakaganda sobrang daming star." saad ko ng maibaling ang tingin sa langit at ilang segundo lamang ay napansin ko si rafael na tila may iginuguhit sa mga bituin
"Ano ang ginagawa mo kali... rafael? takang tanong ko
"Iginuguhit ko ang ngalan ng akeng yumaong na ina." saad nito at sinubukan ko namang itaas ang kamay ko para gayahin ang ginagawa nito
"Iguhit mo lamang ang ngalan ng taong gusto mong makita binibining alora." saad nito habang ako ay walang ideya sa ginagawa ko
"Naniniwala ka don rafael?"
"Ako ay naniniwala, marahil umaasa ako na diringgin ang akeng hiling." sagot nito at sinubukan ko naman na iguhit ang pangalan ni mommy na sobrang miss kona.
"Sino ang iyong iginuguhit alora?" takang tanong nito
"Si mommy." saad ko
"Mommy?" pag ulit nito
"Si mommy yun kase ang tawag ko sa akeng ina." pagpapaliwanag ko dito at hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot
"Don't cry self." saad ko sa sarili ko habang si rafael ay nagtataka na sa sinasabe ko
"Ah rafael, happy birthday." pagbati ko dito kahit na alam kong wala siyang ideya kong ano ang sinasabe ko
"Sa lugar namen ganon kami bumati kapag may kaarawan." pagpapaliwanag ko dito
"Ngayon ko lamang narinig ang salitang iyan." saad naman nito
"Happy birthday to you~ happy birthday to you~." pagkanta ko kay rafael
"Maraming salamat binibining alora."
"hindi maganda boses ko pero kinantahan kita at ito yung first time na kumanta ko sa isang lalaki." natatawa kong saad kay rafael
"Ang iyong boses ay kakaiba alora, ngayon lamang ako nakarinig ng ganoong awitin." saad nito
"Grabe ka, alam kong panget boses ko pero effort kaya yun kahit happy birthday lang." pagtawa ko muli
"Ah rafael, alam mo matagal na tayong magkakilala."
"Hindi kita maunawaan alora ano ang iyong ibigsabihin?" pagtataka nito
"Basta sa susunod konalang sasabihin sayo kase baka isipin mo na nasisiraan din ako ng bait." bigla naman itong napangiti sa sinabe ko
"Nakakatuwa ang iyong personalidad alora, Ngayon lamang ako nakakita ng katulad mo." saad nito
"Parang line yun sa w*****d na nabasa ko ah teka saan bang story yun." bulong ko ng narinig ang sinabe ni rafael
"Nais mona bang bumalik alora." saad nito
"Seryoso ba siya baka pauwiin niya ko mag isa diko panaman alam pabalik atsyaka ang dilim sa daan." bulong ko
"Ah sasabay nalang ako sayo rafael." sagot ko dito
"Mabuti pa ay ihahatid na kita binibining alora, delikado na kong mag isa mong lalakarin ang daan." pagtayo nito sa inuupuan nameng damo
"Paano ikaw rafael babalik kanaba sa bahay niyo?" takang tanong ko dito dahil sigurado ako na may party parin sa bahay nila
"Marahil uuwi nadin ako alora." sagot nito
"Okay tara na." nagulat naman ako ng binibigay ni rafael ang kamay niya saaken bilang alalay sa pagtayo ko
"Ah thank you, ang ibigsabihin non ay salamat." pagtayo ko at binitawan naman na ang kamay nito
Habang naglalakad kami sa madilim na daanan ngayon kolang na realize na ito ang unang beses na nag usap kami ni kalix although hindi man siya si kalix na kilala ko pero alam ko na meron paring kalix sa pagkatao ni rafael
"Sobrang dilim na talaga dito wala manlang mga street lights."
"Street lights?
"Ayun yung mga nag sisilbing ilaw sa daanan pero dito walang street lights kaya ganito nalang kadilim." sagot ko dito
"Nariyan naman ang mga bituin na nag sisilbing liwanag sa madilim na ating dinadaanan binibining alora." narealize ko naman na kahit papaano tama si rafael na may star nga na mag sisilbing liwanag sa madilim na daan