Kabanata 8 (Rafael Agustin)

1002 Words
"It's kalix, siya yun" paalis na ako para puntahan ito ng bigla akong tinawag ni tiya feliz "señorita alora" pagtawag nito na dahilan ng pag hinto ko "Ah tiya feliz pwede poba akong pumunta doon? pagpapaalam ko dito pero mukang hindi ako nito papayagan base sa itsura nito ngayon "Ipagpaumanhin mo señorita alora, subalit hindi ka maaaring pumunta roon." saad nito at nag taka naman ako kong bakit ganon ang sinabe nito "Bakit po tiya feliz? takang tanong ko "Dahil sa mga oras na ito nag titipon tipon sila Don agustin kasama ang iyong ama, hintayin mo na lamang na matapos ito ng sa ganon ay makapasok ka." saad nito at tumingin muli ako sa terrace para tignan kong nandoon pa si kalix "Ah tiya feliz, kilala niyo poba ang lalaking iyon." pagturo ko kay kalix at bigla namang napangiti si tiya feliz "Narito na pala si señorita rafael." saad nito "Tiya feliz ang tinatanong ko po yung lalaking nasa taas." pag ulit ko "Si señorita rafael ba ang iyong sinasabe señorita alora." naguluhan naman ako dito "Yung lalaki pong nasa itaas." pag ulit ko ulit "Tanging si señorita rafael lamang ang nasa itaas." sa oras nato nagulat ako na iba ang pangalan niya sobrang layo sa pangalan niya sa hinaharap "Rafael po ang pangalan niya tiya feliz? pagtataka ko "Si Señorita rafael ang nag iisang anak ni Don agustin." dagdag pa nito "Teka tiya feliz siya po ang anak ni Don agustin? Siya poba yung may birthday... ay hindi may kaarawan ngayon." saad ko "Ganon na nga señorita alora." hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko na siya pala yung may birthday ngayon at siya yung dahilan kaya ako nandito ngayon "So magkaiba pala sila ni kalix kahit yung name nila sobrang layo." mga gumugulo sa isipan ko sa mga oras na ito "Narito na ang iyong ama señorita alora." natuwa naman ako ng makita ito "Ama." pagtawag ko dito "Kanina pa po kami nandito ama." saad ko ng makalapit ito saamen "Ilang oras nalang ay mag sisimula na ang pag-diriwang alora." pag ngiti nito "Ama nagustuhan mo po ba yung suot ko ngayon." sabik kong tanong "Wala akong masabe lubhang kamukha mo ang iyong napaka gandang ina." saad nito at napangiti naman ako dahil ang sarap sa pakiramdam na marinig iyon mula sa sarili mong ama "Ama pwede na poba akong pumasok sa loob? tanong ko dito at ngumiti naman ito bilang sagot, Ng tignan ko ulit sa terrace wala na dito si kalix o si rafael kaya nag madali naman akong pumasok para hanapin ito "Puro may edad na pala yung mga nandito" saad ko ng makapasok sa loob ng bahay nila Don agustin, agad akong pumunta ng terrace pero hindi ko ito nakita kaya agad din naman akong umalis dito at nasalubong ko yung lalaking tumulak sa babae na tinulungan ko noon. "Nandito din pala yang lalaking masama ang ugali." saad ko sa isip ko ng malagpasan ito "Binibini." pagtawag nito at napahinto naman ako at napataas ng kilay "Ano po ang kailangan niyo saaken." pamemeke kong ngiti habang hindi mapigilan na hindi ito taasan ng kilay "Ngayon ko lamang nakita ang iyong mukha binibini." saad nito "Ganon din po ako ngayon ko lang din po nakita ang iyong mukha." pag sagot ko dito "Maaari ko bang malaman kong saang angkan ka nabibilang binibini." pagtatanong nito at wala naman akong gana para sagutin pa ito kaya tinalikuran ko nalang ito "Binibini." pagtawag muli nito pero hindi ko na ito nilingon Lumabas nako ng bahay ng mga agustin dahil hindi kodin naman nakita si kalix kaya babalik nalang ako kayla tiya feliz, at sa huling sandali inilibot ko ang mga paningin ko sa paligid at nakita ko si kalix na palabas ng gate kaya agad ko itong pinuntahan at sinundan. Nakasunod ako sakanya sa madilim na daan at wala siyang kaalam alam na nasa likod niya lamang ako. "Saan kaya siya pupunta, diba birthday niya ngayon at sabe ni Don Alejandro ilang oras nalang mag s-start na yung party kaya bakit umalis siya." gumugulo sa isip ko habang sinusundan ito, sa mga oras nato wala akong idea kong saan siya pupunta sumusunod lang ako sa paglakad nito. Busy ako sa paglalakad ng magulat ako ng biglang may dumaan na pusa sa harap ko kaya bigla akong napasigaw sa gulat. "What the heck! pagsigaw ko at ng makita ko na nakatingin na saken si kalix bigla akong napakapit sa bibig ko. "That cat hah" saad ko ng mawala ang kaba dahil sa gulat at nagpatuloy naman si kalix sa paglalakad pag katapos akong makita "Kalix." pagtawag ko dito "Ay hindi rafael." pag tawag ko muli gamit ang totoo niyang pangalan at huminto naman ito ng marinig ako "Sandali rafael." saad ko "Binibini sinusundan mo ba ako? tanong nito ng makalapit ako "Hindi kita sinusundan." sagot ko dito "Ang iyong mukha nagkita na ba tayo binibini? takang tanong nito at natuwa naman ako dahil naaalala pa niya ko "Oo nag kita na tayo ako yung babaeng pinigilan mong tumalon noon sa lawa." saad ko "Ikaw nga iyon binibini, maaari kobang malaman kong paano mo nalaman ang akeng ngalan? tanong nito "Ah sinabe saaken ng akeng tiya." saad ko "Ipagpaumanhin mo binibini maiwan na kita." nagtaka naman ako sa sinabe nito dahil parang may pupuntahan yata siya kahit na birthday niya "Teka kali... Rafael diba ngayon ang kaarawan mo." saad ko habang sumasabay sa paglalakad nito "Paano mo nalaman na ngayon ang kaarawan ko binibini?" "sabe saken ng tiya ko kilala daw ang pamilya mo sa baryo natin kaya alam kodin na ngayon ang kaarawan mo, at kasalukuyan din akong dumalo sa pag-diriwang mo." "Ilang oras nalang mag sisimula na ang pag-diriwang bakit hindi ka parin bumabalik binibini." "ikaw din, kaarawan mo ngayon bakit hindi ka pa bumabalik at nandito ka ngayon." saad ko dito at patuloy lang kami sa paglalakad sa madilim na daan "Pwede kobang malaman kong saan ka pupunta ngayon? tanong ko dito "Nais mo ba akong samahan binibini."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD