CHAPTER 23-SIDE EFFECT
I woke up in a heavy state.
Hindi ko masyadong maigalaw ang aking katawan. Hindi ko masyadong maaninag ang mga larawan na iniukit sa kisame. Nanlalabo naman ang aking paningin.
Sinubukan kung buhatin ang sarili ko mula sa pagkakahiga upang makaupo. Nasilaw ako sa liwanag na nais kumawala sa pagkakaharang ng kurtina nitong kwarto. Patuloy pa rin na sumasakit ang aking ulo. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.
Sinubukan kong alalahanin ang lahat subalit mas nadadagdagan lamang ang kirot nito kung lubos ko pang pinipilit. Nakaupo lang ako ng ilang oras habang inoobserbahan ang paligid.
My room is peaceful as ever. Mas pipiliin ko pa makulong sa kwartong ito kaysa lumabas at suungin ang hindi magandang pangyayari araw-araw. There is something in my mind that wants to tell me something. Subalit, hindi ko kayang alalahanin kung ano ito.
I looked up on the clock. It’s already 2:00 pm. Masyado 'atang napahaba ang pagtulog ko.
Sinubukan kong tumayo mula sa aking kinalalagyan. Malabo pa rin ang aking paningin kaya sinubukan kong humawak sa mga maaari akong alalayan palabas ng aking kwarto. I have my training at 3:30 pm. Duel Battle between Giero and I.
“AHHHH!” napasigaw ako ng bigla ulit sumakit ang aking ulo. Napaluhod ako sa sahig sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
“Rumi?! Are you okay?” iniluwa ng pintuan si Maestro Khien.
“I-I can’t …. I can’t control the pain!” saad ko.
“Dadalhin na kita sa clinic. Mukhang hindi na ito maganda!”
“Do-do you me-mean---”
“’Wag mo nang itanong Rumi, halika na!”
Inalalayan ako ni Maestro Khien makatayo. Iniinda ko pa rin ang sakit ng aking ulo. Hindi ko na talaga masyadong maaninag ang nilalakaran namin. Ngunit, alam ko na patungo kami sa clinic nitong palasyo.
“Ate Rumi! What happen?” narinig ko ang boses ni Grey. Hindi kaagad ako nakasagot sa kaniya dahil ayaw naman magpadaig ang sakit na iniinda ko. "Ahhh!!!"
“Ate, are you alright?”
“Can you let us pass? I need to bring her in the clinic immediately!” ngarag na boses ni Maestro.
“Sige po!” maikling tugon ni Grey.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Maestro hanggang sa unti-unti ng dumidilim ang paningin ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa aking sarili kung bakit ako nagkakaganito. Mas lumalala ang sakit habang pinipilit ko ang sarili kong magising.
Tanging silhouette na lamang ng mga nadadaanan namin ang nakikita ko. Unti-unti rin naman tinatakpan ng dilim ang aking paningin. Nararamdaman ko rin na mas bumibilis pa ang aming paglalakad. Masyadong malayo ang clinic ng palasyo sa aming headquarter.
Maya-maya naramdaman ko ang isang kamay na dumapo sa akin. Inalalayan nito ako habang si Maestro Khien ay hindi pa rin ako binibitawan. Nandito na yata kami sa clinic dahil nararamdaman ko ang plastic gloves ng isang kamay na humahawak sa akin.
“Ano pong nangyari Maestro?” tanong ng tinig lalaki kay Maestro.
“She’s enduring an unknown headache. Magmadali na kayo bago pa ito lumalala!” natatarantang utos ni Maestro.
“Masusunod po,” tugon naman nito.
Inihiga ako sa malamabot na kama. Nanatili akong nakahawak sa aking ulo habang pinipigilan ang malalang pagsakit nito. Hindi ako makapag pokus ng maayos.
Natatakot ako!
“AHHHHHHH!!!” sigaw ko nang hindi ko na mamalayan ang aking sarili.
Hindi ko alam kung nakahawak pa rin ako sa aking ulo. Ngunit, alam kong kinikitil ang paggalaw ng aking utak habang ang buo kong katawan ay namanhid na.
“Just relax,” saad sa akin ng lalaking kausap kanina ni Maestro.
How can I relax in my situation? Tell me how! Nanggagalaiti kong tugon ngunit tanging hikbi at sigaw lamang ang lumalabas sa aking bibig. “Take a rest!” iyon ang huling salitang narinig ko bago ako tuluyang kainin ng dilim.
------
“Ate Rumi?” palinga-linga ako sa paligid. “Ate Rumi?” sinubukan kong hanapin kung saan nanggagaling ang tinig.
“Sino ka? Bakit mo’ko tinatawag na Ate?” tanong ko sa madilim na lugar kung nasaan man ako.
“Ate Rumi? Si Opal ito!” tugon naman nito.
Tila naestatwa ako sa aking narinig. Tama ba talaga ang naririnig ko? Si Opal ang tumatawag sa akin? Malaking kahibangan!
Maya-maya ay pinalitan ng nakakasilaw na liwanag ang paligid. Napatakip ako ng aking mata sapagka’t sa nakakasilaw na paligid. Nakita ko ang isang babaeng papalapit sa aking direkyon.
“Sino ka? Huwag kang lalapit!” pagpapatigil ko sa kaniya. “Anong kailangan mo?”
“Ate Rumi?” pag-uulit nito. natigilan ako ng maging pamilyar nga ang tinig na tumatawa sa aking pangalan. “Ate, mabuti at nagkita tayo!”
Inalis ko ang harang na itinakip ko sa aking mukha. Hindi ko na napigilan ang aking emosyon at nagmadaling lumapit sa kaniya--- kay Opal na pinapangarap ko muling makita.
“Ate,” bulong nito.
Hindi ako lubos makapaniwala na yakap ko na si Opal. Kayakap ko na ang itinuturing kong kapatid. Kasama ko na siya muli.
“Kamusta ka na?” tanong ko sa maamo niyang mukha. “Nasaan na tayo?” tanong ko ng sinubukang pagmasdan ang lugar kung nasaan kami.
Isang lugar kung saan tanging maputing paligid lamang ang iyong masisilayan. Isang lugar na tahimik at payapa. Isang lugar na ang sakit ay hindi mo na iniinda. Isang lugar kung saan makakasama mo muli ang taong naging malapit sa iyong buhay.
“Mabuti naman Ate. I really miss you!” saad nito na tila nasasabik.
“Bakit tayo nandito?” tanong ko.
“Alam mo ang kasagutan sa tinatanong mo Ate,” nakangiting tugon nito.
“Ang ibig mong sabihin---“
“Opo Ate,” pagputol ni Opal na tila alam na ang tinutukoy ko.
“Mabuti naman,” napangiting tugon ko. “Mabuti at magsasama na tayo rito, Opal."
“Ate naman. Akala ko ba bibigyan mo pa ako ng hustisya? Akala ko ba ipaglalaban mo ang zone natin? Ate, hindi ka pa nararapat rito sa ngayon. They still need you. Si Tita, si Kuya, si Maestro Khien, at higit sa lahat…” tumigil siya at napayuko sa kaniyang sinasabi. “ si kuya Ury.”
Nabigla ako sa huling taong sinabi niya. “Anong kinalaman ni Ury dito?”
“Alam kong pinipilit niyong itago ang nararamdaman niyo sa isa’t-isa. Alam kong nagugustuhan ka na ni kuya Ury simula nang makita ka niya. Alam ko na pagtatagpuin talaga kayo kaya ikaw ang pinili kong mabuhay,” pagpapaliwanag nito. “Ate, kahit para sa akin na lang ipagpatuloy mo ang pinaglalaban mo.”
“Pero---"
"Ate, please!"
"Pangako," nasambit ko na lamang sabay yakap sa kaniya.
“Kailangan ka na nila,” putol nito habang kaakap ko lang siya.
“Rumi? Rumi?” paulit-ulit na naririnig ko sa paligid. “Rumi, wake up!” natataranta na ang taong tumatawag sa aking pangalan.
“Ate, kailangan mo nang bumalik sa kanila,” pagpuputol ni Opal sa aking atensyon.
“Hindi--- ayaw ko nang bumalik doon. Nangako ako Opal na ipaglalaban ko ang dahilan ng pagkawala mo subalit nakita na kita at nakasama kaya mas pipiliin ko na lang dito,” pagpapaliwanag ko.
“Pero---“
“Opal, please let me stay here.”
“Ate, they need you. You need to go back before it’s too late!”
“I’ll stay!”
“RUMI! WAKE UP!” pamilyar na boses kaagad ang nagpatigil sa akin. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha sa repleksyon niya. “RUMI! PLEASE!”
Hindi ko siya makilala sa ikinikilos niya. The fearless dragon that I knew is like a soft marshmallow.
That’s tears! He’s crying. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. We even don’t know each other before. “Bakit ka ganyan Ury?” napatanong ko sa aking sarili.
“Ate, he needs you more than you need me.”
Natigilan ako sa sinabi ni Opal. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon. Hindi pa rin ako makapag-isip ng maayos. “Please, for us! Go back from where you belong, Ate. Hindi mo pa oras."
Unti-unting kumalas ang pagkakahawak ni Opal sa mga kamay ko. Humakbang siya ng ilang beses palayo sa akin. Nilalamon na rin ang kaniyang buong sarili ng liwanag.
“Opal? Please, stay with me,” hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng aking emosyon. “Ate, thank you and good luck,” huling salitang narinig ko bago siya tuluyang kainin ng liwanag. Napaluhod muli ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo.
Sinusubukan kong buksan ang aking mga mata ngunit hindi ko kaya. “Please Ate, lumaban ka!” muling naalala kong tugon ni Opal.
“RUMI!!!” isang malakas na sigaw ang kumawala sa buong paligid. “I’m sorry she’s dead,” tugon naman ng isang lalaki.
Naririnig ko sila ngunit hindi ko sila nakikita.
Tanging madilim na paligid lamang ang bumabalot sa aking sarili. Sinusubukan kong maghanap ng paglalabasan ngunit panay pa rin ang pagkirot ng aking ulo.
“RUMI?” narinig ko muli ang tinig niya. “Gumising ka. Lalaban pa tayo. Bibigyan pa natin ng kalayaan ang bawat zone natin diba? Rumi, please.” Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga salitang iyon.
“Wala na tayong magagawa,” pag-aawat sa kaniya ni Maestro na ramdam ko ang bigat ng kaniyang nararamdaman.
Ganito ba talaga ang makikita mo kapag wala ka na? Hindi ko alam ang sagot.
Nanatili akong kalmado habang nawawala na rin ang kirot na aking nararamdaman. “Rumi, akala ko ililigtas mo ako,” rinig ko muli.
“Rumi, we need you. Kailangan ka ng zone. Naniniwala akong hindi ka pa nawala. I know you were trapped by his potential. I tried to search for him. Hindi ko siya makita kahapon pa. The last time I saw him, he was walking in the hallway at midnight. He’s the only one that can back you to life,” paliwanag nito. “Nararamdaman ko pa ang presensiya mo, this is only the side effect of his potential pe--- hihintayin kita."
Biglang tumahimik ang palagid. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa lugar kung saan ako.
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Maestro. Who’s him? Sino ang tinutukoy niya kung bakit ako nagkakaganito.
“Rumi, I’ll wait for you,” maikling tugon ulit ni Maestro bago ito makalabas ng tuluyan sa silid.
Tumahimik muli ang buong paligid. Nararamdaman ko na wala siya. Sinubukan kong alalahanin muli ang lahat.
Hanggang sa isang salita ang pumasok sa aking isip, “Sorry, I need to do it!”