CHAPTER 22- CAUSE AND EFFECT

1679 Words
           CHAPTER 22- CAUSE AND EFFECT “W-what are you doing here, Giero?” nauutal-na tanong ko. “Anong pinag-usapan niyo?” pag-uulit niya. “Wa-wala, bakit ka nandito?” “Maestro told me to look for you. Kanina pa raw natapos ang dinner niyo ng Headmaster at Headmistress ngunit hindi ka pa rin nakakabalik ng headquarter,” he explained. “So, I decided to look for you,” dagdag pa nito. “Halika na, Giero. Bumalik na tayo sa headquarter,” anyaya ko upang hindi na nito maungkat pa ang nangyari kanina. Tahimik kaming naglalakad patungo sa aming headquarter. Wala pa rin siyang imik pagkatapos kong hindi magkwento tungkol sa sinabi ni Ury. Maybe, hindi niya rin namukhaan si Ury dahil nakalayo na rin ito. “I heard everything,” pagsira niya ng katahimikan. Napalingon ako sa lalaking katabi ko ngayon. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa narinig ko. “Anong narinig mo?” bigla tanong ko at nakaramdam nang kaba. “Everything---" napahinto siya. "Like what I’ve said,” wala sa tono nitong tugon. “Ca-can you keep it as a secret--- Giero?” Napatigil siya sa pagsasalita. “Ayaw kong sumunod ka sa plano ng lalaking iyon. Napag-usapan na natin ito Rumi. I don’t want you to push your plans kaya please makinig ka naman,” tugon nito. “Buo na ang plano ko Giero at alam mo ‘yan. Hindi ako pwedeng umatras. Natatakot ka ba? May kakampi tayo!” saad ko. “That reason will put you into danger, Rumi. Damn! Pwede bang isipin mo rin ang mga taong nag-aalala sa’yo? Kahit ngayon lang!” “Aside from Opal and my Mother, no one cares for me! Ginagawa ko ito hindi lang para sa sarili kong kagustuhan. Ginagawa ko ito dahil para bigyan ng kalayaan ang lahat ng nasasakupan nitong sakim at walang-awa na pamumuno ng Head!” napalakas na ang aking boses sapagka’t sa galit kay Giero. “Alam mo ito nung una pa lang. Kung ayaw mong tumulong please hayaan mo na lang ako!” “I understand Rumi where those pains coming from. Pero, hindi natin pwedeng pagkatiwalaan ang mga sinasabi mong kaibigan na tutulong diyan sa plano mo. We don’t know them either. Tayo lang ang magkakampi rito Rumi!” “Hindi tayo magkakampi sa inaasal mo Giero. Bakit ka ba ganyan?” “Damn Rumi! Nag-aalala rin naman ako sa’yo! Hindi lang si Opal ang nag-aalala sa’yo!” “You’re not! Nag-aalala ka lang dahil gusto mo!” “Rumi---“ “Sorry, I have already decided. You can’t stop me, Giero," tugon ko. Hindi ko pwedeng baliwalain ang lahat ng pinaghihirapan ko. Kaibigan ko si Giero ngunit kaya kong ipagpalit lahat para lang sa inaasam ko na hindi lang para sa aking sarili. “Rumi---“ Hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy sa paglalakad. Mabigat ang nararamdaman ko sa ngayon dahil akala ko kakampi ko siya. This is not included on my plans. I don’t need Giero’s help. ------ Patuloy ako sa pagmamasid at nakatulala sa ceiling habang patuloy naman sa paglalakbay ang aking isipan. Ang dami-dami nais mag-unahan magpapansin. Ngunit, ang unang nagbigyan ko ng atensiyon ay ang sinabi ni Ury. Do I need to meet him tomorrow? Hindi ko alam. Hindi ako pwedeng makipagsundo sa taong malapit sa mga Headmaster. Subalit, inuusig ako ng aking konsensiya. Hindi ko rin maatim ang nangyari sa pagkakaibigan namin ni Giero. Maaaring maging hindi maganda ang laban namin kung magkakaroon kami ng alitan. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Hinanap ko siya sa sala ngunit hindi ko siya nakita. Nagtungo ako sa veranda at nakita ko siyang nakatayo at nakatingin lamang sa malayo. Napakalamig ng simoy ng hangin na tila nais akong itulak pabalik sa loob. Huminga ako ng malalim bago maglakad patungo sa kaniyang direksyon. “Bakit ka nandito? Anong oras na, dapat nagpapahinga ka na!” usal nito habang nakatalikod. Naramdaman niya siguro ang pagdating ko. “G-Giero, can we talk?” pagbabasag ko sa segundong katahimikan pagkatapos niyang magsalita. “Wala naman tayong dapat pag-usapan Rumi. I respect your decision. Magpahinga ka na sa loob at baka magkasakit ka rito,” tugon niya. “But---“ “Please, kahit sa itong pakiusap lang,” pagpuputol niya. Wala akong nagawa kung hindi ay bumalik sa aking kwarto. I know where those tones coming from. Alam kong galit sa akin si Giero. Alam ko namang mali ko kung bakit siya nagkaganyan. Bumalik ako sa pagkakasalampak sa aking malambot na higaan. Puno na ng mga katanungan ang aking isipan na tila nais na nitong sumabog. “AHHHH!” napasigaw ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung saan ito nagmumula. “Anak?” nakita ko ang isang magandang babae na nakaharap sa akin. “Ikaw ang pinakamagandang regalo na dumating sa amin.” Hindi ko alam ang ginagawa ng babaeng ito. Hindi ko maintindihan ng maayos kung saan nanggagaling ang lumalabas sa kaniyang mga bibig. “Anong pong ibig niyong sabihin?” Hindi siya sumagot sa tanong ko. Pinagmasadan niya lang ako. Tila nalulula ako sa ganda ng kaniyang mukha. Hindi ko mawari na kaharap ko ang babaeng tila pamilyar sa akin. Hindi lamang ako sigurado kung tama ba ang naiisip ko. “Anak, ikaw ang susunod na titingalain ng mga tao. Nawa’y lumaki ka ng mabuti at may katapangan sa iyong puso,” dagdag pa nito. “AHHHH!” hindi ko mapigilan ang mapasigaw sa sakit na nararamdaman ko sa aking ulo. Hindi ko kayang pigilan ito. Bigla na lamang nandilim ang aking paningin at hindi ko na naramdaman ang lahat. GIERO POV “Sorry Rumi but I need to do it,” tugon ko ng makitang wala ng malay si Rumi. Sinubukan kong pasukin ng itim na usok ang kaniyang utak at higupin ang lakas na mayroon siya. Nakita ko kung paano siya namimilipit sa ginawa ko. I have to do it para hindi na niya ipagpatuloy ang ginagawa niya. I couldn’t erase or retrieve memory but I can shred memories into different angles. Sa gayon, pinagpalit ko ang atensyon na mayroon siyang balak sa nakaraan pa niya. Alam kong naguguluhan siya sa nakikita niya at gayundin ako. Isang babae na tila pamilyar ang lumabas sa itim na usok na ginawa ko. Hindi ito katulad ng ina ni Rumi. Hindi siya ang babaeng tumatawag sa kaniya na anak. I know her. “Anong koneksyon niyo?” tanong ko sa aking sarili. Inayos ko ang pwesto niya na ngayon ay mahimbing na siyang natutulog. “Sorry Rumi!” Agad akong lumabas ng kaniyang kwarto at tuluyang lumabas rin ng headquarter. It’s already 12:30 in the morning. I walked in the peaceful hallway na tanging ilaw mula sa maliwanag na buwan ang nagbibigay liwanag sa daan. Nagmadali akong bumaba ng hagdan. Nagtago ako sa isang pillar ng kastilyo upang hindi makita ng mga kawal na nagbabantay. Mabilis akong tumakbo patungo sa labas ng kastilyo at nagtungo sa matalahib na bahagi nito sa likuran. “Ginawa mo ba ang inutos ko?” “Oo, tulog na siya at pinagpalit ko na ang mga memories niya,” tugon ko sa kaniya. “Mabuti naman. Siguraduhin mong hindi niya ipagpapatuloy ang kaniyang plano.” “Sinisigurado ko,” pagtatama ko. Wala na siyang sinabi pa at naglakad palayo mula sa masukal na lugar na ito. Nagpalipas ako ng ilang minuto rito bago napagdesisyunan na bumalik sa headquarter. Hindi ko man nais na makipagsabwatan sa kaniya ngunit ito lang ang nakikita kong paraan upang mailigtas si Rumi sa kapahamakan. “Mukhang pagod na pagod ka ata? Saan ka nanggaling?” napahinto ako sa paglalakad ng may biglang nagsalita. Nilingon ko siya at nakitang nakatayo ilang metro ang layo mula sa akin. “Na-nagpahangin lang Maestro,” saad ko. “Tila napakaaga ng pagpapahangin mo sa labas ng kastilyo? Hindi ba ipinagbabawal na kayong lumabas sa inyong Headquarter sa ganitong oras?” “Ipagpaumnahin niyo po Maestro kung lumabag ako sa kautusan mula sa taas. Subalit, hindi lamang ako komportable na magpahangin sa vernda ng headquarter kung alam kong gising pa si Rumi.” “Bakit?” “Nagkaroon po kami ng konting alitan kaya nais ko lamang lumayo,” tugon ko. “Ganun ba? Dapat niyong ayusin kung anumang alitan ang mayroon kayo bago ang festival. Mahirap magkaroon ng lamat ang dalawang representanti ng ating zone.” Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ko. “Siguraduhin mo lamang Giero na tama ang mga paliwanag mo sa akin,” bulong nito. Tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad palayo. Ako naman ay naiwang nakatayo pa rin sa madilim na hallway. Maya-maya ay narinig ko ang dalawang taong nagbubulungan. Nagpasya akong magtago sa isang malaking jar na nakapwesto rito sa hallway. “Tama lang ang naging pasya natin. Dapat hindi tayo mahalata,” saad ng tinig ng lalaki. “Paano kung malaman nila na taliwas tayo sa plano ni Rumi?” tugon naman ng kasama niyang babae. “Remember, we have the ace. Alam natin ang kahinaan ni Rumi at doon lamang tayo magsisimulang gumalaw.” “Make sure that we will win the festival,” saad naman ng babae. “Yes, wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?” Nabigla ako sa aking narinig. Tama ba lahat ng narinig ko? These two have relationship? Hindi ako makapaniwala. “Bang!” malakas na pagputok mula sa kung saan ang aming narinig. Nagliwanag ang mga ilaw na nagmumula sa tila flashlight. Siguro ito ay ang mga kawal na umiikot sa buong palasyo. Papalapit ang pinanggagalingan ng ilaw. Mabilis naman na tumakbo ang dalawa sa iisang direksyon. Nang makita ko silang nakalayo na saka lamang ako lumabas sa aking pinagtataguan bago tumakbo. Ngunit, naabutan na ako ng limang kawal na ngayon ay nakatutok ang nakakasilaw na liwanag ng mga flasshlights. “Anong ginagawa mo dito? Bakit ka gumagala?” Napataas ako ng kamay. Hindi ako sumagot. “Dakpin at ipaalam sa Headmaster!” tugon naman ng isa. Dinakip nila ako at dinala patungo sa isang hindi pamilyar na lugar. Nagsibukasan ang mga ilaw. Gawa sa pinagdikit na mga bato ang pader na dinaraanan namin. Mukhang patungo kami sa underground ng palasyo. Ipinasok nila ako sa isang machine. Sinarado nila ito at tanging katiting lamang na ilaw ang pumapasok sa loob nito. “Ilabas niyo ako rito!” pagsisigawan ko. Subalit, biglang nawala ang katiting na liwanag at binalot ng dilim ang buong silid na ito. Napaupo ako sa sa sahig na walang nakikita. Sinubukan kong gamitin ang potential ko subalit hindi ito gumagana. Maaaring nagpapatigil ang silid na ito ng kapangyarihan. Sinuntok ko ang machine ngunit napakatibay nito. “Humanda kayo!” inis na tugon ko sa aking sarili. “Hindi 'to pwede!” ****************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD