CHAPTER 33- TRAPPED BY AN ILLUSION “Nice job!” Natulala ako nang makita ko siya. “Why are you here?” “Anong nakakabigla sa nangyayari, Rumi? Should you be grateful? Syempre na sa iisang isla lang tayo. Besides, kung mananalo ka naman may points ka and vice versa. ‘Yun nga lang mababa ang points ko kaya ikaw na lang ang uunahin ko." Hindi ko inasahan ang makakaharap ko rito sa tower. He’s from zone 5 who is currently on the ninth spot. Hindi ko siya napansin pag-akyat ko kaya laking gulat ko nang makita siya rito. Umatras ako mula sa kaniyang direksyon. Palihim akong gumawa ng weaken spell at tina-timing na ihagis ito sa direksyon niya. Akmang ibabato ko na ito sa kaniyang direksyon ngunit biglang nag-iba ang paligid ko. Umiikot ngayon ang aking paningin at naduduwal na ako

