NAPAKUNOT NOO si Ged pagpasok niya ng bahay nila. Napasulyap siya sa suot niyang wrist watch ng wala sa oras. Alas-siyete na ng gabi at nakaparada na sa garahe ang kotse ni Gogoy. Sabi nito kanina ng huli silang magkausap sa cellphone ay nasa bahay na ito. Nang mga sandaling iyon, nasa bahay siya nila Lolo Badong at nakikipagkuwentuhan sa mga ito. Walang ilaw sa buong kabahayan. Nang tingnan niya muli ang mga bahay sa labas ay may kuryente naman ang mga ito. Imposible naman pinutulan sila. "Gogoy," tawag pa niya sa asawa. Naghintay pa siya ng ilang sandali ngunit walang sumagot. "Nasaan na kaya iyon? Sabi kanina nandito na daw siya." Sabi pa niya. Napapitlag siya ng biglang pumailanlang sa paligid ang isang kanta, kasabay ng pagbukas ng ilaw sa buong paligid. Napangiti siya ng mula sa h

