BUTIL BUTIL ang pawis nang biglang bumalikwas ng bangon si Ged. Habol ang hininga na tinakpan niya ng kumot ang katawan niya. Isa na naman panaginip ang gumising sa kanya, pero sa pagkakataon na iyon tila isang bangungot at hindi lang basta panaginip. Natutop niya ang noo saka pilit na inalala ang napanaginipan niya. Nasa isang magarang silid siya habang nakikipagtalo kay Gogoy. Hindi malinaw sa kanya ang pinagtatalunan nila, nakita pa niyang umiiyak siya. Pagkatapos, may pinirmahan siyang papel at tumakbo pa siya palabas ng silid. Ang mga sumunod na nangyari hindi na niya maalala. Ano ang pinagtatalunan nila? Bakit hanggang ngayon ay tila nararamdaman pa rin niya ang bigat sa dibdib niya na hindi naman malinaw sa kanya ang dahilan? "Ged isipin mong mabuti kung sino ka!" umiiyak na wika

