DALAWANG linggo na ang nakakalipas simula ng magising si Ged. Ayon sa mga taong nagsasabi na pamilya daw niya, na-aksidente siya na siyang kinasanhi ng pagkawala ng memorya niya. Napalingon siya sa lalaking nasa tabi niya. Gogoy daw ang pangalan nito. Kasalukuyan itong nagmamaneho. Ayon dito, asawa daw niya ito. Ngunit bakit may kung ano siyang nararamdaman na masakit sa puso niya. Hindi palagay ang damdamin niya dito. Ayaw din ng puso niya dito at mabigat ang loob niya dito. Ngunit pinakita nito ang isang patunay na kasal nga sila. Isang wedding picture, maging ang Marriage Contract nila ay pinakita din nito sa kanya. Ramdam niyang mabuting tao ito ngunit hindi pa rin lubos na mapalagay ang loob niya dito. Sinasabi man nito at ng larawan na asawa niya ito, ngunit estranghero pa rin ito p

