ABALA si Ged sa pag-aayos ng mga paninda niya, nang mapadako ang mga mata niya sa calling card na inabot sa kanya ni Menchu kanina pagdating niya doon. Ayon dito, babalik daw ito ngayon araw.
Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin siya sa pakay ng mga ito sa kanyang Tatay. Halata naman na hindi pa alam nito na pumanaw na ang hinahanap nila. Marahil kaibigan ito nito, kaya malamang kaedad ito ng Tatay niya. Sumilip siya sa puwesto ng kaibigan.
"Menchu, anong oras ba daw babalik 'yung mga pumunta dito?" tanong pa niya dito, sabay taas ng hawak niyang calling card.
"Ewan ko. Wala naman silang sinabi. Basta babalik daw." Sagot nito. "Bakit? Excited kang makita kung gaano kaguwapo no?"
"Hindi ah! Baka lang kasi may utang sa kanila si Tatay. Kapag ganoon, patay talaga ako!" sagot niya.
"Promise, te! Hindi sila mukhang naniningil ng utang."
"Nga pala, sana sinabi mo nang patay na sila Tatay." Aniya.
Umiling ito. "Eh hindi naman nagtanong eh." Katwiran nito.
Nasapo niya ang noo, sabay iling. "Hay naku, Menchu! Sana sinabi mo na kahit hindi tinanong!" tungayaw niya dito.
"Eh nakalimutan ko nga! Shoo! Huwag mo akong kausapin!" Singhal nito sa kanya saka siya pabirong tinaboy.
Natawa na siya dahil mukhang naiirita na talaga ito. Pinagpatuloy na niya ang pag-aayos ng mga paninda niya. Ilang sandali pa ang lumipas ay may pumaradang isang magarang sasakyan sa tapat ng puwesto niya. Napakunot noo siya, sabay lapad ng ngiti. Halos mapanganga nang makita niya kung anong klase ang kotse iyon. Alam niya iyon, nakakita na niya ang modelo na iyon sa isang magazine, isang kulay silver gray Audi r8 sports car. Malapad siyang napangiti. Mukhang maganda ang umpisa ng araw niya, dahil sa ganda ng kotseng iyon. Malamang pakyawin ng mga ito ang tinda niya.
Agad niyang hinanda ang pamatay niyang ngiti, inayos pa niya ang buhok niya para mas magmukha siyang presentable sa bonggang customer niyang iyon. Bumukas ang pinto sa passenger's side at bumaba doon ang isang lalaking guwapo. Nakasuot pa ito ng sunglasses, pero hinubad din nito iyon ng maisarado na nito ang pinto. Agad na lumipad sa kanya ang tingin nito. Unti-unting nawala ang ngiti niya nang tumingin ito sa kanya na seryoso ang mukha.
"Miss Giody Marcelo?" anito paglapit sa tindahan niya.
"Oo, ako nga. Kilala ba kita?" sagot niya.
Hindi agad ito sumagot. Nabaling ang tingin niya nang mula sa driver's side ay bumaba ang isang lalaking mas guwapo pa sa kaharap niya. Wala sa loob na napanganga siya, kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib niya. Para siyang nakakita ng Live Apparition. Para itong machong anghel na nagkatawan tao, at nagniningning sa liwanag. Nailapat niya ang palad niya sa tapat ng puso niya. Wala pa rin tigil iyon sa pagpintig ng mabilis.
Napalunok siya nang tanggalin din nito ang suot nitong sunglasses. Napako ang mga mata niya sa guwapong mukha nito, partikular na sa mga mata nito. He has coal black pair of eyes. Mga matang puno ng misteryo, iyon agad ang pumasok sa isip niya.
"Good Morning," bati nito paglapit.
"Ha?" usal niya habang nakatulala pa rin. Tama si Menchu, ay hindi, mali ito. Ang sabi lang nito, guwapo. Pero ang totoo, napaka-guwapo nito.
"Miss Giody Marcelo? Ikaw 'yon di ba?" tanong ng lalaking aparisyon.
Tumango lang siya. Ang naunang lalaki ang nagsalita ulit.
"Maaari ka ba namin makausap? May importante tayong dapat pag-usapan," sabi pa nito.
Hindi pa rin siya kumibo. Gusto man niyang alisin ang tingin mula sa lalaking mala-aparisyon sa guwapo. Ayaw naman sumunod ng mga mata niya, tila may kakaibang enerhiya na nagmumula dito na humihila sa kanya para lang manatiling nakatitig sa mukha nito.
"Miss, okay ka lang ba?" tanong pa ni Mamang Aparisyon.
"Tao ka ba?" sa halip ay wala sa loob na tanong din niya dito.
"What?" kunot-noong tanong nito.
Natauhan lang siya nang marinig niyang sinutsutan siya ni Menchu. Mabilis siyang umiwas ng tingin.
"Uh, pasensiya na kayo at ngayon lang nakakita ng matinong tao 'yan eh." Hinging-paumanhin nito pagkatapos ay binalingan siya ulit. "Ged, sila 'yung naghahanap pala sa inyo." Anito.
Humugot siya ng malalim na hininga saka tumikhim na malakas para makabawi sa pagkapahiya niya.
"Oo, ako nga. Sino po ba sila?" maayos na niyang tanong.
Nilabas ng isang lalaki ang wallet nito at pinakita ang tsapa nito. "SPO1 Miguel Mondejar Despuig." Pagpapakilala nito.
Sa pagkakataon na ito, bigla siyang nakaramdam ng takot. Anong ginagawa ng isang pulis doon? Wala siyang maalalang masamang ginawa niya o ng mga magulang niya.
"Ah, ba-bakit po? May problema ho ba? May iniwang malaking utang ba ang Tatay ko? Naku, wala akong pambayad!" sunod-sunod na tanong niya
Nagtaka pa siya ng parehong tumawa ang dalawa. Ang Mamang Aparisyon ang nagsalita, habang umiiling. "You're quite amazing. Anyway, John Michael Mondejar Lombredas. At hindi kami pumunta dito dahil sa utang." Pagpapakilala nito.
"Naku mabuti naman," Aniyang nakahinga ng maluwag. "Eh, ano ba talaga ang sadya n'yo?"
"Hindi namin pwedeng sabihin dito. Maselan ang pakay namin sa Tatay mo. Mas maganda sana kung hindi sa public place." Anang pulis.
"Ha? Saan naman?" tanong niya.
"Puwede ka bang sumama sa amin?" tanong pa ng nagpakilalang John Michael.
Nagsalubong ang kilay niya, saka bahagyang napaatras. May pagdududang tiningnan niya ang dalawang ito. Mahirap na, baka mamaya masamang loob ang mga ito at may balak na hindi maganda sa kanya. Sabi nga, looks can be deceiving.
"Miss Marcelo, we're not what you think we are. Marangal kaming tao. Isa pa, kita mo nga. Pulis itong kasama ko." Sabi nitong tila nahulaan ang iniisip niya.
Tumikhim siya. "Sabi ko nga. Sige, doon na lang tayo sa bahay mag-usap. Malapit lang naman 'yon dito." aniya.
Sinarado niya ang tindahan saka nagpaalam kay Menchu. "Halika na," yaya niya sa mga ito.
"Wait, sumakay ka na." alok ni John Michael.
"Huwag na, nakakahiya naman." Tanggi niya.
Nagulat siya nang bigla siyang hawakan nito sa pulso saka siya hinila palapit sa kotse nito. Binuksan nito ang pinto sa likod at doon siya pinasakay. Sumunod ang dalawa, saka agad na umalis. Pagdating sa bahay niya. Agad niya itong pinatuloy sa loob, mabuti na lang at nakapaglinis siya ng bahay. Hinainan niya ng kape ang dalawa, bago niya hinarap ang mga ito.
"Ano bang kailangan n'yo sa Tatay ko?" tanong pa niya.
Nagkatinginan ang dalawa. "Kailangan namin siyang makausap." Sagot ni SPO1.
Malungkot siyang ngumiti saka tumungo.
"Kung sana'y nandito pa siya." Mababa ang boses na wika niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Tatlong taon nang patay ang mga magulang ko. Kasama sila sa nasawi nang lumubog ang sinasakyan nilang RORO papuntang Mindoro." Sagot niya.
"What?" gulat na tanong ng dalawa.
"Wala na siya?" tanong ulit ng pulis.
Tumango siya. "Puwede ko bang tanungin kung anong kailangan n'yo sa Tatay ko? Paano n'yo nalaman kung saan ako nakatira?"
"Matagal na kayong pinapahanap ng Pamilya ng Tatay mo. Umupa kami ng imbestigador para matunton kayo." sagot ni John Michael.
Huminga ng malalim si Miguel saka may kinuhang dalawang lumang litrato mula sa bulsa ng suot coat. "Nakikilala mo ba ang nasa litrato?" tanong pa nito.
Napakunot noo siya ng matitigan ang larawan. "Teka, meron akong kopya nito." Sabi pa niya. Ito rin ang eksaktong picture na nakita niya kahapon habang naglilinis siya ng kuwarto ng mga magulang niya. Agad niyang kinuha ang gaya ng larawan na hawak niya saka pinakita sa mga ito.
"Ikaw nga ang hinahanap namin." Sabi pa ni Miguel.
"Ako?"
Tumango ito. "Iyong matandang kasama ng Tatay mo, kilala mo ba kung sino siya?" tanong ni John Michael.
"Hindi."
"Siya ang Lolo mo. Si Don Alfredo Marcelo. At matagal na niya kayong pinapahanap," paliwanag ni Miguel.
Gulat at muling napatitig siya sa larawan na hawak niya. Tama ba ang narinig niya? Don?
"Don? As in Don?" hindi makapaniwalang ulit niya.
Tumango ang dalawa. "Teka, nasaan na ang Lolo ko?" tanong pa niya.
"Wala na rin siya. Limang taon na ang nakakalipas simula nang pumanaw siya," sagot ni Miguel.
Nangilid bigla ang mga luha niya. Nang sabihin ng mga ito na Lolo niya iyon, agad siyang nabuhayan ng pag-asa na may Pamilya pa pala siya. Pero agad din naglaho ang saya na iyon. Agad niyang tinuyo ang mga luha niyang umagos sa pisngi niya.
"Kung wala na rin pati ang Lolo ko. Sino ang nagpapahanap sa akin?"
"Ang Lolo namin. Matalik na magkaibigan ang Lolo mo at Lolo namin, sa kanya binilin ang mga naiwan nito na para sa inyo," paliwanag ni Miguel.
"Naiwan?"
"Oo. Kailangan natin lumuwas para makausap ka ni Lolo. Matagal ka na niyang gustong makita. Naghihintay siya," ani John Michael.
"Siya ang magpapaliwanag ng lahat sa'yo kung bakit lumaki kang hindi mo nakagisnan ang Lolo mo." Dagdag pa ni SPO1.
Huminga siya ng malalim. Sa biglaang pagsulpot ng dalawang ito sa buhay niya. Hindi na niya alam kung anong naghihintay sa kanya matapos malaman ang mga bagay na tila sinadyang hindi sabihin ng Tatay niya. Gusto niyang magtampo. Pero alam niyang wala siyang karapatan dahil hindi pa niya alam ang buong storya ng totoong background ng Pamilya niya.
"Sige, sasama ako."
"WHAT do you think of her?" tanong ni Miguel kay Gogoy.
Isang simpleng kibit-balikat lang ang sinagot niya dito.
"Anong ibig sabihin naman ng sagot mo?" tanong na naman nito.
"Wala. I mean, I don't know." Sagot niya.
"First impression?"
"She looks fine."
"Isn't she beautiful?" tanong nito na may halong panunudyo.
"Tigilan mo ako, Miguel. Isusumbong kita kay Sumi ." Banta niya dito.
Napangiti ito sabay iling. "Hindi para sa akin, sa iyo. I love her too much para ipagpalit ko siya." Pagtatanggol nito sa sarili.
"Mukhang attracted siya sa'yo." Dagdag pa nito. "Nakita mo ba kung paano siya natulala nang makita ka?"
Umiling siya. "Shut up, dude! Kung ano man ang iniisip mo. It will not work." Depensa agad niya.
"Fine! But wait, anong plano mo? Kapag napatunayan na capable siya na magpatakbo ng isang kompanya. Are you willing to give up your position?" pag-iiba
nito sa usapan.
Agad na sumeryoso ang mukha niya. Tumayo siya, saka tumanaw sa malawak na karagatan. Naroon sila sa Mondejar Hotel and Resorts, sa Batangas pa rin. Iyon ang Hotel na pinamana ni Lolo Badong sa Daddy niya at ngayon ay nasa pamamahala ng kapatid niya.
"No. Never. I will protect our Family's Legacy. Whatever happens. Hindi ako papayag. MCI is ours," buo ang loob na sagot niya. Napangiti siya sa naisip.
"Pinsan, anong iniisip mo?" untag sa kanya ni Miguel, sabay tapik sa balikat niya. Nakalapit na pala ito sa kanya ng hindi niya namamalayan.
Agad siyang ngumiti pagharap niya dito. "Nothing," sagot niya.
Naputol ang pag-uusap nila ng biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok doon ang isang staff ng Hotel.
"Sir, nandito na po si Miss Giody." Anito.
"Let her in. Thank you." sagot niya.
Pagpasok nito, agad niyang tinitigan ito ng husto. She's not bad. In fact, she's beautiful. Tama si Miguel. Malamlam ang mga mata nito. Her fair skin added more in her beauty. Tuwid at kulay itim ang hanggang balikat na buhok nito. Ang kasimplehan nito ang siyang nagbibigay ng kakaibang dating nito. Hindi niya maihambing ito dahil iba ang klase ng ganda nito. Sa isiping iyon, biglang kumabog ang dibdib niya. Agad siyang tumikhim ng malakas saka pinaling sa iba ang paningin niya.
"Good Morning po," bati nito pagpasok.
"Hi Giody, have a seat." bati niya.
"Ged na lang po ang itawag n'yo sa akin." Sabi pa nito sabay ngiti.
Ang mga ngiting iyon ang siyang muling nagpasikdo ng puso niya. "Ah, drop the 'po'. Hindi pa ako ganoon katanda. And please, call me JM." Sabi naman niya.
"Pwede rin, Gogoy." Sabad ni Miguel habang nakangisi.
Pabirong siniko niya ito.
"Ha? Gogoy?"
"Ah, wala! Huwag intindihin 'yan. Anyway, are you ready? Aalis na tayo in an hour." Pag-iiba niya sa usapan.
Hindi ito sumagot. Nilapag lang nito ang gamit saka tumanaw din sa labas at tila malalim ang iniisip. Nilapitan niya ito.
"Are you okay?" tanong niya.
Bumuntong-hininga ito saka tumango. "Hindi ko lang alam kung ano ba
dapat ang asahan ko. Hindi ko pa rin maintindihan ang tungkol sa sinasabi n'yo sa akin. Kahit kailan kasi wala akong nakilalang kamag-anak galing sa side ng Tatay ko. Ang lagi lang nilang sinasabi sa akin, ulila na siya at wala ng pamilya pa. Naguluhan ako bigla." Sabi pa nito.
Tumango siya. "Alam ko. Naiintindihan kita. Pati kami sa Pamilya namin ay nagulat din. To tell you the truth, kailan lang din namin nalaman ang tungkol sa Lolo mo at sa buong Pamilya n'yo. My grandfather hide it from us for years."
Tumingin ito sa kanya. Nginitian niya ito. "Huwag kang matakot, Ged. Simula nang binigay sa akin ni Lolo ang responsibilidad sa paghahanap sa'yo. I took full responsibility about you and the new life ahead of you. Pangako, kasama mo ako. Hindi kita iiwan." Diretso sa mga matang wika niya dito.
Muli sa kabila ng malungkot na mga mata nito. Sumilay ang magandang ngiti nito, kasunod ng pagkabog ng puso niya.