Chapter 23: Chase' other side (Aiana's POV) "Lady Aiana, pinapatawag ho kayo ni Master sa opisina niya.." bungad na sabi sa akin ng isang butler dito sa Mansyon "Ha? Bakit daw?" tanong ko. Himala kasi na pinatawag niya ako. Hindi naman kasi kami masyadong nag-uusap ni Dad. Hindi nagsalita ang butler, nakayuko lang siya, that means hindi niya alam. "Ok, pupunta na ako" Sa totoo lang, lahat ng mga tao dito takot sa kanya even kaming mga anak niya ay takot ding kausapin siya. I don't know why, maybe it because of his creepy poker face. He doesn't have an expression, kahit nga ngiti niya ay nakakakilabot. Sa aming apat na magkakapatid, si Lawrence lang ang may kakayahang ngumiti ng napakawagas sa harap niya at sumagot-sagot sa kaniya. Kahit minsan natatakot din siya sa kanya. Pareho kasi s

