Chapter 22 : Unang Rebelasyon (Devie's POV) "Axelle!!" hinihingal kong tawag sa kanya. Dahil sa sobrang traffic sa highway ay di na ako nag-atubili na takbuhin ang isang kilometrong distansya ng kinalalagyan ng kotse ko patungo dito sa hospital. "Anong nangyari??? Nasaan si Chase???" agad na pagyugyog ko sa kanya. Napayuko lamang siya "H-hindi ko alam Dev..Hindi ko alam kung sino yung mga armadong lalake ang kumuha sa kanya..Hindi ko alam kung saan nila dinala si Chase-" "Anong hindi mo alam??! Kayo ang nandito para bantayan siya di ba??! Kung may kumuha sa kanya bakit hindi mo pinigilan??! Bakit mo hinayaan??! Bakit hindi mo sila sinundan??!" sobra na akong natataranta dahil sa nalaman ko. Kinuha daw ng mga di kilalang mga tao si Chase pagkatapos ng successful operation niya. "I did

