Chapter 1
"Ms. Rexella Morgan?" Napatingin ako sa babaeng kanina pa pala ako tinatawag.
Ngumiti ako dito.
"It's your turn now" tumango ako at tumayo na upang pumasok sa opisina ng doctor.
Ngumiti ako ng makita si Tito Fred. Ang doctor ko. "Goodmorning Tito.. " lumapit ako dito at nagmano.
He just shrugged his shoulder and signalled me to sit. Sa lahat ng pamilya ko ito lang ang kumikilala sakin bilang isang pamangkin kaso nga lang ay malamig itong makitungo but, atleast hindi siya kagaya ng mga iba kong kapamilya. Para akong hangin kong ituring ng mga ito.
Sinimulan na nito ang pagche-check up sakin. "Hindi ba sumasakit puso mo nitong nakaraang araw?" Umiling ako.
Lumapit ito sakin at patuloy akong chene-check up. "Pagkapos ng hininga?" Umiling ulit ako.
"Wala naman po tito" Nakangiting sabi ko dito.
Tumango ito "Mabuti kung ganon. Patuloy kalang sa pag-inom ng gamot" tumango ako dito at nagpasalamat na bago nagpaalam na umalis.
As you can see. Meron akong sakit sa puso at sa bawat araw na nagdadaan patuloy parin akong lumalaban.
Noong una hindi ko matanggap na may sakit akong ganito at para akong mababaliw kakaisip noon kung magtatagal pa ba ako sa mundong ito.
Napatigil ako sa pag-iisip ng may nakabangga akong babae. Nahulog ang dala nitong bulaklak kaya yumuko ako para pulutin iyon ng bigla nitong hilain ang buhok ko.
"Ouch!." I tried to get away from her pero malakas ito.
Nagtama ang mga mata namin ng kasama nitong lalaki. Boyfriend siguro. Umiwas ito ng tingin at pigilan nito ang kasamang babae.
"Kristina stop." Pagpipigil nito pero patuloy parin ito sa paghila ng buhok ko. Halos maiyak ako ng mas lakasan nito ang pagsabunot sakin.
Hindi ako makalaban. Masyado akong mahina at nagsisimula nang sumakit ang puso ko.
"Ang tanga mo kasi! Hindi ka tumitingin sa daan putangina mo!"
"I said stop! Kristina!" Nang hindi pa ito tumigil ay ang lalaki na ang gumawa ng paraan para matigil ito.
At ng makawala na ako ay humingi ako ng tawad dito. "S-sorry.."
Tumalikod na ako at nagmamadaling lumakad palabas. Hindi ko na pinansin ang mga taong nakatingin at ang lalaking tumatawag sakin.
Masyadong kumikirot ang puso ko ngayon kaya mas mabuti ng mapag-isa ako.
Being alone makes me happy and besides I don't have a choice. Walang may gusto sakin, pabigat daw ako. Uuwi nalang ako sa condo ko.
Pagpasok na pagpasok ko palang sa kwarto ko ay tumihaya na ako sa kama.
Medyo nawawala na ang pagkirot sa puso ko. Nabigla lang siguro ako kanina. First time kong masabunutan ng hindi ko kakilala.
When I was in sixth grade, syempre graduation ko noon and gladly my parents showed up. Nang pauwi na kami ay nakiusap akong pumuntang park kahit na may kalayuan iyon sa school pero pumayag sila since graduation ko.
Minsan lang kami kompleto dahil sa sobrang workaholic ng parents ko. Sobrang saya ko nong time na iyon at noong pauwi na kami, may nabangga kaming malaking truck dahilan ng pagkamatay nila.
Sabi nila swerte daw ako kasi ako yung nakaligtas pero hindi nila alam na dahil sakin nawala ang mga magulang ko na sobrang mahal ko.
Dahil ako ang natira at nalaman ng iba kong kamag-anak na ako ang may kasalan ay ako ang pinagbuntungan ng galit.
Binugbog, ginutom, at walang hanggang pangsisisi. Tama lang naman yon kaya hindi na ako nagreklamo at lumayo nalang and until now, masakit parin..
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa alaalang 'yon. Kumikirot na naman ang puso ko kaya tumayo ako at pumuntang kusina para uminom ng gamot at salamat sa diyos. Tumigil din ang kirot.
Lumabas ako sa terrace para magpahangin. My condo is in 16th floor so mataas na talaga. Fresh air and it's relaxing kaya dito pinaka paborito kong spot ng condo ko eh..
"Hey?"
Lumingon ako sa katabing terrace ng marinig kong may nagsalita doon. Oh.. yung kasama ng babae kanina.
Kapitbahay ko pala iyon. Kaya pala familiar ito kanina.
"Hmm.. Hai?" I awkwardly asked.
"Pasensya kana kanina ah?" Ngumiti ako dito at tumango nalang.
"Matagal kana dito?" I asked.
"Yes.." ngumiti ito kaya ngumiti rin ako.
We stayed silent until he spoke first.
"Magluluto ako mamaya so.. pwede mo ba akong sabayan?" Tinignan ko ito gamit ang nagtatakang mga mata.
"Paano yong girlfriend mo?"
Ngumiti ito "She's not my girlfriend. Kaibigan lang siya ng kapatid ko at sinamahan ko lang itong mag pacheck up kanina."
"Ah.. okay." Sabi ko nalang dito.
"So.. mamaya ha?"
"By the way. I'm Triton Gonzaga." Ngumiti ako dito.
"Rexella Morgan."
"Sigi. Kumatok ka nalang mamaya" sabi ko bago nagpaalam na papasok na.
First time kong ma invite ng isang tao sa kahit anong occasion.
Well there's always a first time..
Nagluluto ng may kumatok sa pintuan.
"Wait lang!" Nagpunas muna ako ng kamay bago binuksan ang pintu.
"Oh hi? Pasok ka." Yung kapitbahay ko lang pala. Pumasok naman ito at luminga linga sa paligid.
"Ikaw ba ang nag design nito?" Tanong nito habang hindi parin maalis ang mga mata sa paligid ng condo ko at ako naman ay nakatitig lang dito.
"Y-yeah.."
Tumingin ito saakin at ngumiti "You have a talent on it"
Napatawa lang ako at pumuntang kusina para e-off ang stove bago ito binalikan sa sala. Nakaupo lang ito habang nakatingin saakin na papalapit sakanya.
"Let's have a dinner na?" Ngumiti ako dito at tumango.
"Oh by the way. Nagluto ako gusto mo tikman?" Ngumiti ako dito ng tignan ako nito ng mabuti.
"Okay.." mas lumawak ang ngiti ko dito bago ito hinila papuntang kusina. Kumuha ako ng pinggan at kumuha ng isang pirasong adobong manok at inilagay ito sa harap niya.
"Smells good" anito saka kinuha ang tinidor at tinikman iyon. Nag-angat ito ng tingin sakin at ngumiti.
"It taste good." Anito bago nito inubos iyon at sinadya ko talagang damihan dahil may pag bibigyan ko. Iiwan ko mona ito dito at mamaya ko na ibibigay.
"Let's go?" Anito at marahan akong hinila papuntang kabila which is sa condo nito.
Medyo kinakabahan ako dahil baka mamaya sumugod yung babae dito. Wag naman sana. Atsaka wala naman kaming gagawin. Kakain lang talaga.
"Wow!"
"What?" Natatawa nitong sabi. Nagulat ako sa design ng apartment nito. Ang linis tignan akala ko makalat lahat ng lalaki hindi naman pala
"Ang ganda ng condo mo and ang ambiance sobrang gaan sa pakiramdam" I honestly answered. Damn I want to live here.
Wait.. what?
Natawa ako sa naiisip ko. God! Nababaliw na ako dahil sa condo na ito. I must design my condo like this.
"Come." Hinila ako nito sa kusina at pinaupo. Woah! Kanina pa ako bumubilib dito ah. Ang daming alam. Maraming ulam ang nakahanda kaya hindi ako ma bo-bored dito. Syempre pagkain na pero control lang kasi nga diba. May sakit ako so..
Akmang susubo ako ulit ng carbonara ng magsalita ito "Is it yummy?" Ngumiti ako dito at tumango bago kumain na ulit.
Umiinom ako ng tubig ng magsalita ulit ito na ikinagulat ko...
"Do you have a boyfriend?"
Naiilang akong tumawa. "No." I simply answered. Sinong papatol sakin?
"So.. do you mind if we can be friends?" Napatingin ako dito.
"It's okay.. First time kong ayain ng isang tao para maging kaibigan. Kaya naman syempe." I'm so happy..
"Good then."
Pumalakpak ako dahil sa tuwa. Thanks God!. Sana lang hindi ako nito saktan, mahina puso ko eh..