8

3516 Words
Naalimpungatan ako dahil may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bumaling ako sa kanan at niyakap ang unan na nasa tabi ko. "Saoooo!! Kakain naaa!" Napabalikwas ako nang marinig ang boses ni Marga sa labas at napahiga ulit at tumitig sa kusina. Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko. Takot ba o Saya. Takot kasi makakaharap namin ang Empress. Pero saya dahil makakalabas ulit ako ng City at hindi lang sa labas ng boundery kundi sa Arvana pa. Ang Empress ang naghahari ng Arvana. The Goddesses chose her to be the gifted one. From a normal person to an Empress. Ang Empress ang nagpoprotekta sa City namin bilang utos ng mga goddesses. The mist is her power. At meron ding invisible barrier na nakapalibot sa city at hindi nito pinapapasok ang mga taong nasesense niya na masama. Siya din ang kinakausap ng mga Goddesses para bigyan kami ng babala kung may mangyayari ba sa'min o hindi. Kaya kailangan namin siyang kausapin at tanungin kung bakit kinuha si Megan galing sa academia at kung ano ang mangyayari. Tumayo na ako at sinuot ang tsinelas ko at hinayaang nakalugay ang buhok ko. Pumunta muna ako sa cr para magmumog at maghilamos bago lumabas. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Marga na akmang kakatok ulit. "Ay hihi. Good evening. Kakain na." Sabi niya at ngumiti kaya ngumiti din ako at tumango. Sabay na kaming pumunta sa dining area at nakita silang kumakain na kaya ningitian ko sila at umupo na. Habang kumakain kami ay naninibago ako dahil sobrang tahimik namin. "KYAAHHHH mamemeet na ulit natin si Empress!" Nagulat ako dahil biglang tumili si Marga at nakita ko ang pag-angat ng ulo ng mga kasama ko at napangiti. "Close talaga kayo, 'no?" Nakangiting sabi ni Kie kaya napakunot ang noo ko. "Oo naman. Marami na siyang nasabi sa'kin tungkol sa mga nangyayari sa mundo, e. Sabi niya nga sa'kin nung nagkita kami na may darating daw na bago kaya ilang araw ang nakalipas, Dumating na si Sao." Gulat naman akong napatingin kay Marga. Close sila ng Empress? "Nagkita na kayo?" Tanong ni Dion. Tumango-tango si Marga. "Oo. Nagpakita siya sa'kin nung ilang araw bago dumating si Sao." Nang matapos kaming kumain ay nilagay namin ang mga pinagkainan sa sink at nagvolunteer sina Styx at Marga na sila nalang daw ang maghugas ng pinggan kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at agad na pumasok sa Walk in closet ko. Hinawi ko ang salamin at gumalaw na ito at iniluwal ang daan papunta sa lalagyan ng mga bag ko kaya pumasok na ako at tumingin sa mga backpacks. Lahat ng mga bag ay magaganda pero may nakakuha sa atensyon ko kaya nilapitan ko ito at kinuha. Isa itong malaking bag na halatang pangtravel backpack at color silver siya kaya nagandahan ako. Nang masigurong ito na nga ang dadalhin ko ay lumabas na ako at sinarado ang secret door ko at pumunta sa mga damit ko at kumuha ng mga damit, tiniklop at nilagay ito sa bag. Marami-rami ang dinala kong damit kasi hindi ako sure kung kailan kami makakabalik. Hindi ko pa naman alam kung gaano kalayo yung Arvana. Nang sa tingin ko ay sapat na ang lahat ng mga damit na dadalhin ko ay lumabas ako sa walk in closet dala ang bag at nilagay ito sa sofa ko. Napaupo ako sa gilid ng bag ko dito sa mini sala ko at sinandal ang ulo sa sandalan at napapikit. Pero napaayos ulit ako ng upo nang may biglang naalala. Napatingin ako sa drawer na nasa gilid ng kama ko na may mini table sa taas at pinuntahan ito. Binuksan ko ang ikalawang drawer at iniluwal sa'kin ang librong binigay sa'kin ni Luna. Dadalhin ko ba 'to? Pero baka kasi kailanganin ko. Kinuha ko nalang ito at sinarado ang drawer. Naglakad ako papunta sa sofa at binuksan ang bag ko at maingat na nilagay sa loob ang libro. Pagkatapos no'n ay sinarado ko na ulit ang bag. Naligo na ako at pagkatapos no'n ay nagbihis ako ng pantulog at tinuyo ang buhok ko gamit ang hair dryer at pagkatapos ay in-off ang ilaw ng kwarto ko at humiga na sa kama. Luna, Sana naman walang mapahamak sa'min sa misyon na 'to. First time ko pa naman gumawa ng misyon kasama sila. Sinet ko na ang alarm clock ko at in-on ang lamp ko at natulog na. • • • Nagising ako nang tumunog ang alarm clock ko kaya napaupo ako at nag-inat. Tinignan ko ang alarm clock ko at nakitang 3:30 am na kaya naligo na ako at nag-ayos. Nagsuot lang ako ng cargo pants, oversized t-shirt na inipit yung likod sa pants at black shoes at umupo sa vanity ko. Tinuyo ko ang buhok ko bago nagbun. May ilang hibla ng buhok na hindi nasali sa ipit na nahulog sa gilid ng tenga ko pero okay lang naman siya. Nagpulbo lang ako at lipgloss bago kinuha ang bag ko at lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita ko si Deimos na kakalabas lang rin sa kwarto niya at dala na ang bag niya. Napatingin din siya sa'kin kaya ningitian ko siya. "Morning." "Morning." Tanging sagot niya lang at biglang nawala. Halatang nagteleport. Nilagay ko ang bag ko sa sofa at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng itlog para lutuin. Nang mailuto na lahat ng itlog at kumuha ako ng isang plastic ng slice bread. Binuksan ko ito at kumuha ng isa at nilagyan ng itlog ang slice bread at kumuha pa ng isa para ipatong ito sa isa. 'Yan lang ang ginagawa ko hanggang sa matapos na. May pitong slice bread akong nilagay sa mga plastic para dalhin namin mamaya dahil baka magutom kami. Kanina habang nagluluto ako ay ramdam ko ang presensya nila na isa-isang lumabas sa kwarto nila. Ningitian ko si Cal nang lumapit siya sa'kin para tulungan akong ilagay ang plato na puno ng slice bread sa lamesa. "Excited na akong makita ulit si Empress." Masiglang sabi ni Marga. Napatingin naman kami nang biglang nagpakita si Deimos sa harap namin kaya muntik na akong atakihin. Para naman siyang multo. Kung saan-saan lang sumusulpot. "Tangina, bro. Nakakagulat ka naman." Sabi ni Dion. Hindi siya pinansin ni Deimos at kumuha lang ng isang slice bread at kinain ito. Hudyat na kumain na kami ay nag-unahan agad kaming kumuha. "Bobo naman, Dion. Inagawan mo pa talaga ako kahit may marami pa sa plato. Matakaw." Malakas na sabi ni Kie kay Dion. Kaming lahat ay nakatayo lang at pinaggigitnaan ang lamesa. Katabi ko si Cal sa right side tapos si Deimos naman sa left side ko. "Reklamo-reklamo ka pa diyan. Kumuha ka nalang ng bago." Binelatan ni Dion si Kie kaya inirapan nalang ni Kie si Dion at kumuha ng isang slice bread. Nang matapos kaming kumain at gawin ang lahat ng gawain, lumabas na kami dala ang mga bag namin. Madilim pa sa labas at nakikita pa rin yung buwan kaya napangiti ako. Guide us, mom. Naglakad kami sa gitna ng field para makalabas sa dorm building nang may naramdaman akong nakatitig sa'kin kaya napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa isang puno at may nakitang isang anino sa di kalayuan kaya napalunok ako. Tinitigan ko talaga ng mabuti at meron nga. "Okay ka lang, Sao?" Nagulat ako nang may naramdamang kamay a balikat ko at gulat na napatingin kay Marga na nagulat din ata sa biglaang pagtalon ko sa gulat. "A-Ahh oo. Sige tara na." Tinignan ko ulit ang aninong nakita ko at nawala na kaya binalewala ko nalang siya at sumabay na kay Marga sa paglalakad. "Arvana. Arvana. Arvana." Mahinang sabi ni Marga kaya napangiti ako. "Anong klaseng lugar ang Arvana?" Tanong ko sa kanila. "A beautiful place above the clouds." Sagot ni Marga. "Maraming chix do'n." Sabi naman ni Dion kaya nabatukan siya ni Kie. "Kahit kailan talaga napakagago mo." Inis na sabi ni Kie at tumingin sa'kin na nakangiti. "Maraming weird species na nando'n." Napasingkit naman ang mata ko sa sinabi ni Kie. Anong weird ba? Yung color red yung balat? Yung malalaki yung mata? Yung malalagkit ang balat at kumakain ng mga insecto? Nandiri naman ako sa naimagine ko. Pero hindi naman patitirhin ng mga goddesses ang isang Empress kagaya nila 'di ba? Naglalakad na kami ngayon sa fountain nang may makitang isang van na black. 'Yan ba yung sasakyan namin? "Hop in." Napakurap-kurap nalang ako dahil sa sobrang cold ni Deimos. Sumakay na kami sa Van at ang magdadrive ay si Cal at ang nasa shotgun seat ay si Deimos. Pero nagulat ako dahil hindi pangkaraniwan yung nasa loob ng van. Pagkapasok mo palang ay mamamangha ka na dahil kahit sa van ay dapat sosyal din. Yung nasa pinakahuling parte ng van ay nandoon ang mahabang upuan. Sa harap nito ay may isang mahabang lamesa na gawa sa ginto. Sa gilid naman ng van ay isang mahabang upuan din pero hindi siya aabot sa likod ng driver's seat Dahil may isang maliit na divider doon at nasa taas ang isang maliit din na TV. Yung ceiling naman ay may shining shimmering siya sa taas. Para siyang Mga bituin kaya napangiti ako. May mga led lights din sa taas at pinapalibutan ang buong van pero hindi siya umiilaw. Nang pumasok ako sa van ay umupo ako doon sa pinakahuling mahaba na upuan at nasa tabi ng bintana pumwesto. Nabigla ako nang biglang umilaw yung buong van at kasabay no'n ang pag-ilaw ng led lights. "Hello, masters." Nagulat ako nang may biglang nagsalita na mukhang galing ata sa sasakyang 'to. Boses babae pa. "Hello, Allyx. We're going to Arvana. Can you show us the map?" Rinig kong sabi ni Deimos na nasa shotgun seat. "Right away, Master Deimos." Sagot ng van. Nakita kong napatingin sina Cal at Deimos sa harapan nila pero naagaw ng TV ang atensyon ko dahil bumukas ito at iniluwal ang isang map. "This is the map of the whole country. The Arvana is located after the kingdom of the Maggis. It is located above the clouds and it will take 2-3 hours to arrive there. Do you wish to go there?" Nagzoom ang map at ipinakita ang isang palasyo na lumulutang kasama ang mga ulap kaya napanganga ako sa sobrang ganda. Kunin mo na 'ko, Empress! "Yes please." Sagot ni Deimos at nagzoom-out na ang map at nakita kong may red dot na ang Arvana. Siguro dahil doon ang destinasyon namin. "Roger that, Master Deimos." Sagot ni Allyx. "Enjoy your travel, Masters." Naoff na ang TV at naging tahimik na kami. Nakita kong may pinindot si Deimos at ilang sandali ay off na ang ilaw ng van, except sa led lights. Napatingin ako sa labas at nakitang nagsisimula nang umangat ang araw kaya napangiti ako at tumingin na ulit sa loob ng van. Naramdaman ko na ang pag-andar ng makina ng van at nagsimula na kaming gumalaw. "Snacks everyone." Biglang sabi ni Marga at nilagay ang isang plastic bag na puno ng pagkain sa lamesa. Napatingin ako kay Kie na nasa isang side ng upuang inuupuan ko. Ngayon ko lang napansin na may isang drawer doon katabi ng pinto at napatingin ako sa picture frame na nandoon. Picture nila no'ng bata pa sila. Napangiti ako. I really never expected that I will meet them. "Anong ningingiti-ngiti mo dyan, Sao?" Napatingin ako kay Dion nang tawagin niya ako kaya napailing ako. Kumakain na sila ng chichirya kaya kumuha na din ako ng isang bag ng chichirya at binuksan ito at kinain. Nagkekwentuhan kami habang kumakain ng chichirya at binigyan din nila si Deimos ng isa. Si Cal ay focus lang sa pagmamaneho. Napatingin ako sa labas at napangiti dahil ang mga tao sa market ay nagkakagulo na kahit maaga pa. Napapatingin sila sa sinasakyan namin kapag dumadaan kaya tinuon ko nalang ulit ang atensyon ko kina Marga. "2-3 hours ba talaga yung byahe?" Bored na tanong ni Kie. "Allyx, sagutin mo yung tanong ko." "Yes, Master Aekishea." Sagot ni Allyx kaya napabuntong hininga si Kie. "Allyx, Night mode." Nabigla ako dahil mas lumiwanag yung mga bituin na nasa ceiling. Nagulat naman ako dahil biglang nawala ang lamesa at unti-unting gumalaw ang inuupuan ko at yung sandigan niya ay kapantay na ng inuupuan ko kanina. Para na siyang higaan. Hihiga na sana ako nang may nag-open bigla na drawersa ilalim ng upuan ko kaya binuksan ko ito ng tuluyan at may nakitang unan doon at kumot kaya kinuha ko na ito at isinarado ang drawer. "Dito ako na side tapos diyan ka." Napatingin ako kay Kie at tumango. Pumunta na ako sa side na sandigan pa lang kanina pero ngayon nahihigaan na. Nilagay ko na yung unan at humiga at nagkumot na. Bago ko pinikit ang mga mata ko ay nakita kong pumipwesto na din sina Styx at Marga habang si Dion naman ay nakaupo sa isang upuan na wala naman kanina. May ipinress lang siya na button at dahan-dahang bumaba ang sandigan niya hanggang sa makahiga na siya. Sa bandang paahan niya din ay umangat kaya hindi nakalaylay yung paa niya. Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko nang maramdaman na ang antok. • • • Naalimpungatan ako dahil sa sobrang ingay. "Bobo ba't mo'ko papahalikin sa sahig?" "Dare nga 'di ba? Bobo ka ba?" "Oh tuloy ang laro. Baka magsabunutan nanaman kayo diyan, e." Bumangon ako at kinusot-kusot ang mata ko. Napatingin ako sakanila na nakaupo sa sahig at nags-spin the bottle. "Good morning, Sao." Makangiting bati sa'kin ni Marga kaya ningitian ko siya. "Sali ka, Sao?" Tanong sa'kin ni Kie pero ngumiti lang ako at umiling. "Nood lang ako" Ngumiti siya sa'kin at tumango. Habang naglalaro sila ay napatingin ako sa labas at sumisikat na yung araw. Napangiti naman ako dahil sa ganda ng kulay ng mga puno. I just spend my time watching outside the window while they're still playing. May bigla akong naalala kaya kinuha ko ang bag ko. Kinuha ko ang slice bread na baon ko at kinain ito. Nanonood ako sakanila habang kumakain. Minsan ay sumasabay ako sakanila sa pagtawa. "We're already miles away to the exit of the Maggis' Forest, Masters." Biglang nagsalita si Allyx kaya napatingin ako sa labas at walang nakita kundi mga puno kaya ibinalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa loob. "Alam mo ba Sao na makapangyarihan ang mga Maggis? Tapos ang lagi nilang nakakalaban ay ang mga witches." Sabi ni Marga kaya napatitig ako sakaniya, naghihintay ng kasunod. "And since kalaban din naman natin ang mga witches ay naging kakampi natin ang mga Maggis. The councils and the Maggis signed an agreement na kahit anong mangyari, magiging allies pa rin ang dalawa." "So... Do they know na dumadaan tayo sa forest nila ngayon?" I asked. "Yes. They have a lots of hidden gadgets in the forest para malaman nila kung may dumaan at kung ano ang gagawin ng mga dadaan sa forest nila. At dahil nasa maliit na road na 'to tayo dumadaan, alam nilang hindi ang lugar nila ang destinasyon natin." Si Kie ang sumagot at tumayo. Nagkwentuhan lang kami ng ilang minuto nang biglang tumigil ang sinasakyan namin. "Ackkk! Nandito na tayo!" Nagmadaling lumabas si Marga kaya agad sumunod si Styx para bantayan si Marga. "Allyx, Normal mode." Sabi ni Kie kaya bumalik sa normal na upuan ang hinigaan namin kanina. Lumabas na ulit ang lamesa kanina at nawala na yung upuan na tinulugan kanina ni Dion. Naging normal na din ang ilaw ng mga bituin sa ceiling at nag-off na ang led lights. Pagkalabas ko ay agad kong nilibot ang paningin ko. Agad akong nagandahan sa paligid pero nawala ang ngiti ko nang may nakita akong mga di-kilalang nilalang sa harap namin. Nang makaparking na si Cal at lumabas na, sabay kaming lahat naglakad papunta sa dalawang nilalang na 'to. Pero muntik na akong napanganga dahil sa sobrang ganda nila. "Sila ang mga Nymphs. Sa Arvana ang tahanan nila dahil nakikita nila lahat ng may balak sirain ang mga puno sa kagubatan. Tho may iba't-ibang klase ng Nymphs." Sabi sa'kin ni Marga. "Told you, They're weird. They're so beautiful but they can kill you in an instant." Bulong ni Kie kaya napalunok ako sa sinabi niya. "What brings you here?" Walang emosyong tanong ng isang babae. "The Moon Academy sends us here to talk to the Empress." Cold na sagot ni Deimos. Isa-isa kaming tinignan ng babae at biglang ngumiti. "Welcome to Arvana. Enjoy your stay there." Sabi niya. "The service is right over there, Crescents." Sabi ng isa pang Nymph at itinuro ang isang gate kaya tumango kami sakaniya at naglakad na papunta sa gate. Binuksan ni Cal ang gate at napalaki ang mga mata sa nakita. Maraming mga malalaking dragon ang nandito. May color red, blue, iba-iba na. Napatingin ako sa isang dragon na kakarating lang at may bumabang isang babae doon. "Calliiii!" Sigaw niya at nagulat ako nang yakapin niya si Cal. "I missed you. Akala ko hindi na kayo babalik dito." Kumalas siya sa pagkayakap kay Cal at nakangiting tumingin sa'min. Tumigil ang mga mata niya sa akin kaya ngumiti siya ng malaki at lumapit sa'kin. "Hi! You must be new to the fam. I'm Ariel. I'm the Vice Mayor of the Nymphs. You?" Inilahad niya ang kamay niya kaya tinignan ko 'yon at nakangiting tumingin sakaniya at tinanggap ang kamay niya at nagshake-hands kami. "I'm Sao, Daughter of Luna." Pagkatapos naming magshake-hands ay nakita kong palihim siyang inirapan ni Kie kaya muntik na akong natawa. "Nice meeting you." Sabi niya. "Okay guys! Let's go to Arvana!" Una siyang sumakay sa dragon niya at tinawag-tawag si Cal kaya napabuntong-hininga siya at tumingin sa'min at awkward na ngumiti bago sumakay sa dragon ni Ariel. Napatingin ako kay Deimos na halatang siya ang makakasama ko sa pagsakay ng dragon at nakita ko siyang naglalakad sa isang kulay Black na dragon. "Sao tayo nalang partner. Ayaw ko kasama 'tong unggoy na 'to." Napatingin ako kay Kie na lumapit sa'kin at nakasunod si Dion sakaniya. "Parang hindi ka pa sanay na lagi tayong magkapartner kapag pumunta tayo dito." Pang-aasar ni Dion. "Tse!" Hinawi ni Kie ang buhok niya kaya yung iba ay nakain ni Dion. "Potangina lasang shampoo." Inis na sabi ni Dion. "Partner nalang tayo, Sao?" Nakangiting sabi ni Kie. "Tayo na nga lang. May kapartner na siya." Inis na sabi ni Dion na dahilan nang pagkahinto ni Kie. "Ay oo nga pala. Sige partner nalang kami ni diablo hehe." Sabi ni Kie at sinamaan ng tingin si Dion. "Walang tayo gago. Tara na nga lang." Kinabahan naman ako nang iwan nila ako. Napatingin ako kay Deimos at nakitang nakatingin na siya sa'kin kaya lumapit na ako sa dragon. "Hop in." Sabi niya pagkatapos niyang makasakay. Napalunok ako. "B-Baka mahulog ako." "Edi sasaluhin kita." I just stared at him for a few seconds and tilted my head a little. "Can you fly?" "What?" "Can you fly?" Pag-uulit ko sa pagtanong. "Why?" Balik tanong niya. "Kase diba sabi mo sasaluhin mo'ko 'pag nahulog ako? Kaya tinatanong kita kung makakalipad ka ba para maligtas ako." Bakit feeling ko lutang ako? "I can use this dragon anytime if you fall, lady." Bigla naman akong namula sa kahihiyan. Bakit ba kasi tinanong ko pa siya? E obvious naman na ang sagot. Lutang ngang talaga. "And don't you remember that wind is my power, Daughter of Luna?" Napayuko ako at tumango-tango. "S-Sorry naman hehe." Awkward akong ngumiti. He just chuckled. "Hop in." Inilahad niya ang kamay ko kaya dahan-dahan akong umakyat sa likod ng dragon. Nang makaupo ako ay biglang gumalaw ang dragon kaya mabilis akong napayakap sa bewang ni Deimos at pumikit. Naramdaman ko ang pagtigil niya pero mas importante ngayon ang buhay ko kesa dignidad ko. "Paliparin mo na para makarating na tayo sa Arvana." Sabi ko at sumandal sa likod niya. Naramdaman ko nang gumalaw ang dragon kaya mas napapikit ako dahil sa takot na mahulog. Ramdam kong nasa ere na kami pero hindi ko pa rin talaga binuksan ang mata ko. Sana talaga umabot ako sa Arvana ng buhay. Bigla kong naramdaman ang pagnormal ng paglipad ng dragon kaya nagtaka ako, pero hindi ko pa rin binuksan ang mga mata ko. "You can open your eyes now." Dahan-dahan kong inimulat ang mata ko tulad ng sabi ni Deimos at napalaki ang mata sa nakita. Sobrang ganda ng kalangitan. Hindi masakit ang tama ng sunlight at sobrang presko ng hangin. Sa tabi, baba at itaas na bahagi namin ay may mga ulap. Sinubukan kong hawakan ang mga ulap pero lumulusot lang sila dahilan para mapangiti ako. Hindi ko akalaing makakapunta ako sa himpapawid, katabi ang mga ulap na palagi ko lang tinitignan noon. Gumalaw na ang dragon pero nasa mga ulap pa rin ang tingin ko nang nakangiti. Hanggang sa pagdating sa Arvana ay nakangiti pa rin ako. "Kumusta ang biyahe?" Sabi ni Kie nang may pang-aasar na tingin. "Naamaze?" Sabi ko at tumawa. Nahagilap kong nakatingin sa'kin si Cal pero nang ngitian ko siya ay iniwasan niya lang ako ng tingin kaya nagkibit-balikat nalang ako at lumapit kina Marga. ♕︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD