7

3903 Words
Sao's POV Hindi ako makatulog kaya nandito ako sa veranda ngayon at dinadama ang hangin na dumadampi sa katawan ko. Napatingin ako sa baba kung saan kitang-kita ang mga taong bumibili at nagsasaya. Bigla akong napatingin sa labas ng boundery ng city at nakitang gumagalaw ang forest kaya napakunot ang noo ko. Tinitigan ko talaga ang bahaging 'yon at gumagalaw nga. Napatingin ako kay Cal na biglang dumating kaya ningitian ko siya at tinitigan ulit ang forest na gumagalaw. "Is it just me o gumagalaw talaga yung forest na nasa labas ng boundery?" Sabi ko. "It is moving." Napatingin ako kay Cal at tinignan niya din ako at ngumiti. "Let's get some rest." Sabi niya. "Aren't we going to report this to the councils?" Tanong ko. "Alam na nila. They don't sleep, afterall." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "What do you mean? Hindi sila natutulog?" "Yes." Tumango-tango siya. "Why?" "Don't ask me. I'm not part of the councils." Natatawa niyang ani kaya napatawa na rin ako at napatingin sa forest na nasa labas ng boundery. "Let's get some rest, Sao. I'm sure they'll send us to a mission tomorrow." Napatingin ulit ako sakaniya. "Mission?" "Yes. Mission." Pumasok na siya sa loob kaya sumabay na ako sakaniya. Sinarado niya na ang pinto at humarap sa'kin. "Goodnight, Sao." "Goodnight, Cal." Pumasok na ako sa kwarto at natulog na. Nagising ako at napatingin sa orasan. 5 am palang. Naligo at nagbihis na ako ng Maroon Cropped Polo top at skinny jeans at nagsuot ng black rubber shoes at sinuot ang pin at lumabas na. Napangiti ako dahil wala pang gising kaya napagdesisyunan kong ako nalang ang magluto. Pumunta ako sa kusina at inopen ang ref para kumuha ng pitong itlog, pitong ham at pitong bacon. Nagluto ako ng garlic rice bago niluto ang mga ulam. "Our chef for today." May narinig akong mahinang boses sa likod ko kaya napatingin ako kay Deimos na nakatingin sa'kin. "Hi, Deimos. Maya-maya matatapos na rin 'to. Antay ka lang." Tumango lang siya at tumalikod na kaya pinagpatuloy ko na ang pagluto ko. "By the way, What's with that outfit?" Napalingon ako sakaniya na nakatingin sa sinusuot ko kaya napatingin din ako sa suot ko. "A-Ahh—" Naputol ang sasabihin ko nang may biglang kumatok kaya si Deimos na ang nag-open. "Hi. I'm Phoebe from Ambers. Pinapatawag po kayo ni Headmaster." Narinig kong sabi ng isang babae. "The Omegas?" Rinig kong tanong ni Deimos. "Yes po." "Tell Nereid we'll be there later." May narinig na akong sara ng pinto kaya pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko. "Done." Nilagay ko na sa lalagyan ang mga ulam at ang garlic rice at tinulungan ako ni Deimos na ilagay ito sa mesa. "Do you expect that Nereid will call us?" Napalingon ako kay Deimos sa tanong niya. "A-Ahh hehehe." Napakamot ako sa noo ko. "Hindi naman. Pero may gumalaw kasi sa forest sa labas ng boundery kagabi kaya sabi ni Cal sa'kin na expected nang may misyon." "You and Cal are together last night?" Naging seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako. "A-Ahh nauna akong pumunta sa veranda kagabi tapos ilang sandali dumating si Cal hehe." Bakit? May mali ba do'n? Kami nga magkasama kami sa veranda no'ng isang araw ah? He just nodded and continued what he is doing. Kinatok ko na ang kwarto ni Cal at ilang sandali ay bumukas ang pinto at iniluwal siyang magulo ang buhok at nakasuot lang ng sando at short. "Oh hi Sao." Ngumiti siya kaya napatingin nanaman ako sa dimple niya. "Breakfast is ready. Magready ka na rin kasi pinapatawag tayo ni Nereid." Tama ba sinabi ko? Nereid lang tinawag ko kay Head? "Okay." Ngumiti siya sa'kin. Pero bago niya sinarado ang pinto ay may sinabi siya sa'kin. "I told you, mission." Kumindat siya at sinarado ang pinto kaya napatawa nalang ako ng mahina at napailing. Kinatok ko ang pinto ng kwarto ni Styx na siyang katabi ng kwarto ni Cal. Bumukas ang pinto at iniluwal si Styx na nakapangtulog, may yakap-yakap pang unan. "Hi." Inaantok niyang sabi. "Breakfast is ready." Ningitian ko siya. "Pinapatawag din tayo ni Nereid kaya magready kana." Parang naenergized siya nang marinig ang sinabi ko. "Mission? Yes! Sige bye!" Nagulat ako nang bigla niyang sinarado ng malakas ang pinto kaya napakurap-kurap ako. What just happened? Sunod kong kinatok ay ang kwarto ni Dion. Bumukas ito at iniluwal si Dion na naghikab pa. "Tangina naman Kie— Ay hi Sao." Nagulat ata siya dahil hindi si Kie ang kumatok kaya napatawa ako ng mahina at ningitian siya. "Magready kana dahil pinapatawag tayo ni Nereid." Sabi ko. "As in now na? Kailangan ko pang magpapogi." Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Kakain pa tayo before tayo pupunta do'n kaya mag-ayos kana." Tumango-tango siya sa sinabi ko. "Sige Sao. Mag-aayos lang muna ako ah? Bye!" Sinarado niya na ang pinto niya kaya pumunta na ako sa kaharap ng kwarto niya, kay Kie. Kumatok ako at ilang sandali ay bumukas ito at iniluwal si Kie na nakasuot ng pantulog at halatang nagmamadali. "Gago hindi ako nakapagluto—" Napatigil siya nang makita ako at ningitian. "You need anything?" "Breakfast is ready." "Ikaw nagluto?" Tanong niya at tumango ako. "Ah sige wait lang." Isasara niya na sana ang pinto niya pero tinigilan ko sya. "Bakit?" "Mag-ayos ka na rin dahil pinapatawag tayo ni Nereid." "Goods. First mission of the year." Nagsayaw-sayaw pa siya bago natawa at sinarado ang pinto. Napailing nalang ako at naglakad ulit. At kinatok ko na ang kwarto ni Marga. Bumukas ito at iniluwal si Marga na suot ang pantulog niyang may design na hello kitty at may yakap na unan na hello kitty. "Breakfast is ready." Tumango-tango siya at ngumiti sa'kin. Halatang bagong gising talaga. "Pinapatawag din tayo ni Nereid kaya magready kana." Dagdag ko na nagpadilat ng mata niya at tumingin sa'kin. "Really?" "Mmm!" Sagot ko. "Yey mission!" Tumalon-talon pa siya at ngumiti sa'kin. "Bye!" Sinarado niya na ang pinto niya. Do they really expect that Nereid will call us for a mission? Bumalik na ako sa Dining Area at nakita si Deimos doon na nakatingin sa labas ng veranda. "Mag-ayos ka na muna, Deimos. Ako na bahala dito." Ningitian ko siya na siyang tinanguan niya at naglakad papunta sa kwarto niya at pumasok. Umupo ako sa upuan ko at tinitigan ang mga pagkain. Ilang sandali ay may narinig akong bumukas na pinto kaya napatingin ako kay Cal na nakasuot na ng Black T-shirt, jeans at nakasuot ng black rubber shoes. "Ay iba din." Napatawa siya at umupo sa upuan niya. "Wala pa ang iba?" Tanong niya. "Naliligo pa ata yun. Si Deimos naman bumalik sa kwarto niya para mag-ayos. Tapos na ata yun maligo kanina kasi basa yung buhok niya kanina paglabas niya sa kwarto niya." Sabi ko kaya tumango-tango siya. "Good morning!" Biglang bumukas ang kwarto ni Kie at iniluwal siya na nakasuot ng White T-shirt, Brown cargo pants at Black shoes. "Ay naka-outfit din." Sabi niya sa'min kaya napatawa kami. Pero napalingon din agad kay Dion na lumabas galing sa kwarto niya na nakasuot ng White Polo, jeans at black rubber shoes. "Dapat ba na nakasosyal na damit habang nasa misyon?" Natatawang ani ko. "Oo para pogi tayo." Sagot naman ni Dion na agad nabatukan ni Kie. "Syempre para mayaman tayo tignan kahit nasa misyon oo." Sabi ni Kie kaya napatawa ako. Napatingin kami kay Marga na lumabas sa kwarto niya na nakasuot ng white sando croptop, green cargo pants at black shoes. "Pansin ko lang ha? Ba't lahat tayo nakablack shoes?" Napatingin sila sa mga sapatos nila at natawa. Sabay na lumabas si Styx at Deimos. Naka Black T-shirt silang dalawa pero naka-jeans si Styx habang naka cargo pants naman si Deimos. Naka Black shoes din sila. Umupo na sila at nagsimula na kaming kumain. "Anong misyon kaya ang gagawin natin?" Sabi ni Marga at tumili. "Maybe going outside the City." Sagot ni Cal kaya napatingin ang lahat sakaniya, naghihintay ng sagot. "Sao and I saw last night that the forest outside the boundery is moving." Pag-explain niya. "Ano kayang nando'n bakit gumagalaw yung mga puno doon?" Sabi ni Dion. "Maybe someone is spying on us." Sabi ni Deimos. "Or maybe someone is making their move as part of their plan." "If that is true, Anong kailangan nila sa lugar natin?" Sabi ni Cal. "Maybe they wanted to control the whole Mortal Realm?" Sabi naman ni Kie. "Let's finish our foods first and we'll go to Nereid's office." Sabi ni Deimos kaya napatango kami at tinapos ang pagkain namin. Nang matapos kaming kumain ay pumunta na kami sa office ni Nereid. Habang naglalakad kami ay napansin ko ang mga estudyante na parang may hinahanap. Lumapit kaming pito sa isang babae na nasa gitna ng field at hindi mapakali. "Excuse me," Nang lumingon siya sa'min ay nalaman ko agad kung sino siya. Siya yung kaibigan ni Megan na nanghingi ng pasensya sa'min no'ng binastos ako ng kaibigan niya. "Anong nangyayari?" Tanong ko. "Nawawala po kasi si Megan, e. Kaninang alas tres ng madaling araw pa namin siya hinahanap pero hanggang ngayon wala pa rin siya." Sagot niya kaya nagkatinginan kaming pito at tumingin ulit ako sakaniya. "Thank you. We'll search for her." Ningitian ko siya at nagpaalam na para habulin ang anim na nauna nang tumakbo. Nang makahabol na ako sakanila ay nagkatinginan kami ni Kie. "Ano ba kasing ginawa ng babaitang 'yon kaya siya nawala?" Inis na sabi ni Kie. Nang makarating kami sa tapat ng office ni Nereid ay agad binuksan ni Deimos ang pinto at nakita namin si Nereid na nakatingin sa'min. "You're late—" "Why's that Meriam from Sapphire is missing?" Pagputol ni Deimos kay Nereid. "That's why I called you earlier to tell you this pero antagal niyong dumating." Sagot ni Nereid. "And the student's name is Megan, Deimos. Not Meriam." "So how about the forest outside the boundery?" Tanong naman ni Cal. "So you already knew about that." Sabi niya at itinukod ang magkabilang braso sa lamesa niya. "Tatlo sainyo ang pupunta sa labas ng boundery at apat sainyo ang hahanap kay Megan Martin." Sabi niya. "Aekishea, Dion, Margaret and Styx, kayo ang maghahanap kay Megan Martin. Together with some Sapphires, hahanapin niyo siya sa buong school at sa forest inside the school. Pwede niyo ding pasukin ang Mist Forest kung kailangan. But be careful." "Callisto, Sao and Deimos, kayo ang lalabas ng boundery para tignan kung ano ang nandoon at bakit kagabi pa gumagalaw ang mga puno do'n. Be careful. Lalo ka na, Sao." "Yung apat na Sapphires na tutulong sa paghahanap kay Martin ay nasa labas na." Dagdag ni Nereid. "You can start the mission right away." Tumango kami kay Nereid at lumabas na. "Ingat kayo, Sao." Sabi ni Marga at ngumiti kaya tumango din ako sakaniya at ngumiti. "Let's go." Napalingon ako kay Deimos na hinawakan ang kamay ko kaya pumikit agad ako. Naramdaman kong umikot ang kapaligiran at ilang sandali ay naramdaman ko na ang sahig. Nahilo ako kaya napahawak ako sa ulo ko at napahawak sa balikat ng katabi ko. Nang mawala na ang hilo ay umayos na ako ng tayo. Napatingin ako sa harap namin at lumaki ang mata sa nakita. My home! Napatingin ako kay Deimos at tinignan ng bakit-dito-kami-nagteleport-look. Napatingin din siya sa'kin nang maramdaman ang titig niya. "I can't teleport infront of the boundery entrance because of the mist kaya dito ako nagteleport dahil ang barangay na ito ang pinakamalapit sa Entrance, kahit malayo pa rin kung lalakarin." Sabi niya. "Ahh." Napatingin ulit ako sa barrio namin at napangiti. This is where I grew up. "Dito ka nakatira noon?" Tanong ni Cal kaya tumango ako at ngumiti. Unang pumasok si Deimos kaya sumunod kami ni Cal. Napangiti ako dahil lahat dito ay pamilyar na sa'kin. "Oy Sao! Kumusta?" Napalingon ako at nakita si Axel na anak ni Aleng Myrna na guro namin noon. "Okay lang naman. Kayo dito?" Balik tanong ko at tumigil sa harap ng sari-sari store nila. "Okay lang din." Sagot niya. "Balita ko nasa Academia ka na daw nag-aaral." Napangiti ako. "Oo." "Let's go." Napatingin ako kay Deimos na seryoso ang tingin sa'min ni Cal kaya lumingon ulit ako kay Axel at ngumiti. "Sige Xel. Pakikumusta nalang si Ma'am Myrna para sa'kin." Hinablot na ni Deimos ang braso ko kaya hindi ko na narinig ang sagot ni Axel. "Saoooo!" Nagulat ako dahil may biglang lumapit sa'kin at yumakap. "F-Fre, hindi ako m-makahinga." Napatawa naman siya at kumalas sa pagkakayakap sa'kin. "Ang gara na ng suot mo ah? Kumusta ang buhay doon sa loob? Sosyal ba? Maganda ba?" Sunod-sunod na tanong niya. "Masaya naman ang buhay doon. Mapayapa." Sagot ko. "May mga chandelier din doon. Sobrang laki ng nasa loob tapos anlaki na ng kwarto ko. Anrami ko nang mga sosyal na bag tsaka damit. Masaya." "Kaninong descendants ka ba?" Tanong niya. "Anak ako ni Luna." "Ha???" Bigla siyang napasigaw kaya natawa ako. "Sige mag-uusap nalang tayo soon. Nagmamadali kasi kami, e." Sabi ko. "Ha? Saan ba kayo papunta?" Tanong niya. 'Don't tell her.' Narinig ko ang boses ni Cal sa isip ko kaya tumango ako. "Mamamasyal? Hehe. Sige na bye!" At hinila nga agad ako ni Deimos at nasa gilid ko lang si Cal. Napatingin ako sa bahay namin at kusang napangiti. Maliit lang ito pero sobrang rami ng mga alaala ang nandiyan. Pero napayuko ako nang maalalang wala na diyan si ina. Nang makarating kami sa dead end ay napatingin ako kay Deimos na luminga-linga na para bang chinecheck kung may tao ba o wala. "Anong gagawin natin—" Naputol ang sasabihin ko nang biglang naglakad si Deimos patungo sa pader at biglang lumusot. Napakurap-kurap ako sa nakita ko. What just happened? Ilang years na akong nakatira sa barrio namin pero may secret place pala dito? Sabay kaming pumasok ni Cal at bumungad sa'min ang isang daan at ang sa gilid nito ay forest. "Tayo lang ang nakakaalam na may daan dito patungo sa boundery entrance." Sabi sa'kin ni Cal. "Paano kung may nakakita sa'tin kanina?" Tanong ko. "Oh! don't worry. Ang mga bahay na katabi ng dinaanan natin kanina are warriors from the academy." Sagot ni Cal kaya tumango-tango ako. "Kaya siguro dito pinili ni Luna na tumira kami kasi maraming warriors ang nandito, tulad ni ina." Tumango-tango lang si Cal bilang sagot. "Move faster, you two. It's getting dangerous already." Agad kaming napatakbo ni Cal para habulin si Deimos na sobrang bilis maglakad. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Dangerous? Napalinga-linga ako sa kapaligiran at napagtantong mas kumakapal na yung mist. Sana pala kina Kie nalang ako sumama. Pero na c-curious ako kung ano yung nasa labas ng City. Ilang minuto ang nakalipas na naglalakad lang kami sa isang marmol na sahig, ay huminto na nga si Deimos kaya napahinto rin kami. Napatingin ako sa likod ko at nakita ang gate ng Entrance papuntang City. Napatingin naman ako sa harap ko at walang nakita kundi mist. Nagsimulang maglakad si Deimos kaya sumunod lang kami sakaniya. Nang makapasok kami sa mist ay wala ka talagang makikita kundi mist lang. Kinabahan ako dahil hindi ko na makita kung nasa'n sina Deimos at Cal nang may naramdaman akong kamay sa likod ko. Napatingin ako sa gilid ko at napasinghap nang malamang si Deimos ito. Hindi ako mapakali dahil habang naglalakad kami ay parang may tumutunog sa iba't-ibang direksyon. "Cal? Nandiyan ka pa ba?" Pagchecheck ko kay Cal. Baka kasi kinuha na siya ng aswang. "I'm here." Biglang lumitaw si Cal sa kabilang gilid ko at napatingin sa kamay ni Deimos na nasa bewang ko. Inalis na ni Deimos ang kamay niya sa likod ko at tumingin sa'min. "Malapit na tayo." Sabi niya kaya tumango kami ni Cal. Tumabi sa'kin si Cal at ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan nang mawala ang mist sa paligid namin at napahingal sa kakulangan ng hangin habang naglalakad palabas. Pero napatigil din nang makita ang labas ng city. It's freaking beautiful! Iba-iba ang kulay ng mga puno. Kung sa forest do'n sa academy ay yellow o di kaya green, dito may orange, yellow, violet, green, and even white. Hindi kasi ako tumatambay sa veranda kapag umaga, e. Sa gabi lang kaya hindi masyadong kita ang colors ng mga puno. Nagkatinginan kaming tatlo pagkatapos ng ilang minuto. "I think the moving trees is right there." Tinuro ni Cal ang kanang bahagi ng kagubatan at tumango si Deimos bago naglakad. Sobrang laki ng hakbang nilang dalawa kaya takbo-lakad ako para makahabol sa kanila. "T-Teka nga!" Napapigil ako at huminga ng malalim. "Pwede bang dahan-dahanin niyo rin paglalakad niyo?" Huminto rin sila at tumango kaya naglakad na ulit ako para magkasabay kaming tatlo maglakad. Ilang minuto na kaming naglalakad at walang nagsasalita sa'min. Ang tanging nag-iingay ay ang mga tuyong dahon na naaapakan namin at ang mga puno na sumasayaw dahil sa hangin. "Are you really sure it's here, Callisto?" Binasag ni Deimos ang katahimikan at seryosong tinignan si Cal. "Yes. Right, Sao?" Gulat naman akong napatingin kay Cal nang bigla niya akong damayin. "E-Ewan ko. Ba't ako tinatanong—" Napatigil ako sa pagsasalita nang may narinig na impit sigaw ng isang babae. "Do you hear that?" Sabay kaming tumango ni Deimos kaya nagkatinginan kaming tatlo. "Let's go there." Tinuro ni Cal ang isang sulok ng kagubatan at agad namin iyong tinakbo. Habang papalapit kami ay papalakas ang sigaw ng babae kaya kinabahan ako. Ba't siya napunta dito? May nakita akong isang babae na nakatali sa isang puno at may takip sa bibig. Malayo-layo pa siya kaya hindi ko maaninag kung sino siya. Nang makalapit kami ay napagtanto ko kung sino siya. "Megan." Tila nanlumo ako sa nakita. Balot na balot siya ng sugat at pasa. "Why are you here?" Nag-aalalang tanong ko. Tinanggal ni Deimos ang tali at kinuha ni Cal ang takip sa bibig niya. Bahagya akong nagulat nang bigla niya akong niyakap at umiyak sa balikat ko. "Akala ko mamamatay na ako dito." Humihikbi niyang sabi kaya hinagod ko ang likod niya. "Nandito na kami, Megan. You're already safe with us." Kinalas ko ang pagkakayakap namin at kumuha ng panyo sa bulsa ko at binigay 'yon sakaniya na tinanggap niya at pinunas sa kaniyang mga luha. "Bakit ka napunta dito?" Tanong ni Cal habang si Deimos ay nakatingin lang kay Megan na nakahalukipkio ang mga braso sa dibdib. "N-Nasa library kasi ako kagabi d-dahil may binabasa ako tungkol sa history. T-Tapos..." Napalunok siya. "Tapos?" Tanong ko. "Tapos... Nakatulog ako sa library." Tinuyo niya ang luha na pumatak mula sa mata niya gamit ang panyo ko. "P-Pagkagising ko, Nandito na ako. Sobrang takot ako kasi madaling araw pa lang yun at natagpuan ko na ang sarili ko na nakatali sa puno." "T-Tapos may nakita akong mga goblins tapos sinaktan-saktan nila ako." Umiyak ulit siya kaya hinagod ko ang likod niya. "Deimos, uwi na tayo. Para mapagamot na din yung mga sugat niya." Tinanguan niya ako at nagsimulang maglakad. Tinulungan ni Cal si Megan na maglakad habang ako ay nasa likod nila, tumutulong 'pag nawawalan sila ng balanse. Nang may biglang pumasok sa utak ko. "S-Sina Kie." Bulong ko at tumingin kina Deimos at Cal. "Sina Kie! Bilisan natin. Baka pumasok sila sa Mist Forest sa paghahanap kay Megan. 'Di ba delikado do'n?" "They're strong but..." Cal sighed. "It's still dangerous to go inside that forest." "Deimos," Tinawag ni Cal si Deimos. "Help me carry this girl. We have to arrive at the academy before they can enter the forest." Tinulungan na ni Deimos si Cal na alalayan si Megan maglakad. Nang makarating kami sa Entrance ay sinigurado kong walang nakasunod sa'min at sumunod sakanila. Kinabahan ako nang bigla silang mawala sa paningin ko dahil sa mist pero naglakad nalang ako sa kung saan. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas sa mist at nakita ang tatlo na naghihintay sa'kin. "Tara na." Sinakay na ni Cal si Megan sa likod niya at nagsimula na kaming tumakbo. Mas kumakapal yung mist na nasa gilid namin kaya mas binilisan pa namin ang pagtakbo bago pa sakupin ng mist ang buong lugar. Humihingal kami pagkatapos makalusot sa secret border dito sa barrio namin. Napaupo ako sa sahig nang biglang hinablot ni Deimos ang kamay ko kaya napatayo ulit ko. Naramdaman kong umiikot ang paligid at ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang sahig. Wala akong naramdamang hilo dulot ng matinding kaba na nararamdaman ko. Nasa harap kami ng mist na nakita ko nung kakapasok ko lang dito. Dito pala yung Mist Forest. Akmang papasok na ako nang may biglang pumigil sa'kin. Napatingin ako sa kamay ni Deimos na nakahawak sa braso ko. "Bakit?" "It's too dangerous to go inside." Sabi niya. "Pero sina Kie—" Naputol na ang sasabihin ko nang makita sina Kie sa di-kalayuan. "Sao? Deimos? Cal?" Sabi ni Marga at lumapit sa'min. "Anong ginagawa niyo dito—" Napatingin siya kay Megan. Napatingin ako kay Megan na nahimatay na dulot sa matinding pagod. "Dalhin na natin 'yan sa clinic." Agad kaming sumang-ayon at dinala si Megan sa clinic. "Hi, Omegas—" Nagulat si Doc Shie nang makita si Megan na walang malay kaya pinalagay agad siya sa isa sa mga cubicles. Nasa labas na kami at naghihintay kay Doc nang biglang dumating ang kaibigan ni Megan. "Asa'n siya?" Umiiyak siya pero mukhang hindi niya napapansin yun sa sobrang taranta. "Hey," Pagtawag ko sa atensyon nito. "She's going to be okay. Mmm?" "Saan ba kasi siya napadpad? Anong pumasok sa isip niya at—" Napatingin kami kay Doc na lumabas na at lumapit sa'min. "She's okay for now. She just need some rest and she will be okay." Sabi nito na nakapaghinga ng maluwag sa'kin. "Pwede ko po bang makita ang kaibigan ko?" Tanong ng kaibigan n Megan. "Of course, Ms. Arevalo." Sinundan niya ng tingin si Arevalo na agad tumakbo kung saan lumabas si Doc. Tinignan kami ni Doc Shie at tinanguan kaya tinanguan din namin siya bago lumabas. Papunta na kami sa office ni Nereid at rinig na rinig ko pa rin ang reklamo nina Kie, Dion st Styx. "Lame Mission." Bulong ni Styx. "Tanginang mission na yun. Hindi ko man lang naenjoy." Sabi naman ni Dion. "Ano ba kasing ginagawa ng babaeng yun sa labas ng boundery? Gago'ng 'yan! Hinanap-hanap pa namin siya sa buong skwelahan. Napagdesisyunan pa naming papasok sa Mist Forest para lang hanapin siya tapos... NASA LABAS LANG SIYA NG BOUNDERY?!" May ibang napatingin sa direksyon namin dahil sa biglang pagsigaw ni Kie. "Kalma, Kie. Ang importante, tapos na yung misyon." Pinapakalma ni Marga si Kie na gumana naman. Pagkadating namin sa office ay binuksan agad ni Deimos ang pinto at nakita namin si Nereid na may sinusulat. Napatingin naman siya sa pinto nang maramdaman niya ang presensya namin. "Learn how to knock, Omegas." Seryosong sabi niya kaya bigla akong kinabahan. Umupo na kami sa upuan at nireport na ni Cal ang mga nangyari sa labas ng boundery. Nang matapos sa pagsasalita si Cal ay tumikhim si Nereid at seryoso kaming tinignan. "Prepare for tomorrow, Omegas. Because you're going to Arvana." "The Domain of Empress." Rinig kong bulong ni Marga kaya napalunok ako. "Hand this paper to her." May ibinigay siyang isang pirasong papel kay Deimos na nakatiklop. "For now, rest, Omegas. Then prepare for tomorrow." Ningitian niya kami pagkatapos. "That's all. You can now go back to your dorms." ♕︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD