6

2489 Words
Margaret's POV Kanina pa ako nakahiga sa kama ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Ano bang pwedeng gawin? Maglaro? Magtimpla ng gatas? Matulog? Pero hindi nga ako makatulog, e! Kaya naisipan kong tumayo at lumabas ng kwarto. Tama! Papahangin ako sa veranda. Habang naglalakad ako papuntang veranda ay may narinig akong boses galing do'n kaya napahinto ako para pakinggan sila. "I insist. I'm sure you really need this song to realize how cruel you were to that person." Sao? "I said—" Narinig ko ang boses ni Deimos pero hindi na natuloy dahil biglang kumanta si Sao. Nang marinig ko ang boses niya ay napangiti ako dahil sa ganda ng boses niya pero napakunot agad ang noo nang biglang sumakit yung ulo ko kaya napapikit ako sa sakit at hinawakan ang ulo ko. Mas sumakit lang ito kaya napaupo ako sa sahig nang may bigla akong nakitang mga imahe kahit nakapikit ako. It is my mom. Drinking and laughing with the other goddesses and some... Guys? Bigla akong napaluha at umiyak ng tahimik. Paano... Paano niya nakayanang maging masaya kahit na naghihirap na yung anak niya? Napabukas ang mga mata ko nang mawala na ang imahe kasabay ng sakit ng ulo ko. Napatingin ako kung saan ang daan papuntang veranda at naramdaman kong hindi tumitigil sa pag-agos ang luha ko. Tapos na ring kumanta si Sao kaya napahinga ako ng malalim. Kung kapangyarihan niya 'yon, Sobrang galing. Pero nakakasakit. Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa kwarto ko at umiyak ng umiyak sa higaan ko. I'm always asking her for advice why am I so weak o kung ano yung gagawin ko para maging malakas pero siya, tumatawa lang na parang hindi niya alam na may dinadamdam ako. I'm weak. I really am. Simula bata ay nandito na kami pero hanggang ngayon, nagpaprogress pa rin ako. Na kahit anong pilit ko, Hindi ako magiging malakas katulad ng iba. Si Sao nga, ilang weeks palang nandito pero agad na lumabas yung kapangyarihan niya. Actually, Noong first training niya pa lumabas yung kapangyarihan niya. Pero ako, Hindi ko pa masyadong nakokontrol ang kapangyarihan ko. Na kahit pagkokontrol sa utak ng kalaban ay grabeng concentration pa yung gagawin ko bago magawa. Minsan pa nga ay hindi ko tuluyang makontrol yung utak ng iba. Yung pagsusummon ko nga ng mga krystal ay minsan hindi ko nakokontrol. Pinunasan ko ang mga luha ko pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-agos. Huminga ako ng malalim at napatingin sa kisame. Mom, I know you can hear me. Pa'no mo nagawang magsaya at tumawa kahit alam mo na naghihirap ang anak mo? Gusto mo ba talagang makitang naghihirap ako? Ina ba talaga kita? Pinunasan ko ang luha ko at napaupo nang hindi na ako makahinga dahil may bumabara na sa ilong ko. Uminom muna ako ng gamot bago humiga ulit sa kama at umiyak nang umiyak hanggang sa nakatulog na. • • • Nagising ako sa katok ng pinto kaya napakunot ang noo ko at napaupo sa kama ko. Bigla ay naalala ko yung kagabi kaya may mamuong luha sa mga mata ko pero tumingin ako sa kisame at kinurap-kurap ang mga mata ko para hindi ito tumuloy sa pagtulo. Tumayo ako at pumunta sa pinto at ngumiti bago binuksan ang pinto at nakita si Kie na nakangiti sa'kin. "Breakfast?" Biglang nawala yung ngiti niya kaya alam kong nararamdaman niya nang malungkot ako. "Mmm! Hilamos muna ako ah? Hihi." Tumango siya kaya sinarhan ko na siya ng pinto at napasandal sa pinto at napaluha. Bakit anghirap magtago ng emosyon? Marami namang mga tao na marunong magtago ng emosyon. Bakit hindi ako kabilang sakanila? Bakit sobrang hirap para sa'kin magtago ng nararamdaman? Napahinga ako ng malalim at pumunta sa cr para magmumog at maghilamos. Pagkatapos kong punasan yung mukha ko ay lumabas na ako, nang nakangiti. "Good morning, Styx." Binati ko si Styx na una kong nakita paglabas ng kwarto. "Good morning— Bakit namamaga 'yang mga mata mo?" Napakunot yung noo niya at kalauna'y tinignan niya ako nang may pag-aalalang tingin. "Okay ka lang ba?" Napabuntong-hininga ako. Hindi ko pala talaga matatago yung nararamdaman ko. Mata ko palang yung titigan nila, alam na nilang umiyak ako kagabi. "Wala lang 'to. Naiyak kasi ako kagabi dahil sa napanood kong movie hihi." Pagrarason ko at ngumiti. "Kain na tayo." Hinila ko siya papuntang dining at umupo na sa upuan na lagi kong inuupuan. Ramdam na ramdam ko ang mga titig nila, lalo na kay Kie, Sao at Styx pero binalewala ko lang sila at kumuha ng pagkain at nilagay sa plato. "Ayaw niyo bang kumain?" Sabi ko sakanila kaya rinig kong bumuntong-hininga sila at nagsimula nang kumain. Pagkatapos kumain ay pumasok na ako sa kwarto para maligo. Pero habang nasa shower ako ay bigla akong naiyak kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong umiyak nang umiyak. "Bakit ba kasi kailangan kong maghirap?!" Napasigaw ako at sinabunutan ang sarili ko. Napaupo ako sa malamig na sahig at humagulhol. "Bakit mahina ako?" Naging mahina ang boses ko at pinunasan ang luha ko kahit agos lang ito nang agos. Ako ang source of energy nila. Ako ang laging nagpapasaya sakanila simula bata pa. Pero bakit hindi ko mapasaya yung sarili ko? Bakit kahit anong pilit kong maging masaya, Ayaw parin gumana? Huminga ako ng malalim at pinigilang maluha ulit. Dahan-dahan akong tumayo at pinagpatuloy ang pagliligo. Habang nagbibihis ay naalala ko ulit yung nakita ko kagabi kaya may namuong luha ulit sa mga mata ko pero pinigilan ko itong tumulo at tinapos ang pagbibihis. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nakitang sobrang maga nga talaga ng mga mata ko kaya napabuntong-hininga ako at lumabas. Hindi na ako nag-aksaya ng oras para iblow dryer o suklayan ang buhok ko. Kinuha ko lang ang bag ko na nakalagay sa mini sala ko at lumabas para makitang kompleto na sila. "Una na kayo. May gagawin pa kasi ako, e." Ngumiti ako sakanila. Sa totoo lang, gusto ko lang mapag-isa kaya pinauna ko na sila. Unang lumabas si Deimos kaya sumunod na yung iba. Naghesitate pang magstay sina Kie at Styx pero lumabas na rin. Ang nasa pinakalikod ay si Sao at siya ang pinakalast na lalabas pero nagulat ako nang bigla niyang sinarado ang pinto matapos makalabas si Styx. "Sao?" Humarap siya sa'kin at ngumiti. Bigla siyang lumapit sa'kin at tumigil sa harap ko. At ang pinakanakakagulat na ginawa niya ay... Niyakap niya ako. "I know you're in pain so I wanted to hug you to..." Kumawala siya at ngumiti. "To comfort you." Napaiyak na ako sa sinabi niya. "Hindi mo naman na dapat gawin to, e." Tumawa ako kahit na may tumutulo pa ring luha galing sa mga mata ko. "E gusto ko lang gawin e para gumaan man lang ng kahit konti 'yang nararamdaman mo." Napangiti ako sa sinabi niya at pinunasan ang luha ko. "The mother of the Omegas." Napatawa naman kami sa sinabi ko. "Make up-an kita?" Ngumiti siya. "Hindi naman ako magaling magmake-up pero... Try?" Natawa ako sa sinabi niya at tinanguan siya. Pumasok kami sa kwarto niya at napatango dahil sobrang linis nito. Walang nakakalat na mga gamit. Lahat nakahanay talaga. Pinaupo niya ako sa vanity niya at tinignan ang aking sariling repleksyon at mapait na napangiti. Nakita ko siya na kinukuha yung make-up kit niya at sinimulan akong make-upan. "Gusto kitang make-upan para... Hindi masyadong halata na umiyak ka kagabi." Tinignan niya ako at ngumiti bago ulit nagpatuloy. "Ikaw, may nangyari din sa'yo, no?" Gulat siyang napatingin sa'kin pero napatawa siya ng mahina. "Sabihin na nating oo. Pero okay naman na. Hindi ko na dinadamdam." Napapikit ako dahil nag-apply siya ng waterproof na eyeliner. "Done." Binuksan ko ang mga mata ko at tinignan ang aking repleksyon at napangiti sa nakita. Maliit na kolorete lang yung in-apply niya sa mukha ko pero sobrang elegante kong tignan. Simple but elegant ganun. Hindi nga masyadong nahahalataan na umiyak ako kagabi. "Sinong nagturo sa'yo magmake-up?" Ningitian ko siya. "Ewan. First time ko pang magmake-up ng isang tao. Kahit sarili ko nga hindi ko minimake-upan." Sabi niya. "Okay lang ba?" "Hindi." Napalungkot ang mukha niya sa sinabi ko. "Because it's perfect! Angganda kong tignan. Para akong isang living goddess gosh!" Napangiti siya sa sinabi ko. "Gabi-gabi nalang akong iiyak para make-upan mo'ko hihihi." Natawa naman ako nang mapasimangot siya. Nang bigla siyang mapatingin sa relo niya at tinignan ako. "Malapit na mag alas otso." Tinignan niya ako at nagtanguan kami at agad kaming lumabas para pumunta sa room. "Tangina sa'n kayo galing?" Tanong agad ni Kie pagdating namin na hinihingal. "Ay wow nakamake-up." "Sa dorm kami galing hihi." Ningitian ko siya at hinihingal na umupo sa upuan ko. Binigyan ako ng tubig ni Styx kaya ningitian ko siya at pinasalamatan at ininom ito. Timing at dumating din si Ma'am Sylvia kaya umupo na kami ng maayos. As usual, lahat ng mga tinuturo nila ay alam na namin. Kaya nang matapos ang klase ay agad kaming nag-inat. "Sa dorm nalang tayo kumain? Ako magluluto." Sabi ni Kie kaya tinanguan namin siya. "Oy sino pala yung nag-ubos ng salad ni Sao last weeks ago?" Napatingin kami kay Styx sa sinabi niya. "Halata naman kung sino, e." Sinamaan ng tingin ni Kie si Dion at inirapan ito. "Anong ako lang? Nung inuubos ko nga yung akin nakita kong kumuha ulit si Deimos, e." Napatingin naman kami kay Deimos na sinamaan kami ng tingin. Katakot talaga siya ih. Pero feel ko dumating na yung makakapagligaya sa lalaking 'to. Napatingin ako kay Sao na nakangiti habang nakatingin kina Dion at Styx na nag-aaway. Napatingin ulit ako kina Styx. "Konti lang yung nakain ko nun, e." Inis na sabi ni Styx. "E anong gusto mong gawin ko, isuka yun para kainin mo? Sabihin mo lang, gagawin ko." Tinignan ni Styx ng nakakadiring tingin si Dion at mahina siyang tinampal sa mukha. "Bilisan niyo diyan tangina magluluto pa ako, e." Sabi ni Kie at bigla nang nawala sa paningin namin si Deimos. Halatang nagteleport napapuntang dorm. Naglakad na kami papunta sa dorm at palihim akong napangiti nang marinig ang bangayan nila Kie at Dion. Ako ang source of energy nila. Pero ang hindi nila alam, Sila ang kasiyahan ko. Sila ang pamilya ko. My home. And just by seeing them happy makes me happy too. Pagkarating namin sa dorm ay nakita namin si Deimos na kumakain ng salad habang nanonood ng TV. "Hoy, Deimos! Sa'n yan galing?" Sabi ni Styx kaya lumingon si Deimos sa'min. "Tinago ko." Simpleng sagot niya at nanood ulit ng TV. "Oh, diba? Hindi ako ang umubos lahat. Nagtago pala siya para sa sarili niya." Sabi ni Dion na sinamaan agad ng tingin ni Deimos kaya tumiklop agad. Pumunta na si Kie sa kusina habang ako naman ay pumunta sa veranda para magpahangin pero agad ding bumalik sa loob dahil sa sobrang init. Nakita ko si Sao na kakalabas lang sa kwarto niya na nakasuot na ng oversized T-shirt at short. Wala kasi kaming schedule mamayang hapon kaya chill nalang kami ngayon. Napatingin ako kay Styx na lumapit sa'kin kaya ningitian ko siya. "Are you really okay?" Nag-aalalang tanong niya kaya tumango ako. "I'm happy when you're happy." Napatingin ako sa iba at kusang napangiti. Si Sao ay kumakain ng cracklings habang nanonood ng TV habang si Deimos ay nasa tabi ni Sao at inuubos ang salad niya. Si Cal naman ay nasa kitchen tinutulungan si Kie magluto. Si Dion naman ay namimili ng maiinom sa ref. "No, You're not. I know you, Margaret. At alam kong umiyak ka magdamag." Napatingin ako kay Styx. "Tell me if you're not okay so that I can help, okay?" Naalala ko yung nakita ko kagabi at napaluha ako kaya umiwas ako ng tingin kay Styx at pinigilang kumawala ang luha. "Yes, I'm not okay." Tumingin ako sa mga mata ni Styx at pinunasan ang luha na tumakas na sa mga mata ko. "Why can't I be strong like all of you? Bakit parang ipinagdamot ng mundo na maging masaya ako? Na maging malakas ako?" Napaiyak na ako. "Tell me, Styx. Why can't I be strong like you?" "You're strong, Marga. You can even control our minds." Sabi niya at pinunasan ang luha ko. "Please don't bring yourself down. You're strong. We survived up until now, because of you. If you're not here, maybe we're already depressed." "No. Kaya ko lang naman nakokontrol ang mga isip niyo dahil hinahayaan niyo lang ako." "No, Marga. It's your own strength and ability to force us to open minds for you to control us. Hindi ka namin hinayaang kontrolin kami. Malakas ka kaya nakokontrol mo kami." He said. "E bakit pakiramdam ko mahina ako? Pakiramdam ko—" "Shh. You're strong okay?" Pinunasan niya ulit ang luha ko at niyakap ako kaya tumahan na ako. "Are you okay, Marga?" Napatingin ako kay Cal kaya ngumiti ako at tumango. "Okay na ako hihi." Sagot ko at nagthumbs-up kaya huminga siya ng malalim. "Tell us if you're not, okay?" Tumango ulit ako kaya ngumiti siya sa'kin nagpaalam at umupo sa sofa sa tabi ni Sao at nanood ng TV. "You don't have to keep it to yourself, okay? Nandito lang kaming mga Omegas para damayan ka, Mmm?" Ngumiti ako kay Styx at tumango. "Lunch is ready!" Napatingin kami kay Kie nang bigla siyang sumigaw kaya lumapit na kami sakaniya at umupo para magsimula nang kumain. Nang matapos kami ay naghugas ng pinggan sina Styx at Dion. Habang nanonood ako ng TV ay bigla akong nilapitan ni Kie at biglang niyakap. "I love youu! Don't be sad na, okay?" Ningitian niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik. "Mmm!" "Ay ba't kayo kayo lang nagyayakapan diyan?" Napatingin kami kay Sao at patalon na niyakap kami. "Ambigat mo, Sao!" Napatawa kami ni Sao at kumalas na sa pagkakayakap. "Manood tayo horror?" Tumango kami nang magsuggest si Sao kaya nanood kami ng horror. "Waaahhh huhuuu ayaw ko naaaa!!!" Sigaw ko nang bigla nanamang nagpakita yung multo at tinakpan ang mukha ko ng unan. "Tangina sana pala hindi ako sumang-ayon kay Sao, e." Naging masama ang tingin ni Kie kay Sao na tinawanan lang kami. "Mga takot—WAAAAHH!" Nagulat din kami at napatingin sa screen na nasa harapan na ang multo do'n sa bida. "Tangina tumakbo ka gago!" Sabi ni Kie at tinuro-turo pa ang exit doon sa palabas. "Bobo ba't pa nadapa?" "Ikaw na maging director, Kie." Natatawang ani Sao kaya napatawa narin ako pero nawala din agad dahil hinabol na ng multo ang bida. At natapos ang panonood namin na palaging nagmumura si Kie. "Bobo lang. Sinabi na nung babae na bawal siya umakyat do'n e dahil may kababalaghang nangyayari do'n tapos pinuntahan niya pa." Sabi niya. "Relax na, Kie. Tapos na okay?" Natatawang ani Sao. "Nakakatakot yung mukha niya huhuu. Baka bangungutin ako mamaya neto." Natawa naman sila sa sinabi ko kaya napapout nalang ako. ♕︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD