5

3341 Words
Ilang weeks na din ang nakalipas at balik normal na kami. Balik klase na, balik training na. Nakikita ko naman na nag-iimprove yung combat skills ko. Mas madali na akong umiwas, pero mahina pa rin kung umatake. Hindi pala combat skills tawag do'n. Mas magaling kasi akong umiwas kesa umatake. Makakalaban mo ba naman ang dakilang leader ng mga Omegas. Syempre mahihirapan ka lalo na't baguhan ka palang. Hindi ko na talaga ulit sinubukang kumanta kasi baka mahilo ulit sila sa sobrang panget ng boses ko. Pero minememorize ko naman ang mga kanta sa libro na binigay ni Luna. Syempre sabi niya e na makakatulong daw yun sa pag-alam ko sa kapangyarihan ko. At ngayon ko nalamang nagsisinungaling si ina sa akin noon. Kinakanta ko ngayon ang kantang narinig ko kanina habang naglalakad ako pauwi galing sa eskwelahan. "You look so beautiful in white, tonight." Hindi ko alam ang tamang lyrics kasi napadaan lang naman talaga ako doon pero ayos lang kasi si ina lang naman ang makakarinig sa akin. "Ang galing talaga kumanta ng anak ko. Ba't hindi ka kaya sumali sa mga paligsahan kada pista dito anak?" Napalingon ako kay ina na nilapitan ako dito sa maliit naming sala. "Ikaw nalang po. Ayaw kong sumali sa mga ganiyan." Napatawa naman siya at ginulo ang buhok ko. "Kahit kailan talaga ay mahiyain ka. Hindi ka naman natatakot humarap sa mga tao kapag may sinasaktan pero bakit ayaw mong kumanta sa harap ng mga tao?" Tanong nito. "E iba kasi iyon, ina. Iba ang paghaharap sa mga tao kapag may pinoprotektahan ka at paghaharap sa mga tao dahil kumakanta ka." "Soon, anak, magagamit mo rin iyang boses mo, para protektahan ang mga taong mahal mo." Ngumiti siya kaya napakunot ang noo ko. Tatanungin ko sana siya nang marinig ang sigaw ni Freja sa labas at maglaro na daw kami kaya nagpaalam na ako kay ina. Napabalik ako sa wisyo nang may biglang dumaan na isang dagger sa gilid ng mukha ko kaya may naputol na hibla ng buhok ko. Napakurap-kurap ako. Am I distracted in the middle of a training? Napag-usapan na kasi namin ni Deimos na wala munang gamitan ng kapangyarihan dito at sumang-ayon naman siya. Except dun sa sinabi niya na manipis lang na hangin ang nandito. Pero nasanay na ata ang sistema ko dahil mas nakakagalaw na ako ng maayos nang hindi agad hinihingal. "You're distracted." Pagbibigay-alam niya at nagtapon nanaman ng dagger papunta sa pwesto ko kaya agad ko iyong iniwasan. "I know." Sabi ko at napaupo. Nag-iisip ako kung paano ko siya malulusutan para magcounter attack ako. Hindi pwedeng palagi lang akong umiiwas no? Pero habang nag-iisip ako ay iniiwasan ko din ang mga dagger na tinatapon niya. Anrami at sobrang bilis ng pagkakatapon niya kaya yung iba ay dumadaplis sa'kin o tumatama talaga. Parang umaalog ang utak ko habang iniiwasan ang mga daggers kaya hindi ako makapag-isip ng maayos. Napadaing naman ako sa sakit nang madaplisan ako sa kaliwang braso ko at napatingin sa braso kong dumudugo na. Pero pagtingin ko sa harap ay may nakita akong dagger na papunta sa mukha ko at anytime tatama na ito sa noo ko. Agad akong nataranta nang papalapit ito nang papalapit. Hindi ako makaisip ng paraan. Kung iiwas kasi ako, hindi na aabot dahil malapit na talaga sa'kin. May biglang pumasok sa isip ko kaya napahinga ako ng malalim at pumikit. Delikado itong gagawin ko dahil buwis buhay ito. Sana naman ay magawa ko dahil kung hindi, Tigok ako. Bumukas ang mga mata ko nang maramdamang malapit na malapit na ito sa akin. "What the hell are you doing? Umiwas ka!" Rinig kong sabi ni Deimos pero nakafocus lang ang tingin ko sa dagger. Nang makitang malapit na ang tip nito sa mukha ko ay agad kong ginalaw ang kanang kamay ko at agad hinawakan ang handle nito para pigilan ito na tuluyang tumama sa mukha ko. Napahinga naman ako ng maluwag nang maging successful ang plano ko at napaupo. Sobrang pressure no'n dahil sa sobrang kaba ko. Dagdag mo pa ang pakiramdam na may pares na matang nanlilisik na nakatingin sa'yo. "Are you insane?" Inis na lumapit sa'kin si Deimos at tinignan akong nakaupo. "What if hindi mo nahawakan yung handle at tumawa yun sa noo mo?" "Edi tigok." Naramdaman ko namang biglang bumigat yung hangin kaya nagpeace sign ako sakaniya. Inilahad niya ang kamay niya sa'kin na kinuha ko naman para makatayo. Anrami kong sugat at ngayon ko lang ito naramdaman dahil sa sobrang focus ko do'n sa dagger na yun. Sabay kaming pumunta sa clinic at natagpuan naman namin si Doc Shie na may kausap na nurse. Nang mapatingin siya sa gawi namin ay agad siyang nagmadali at pinapunta ako sa isa sa mga cubicle at pinahiga. "You don't have to abuse yourself, you know." Sabi ni Doc at naglagay ng ointment sa mga sugat ko. Ointment kasi ito na gawa pa sa isang minor God noon. "Magheheal din kaagad 'yan for a few minutes since, you Omegas have the blood of the Legendary Seven so madali talagang maghilom ang mga sugat niyo. But it doesn't mean you can take that as advantage to abuse your body just because you already knew that your wounds would only takes a minute to heal." Napasimangot naman ako dahil sinesermonan ako ni ni Doc Shie. "Pagsabihan niyo po si Deimos, hindi ako. Siya po kasi yung nagsabi sa'kin na araw-araw kaming magtetraining, e." Totoo naman talaga. Siya ang nagsabi sa akin na magtetrain kami araw-araw para daw lumakas ako kahit konti since mahina pa daw ako. "That kid." Napailing si Doc. "Stay here. I'll just talk to him." Tinanguan ko lang si Doc at lumabas na siya ng cubicle kaya humiga ako ng malalim at tumingin sa ceiling. Ilang weeks na akong nandito sa academy pero hindi pa rin ako sanay sa atmosphere dito. Sa tradition, sa pagkain, sa mga damit, lahat. Para kasing ang sobrang yaman ko na. Syempre, may Billion dollars ako sa credit card ko. Masaya naman ako pero namimiss ko yung buhay ko bilang isang normal na tao lang. Yung gigising ng maaga para tulungang magluto si ina tapos papasok sa eskwelahan, uuwi, ta's tutulong sa paghuhugas ng mga nilagyan ng mga ulam kaninang umaga. Noon lang ay pinangako kong maging mayaman kami. Ngayon na mayaman na ako, hindi ako masaya. I mean, masaya naman ako. Nakakalungkot lang dahil hindi ko kasama si ina. Ni hindi man lang ako nabigyan ng oportunidad na makapagpaalam sakaniya. Nang maramdaman ko nang naghilom na nga ng tuluyan ang ma sugat ko ay tumayo na ako sa pagkakahiga at lumabas sa cubicle, bagay na pinagsisihan ko. "I already told you about this, child. She's still a beginner. Could you atleast be gentle to her?!" "I am." "No, you're not. Ginawa mo nanaman ang mga ginawa mo sa ibang members mo noon. Pero bakit kay Sao araw-araw? Ha? Bakit sa iba every other day lang ang training?" "Because I can feel it, She's weak." Napahina ako sa sinabi ni Deimos at napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. "And I don't need a weakling like her. That's why I trained her hard." • • • Nakatulala lang ako sa kwarto ko, iniisip pa rin ang mga sinabi ni Deimos. Siguro nga ay mahina ako. Pero baguhan pa lang kasi ako. Is this his revenge because I shouted at him on the first day of class? Pero nagsorry na ako. At nagawa ko lang naman yun sa sobrang galit dahil sinaktan niya ng sobra si Cal. It's my first time that time to see a brutal training that's why I reacted that way. Nasanay ako na protektahan yung iba kapag sinasaktan sila. Pero hindi ko pala yun magagawa dito dahil, ika nga ni Deimos, Mahina ako. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayang nakatulog ako. Napatingin ako sa kalangitan at nakita ang buwan na lumiliwanag kasama ang mga nagkikislapang mga bituin. Napangiti ako sa ganda ng kalangitan. "It's beautiful, isn't it?" Tumango ako. Tumabi sa akin si Luna at umupo din habang nakatingala sa kalangitan. "I always create an illusion where I can also see my domain shining above the Earth even when the darkest times." Napatingin ako sakaniya na nakatingala pa rin. Napakatangos ng ilong niya. Mahahaba ang kaniyang pilok. Mabibilog ang kaniyang mata at pinkish naman ang labi nito. Natural lang siyang tignan pero sobrang ganda niya. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "That's why I'm here beside you. I wanted to comfort you because, well, that's what mothers do, right?" Napangiti ako sa sinabi niya. "I can't do it everyday though." Naging malungkot ang ngiti niya pero bumalik din naman ang masayang ngiti niya. "I'm sorry, honey. I know it will be hard but... " Huminga siya ng malalim. "Can I ask you a favor? Not from me, but from the Moon Goddess of Mars itself." Napalunok naman ako sa sinabi ni Luna. Kinakabahan ako. Ano ba ang ipapagawa? "You have to sing the 14th song in the book I gave you infront of Deimos for him to see what her mother is doing while he was cursing her all the time." Sabi niya. "Ako talaga ang pinakiusapan ni Hyleigh pero, hindi ako makababa nang dahil lang sa gano'ng rason kaya ikaw nalang ang pag-asa ko." "Pero ma, mahina ako. Hindi ko pa alam ang kapangyarihan ko. Paano ko mapapakita sakaniya yung ginagawa ng mama niya sa pamamagitan lang ng pagkanta?" Bumuntong-hininga ako. "At saka, ma panget ang boses ko." Napatawa naman si Luna at ginulo ang buhok ko. "You really have a beautiful, soft and manipulative voice, my dear." "E bakit sumakit yung ulo nila nang kumanta ako nung first training ko, sumakit yung ulo nila? Edi panget talaga yung boses ko." "No, honey. Hindi sila nahilo dahil sa Boses mo. I mean, nahilo sila dahil narinig ang boses mo pero hindi ibig sabihin no'n na panget na ang boses mo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "E ano?" "You will know sooner or later." Ngumiti siya sa'kin. Natahimik kami nv ilang minuto nang may biglang pumasok sa isip ko. "Ma, wala pa akong kapangyarihan kaya paano ko maipapakita sakaniya yung images kung kakanta lang ako? Bigyan mo nalang ako ng pictures." Natawa naman siya sa sinabi ko. "Don't worry, I'll lend you ny power." Napangiti ako at tumango. Pero ang totoo niyan, kinakabahan ako. Paano ba kasi e kakanta ako sa harap ng taong sinabihan ako ng mahina. Ano nalang kaya ang iisipin niya kung bigla akong kakanta sa harap niya? Bigla akong nagising dahil sa katok ng pinto kaya binuksan ko ito at nakita si Kie na nakangiti sa'kin. "Good morning-" Naputol ang sasabihin niya at kumunot ang noo niya. "Sorry for asking pero... Bakit malungkot at kinakabahan ka?" Napalunok naman ako sa tanong niya. "A-Ahh... " Hindi ko alam ang sasabihin ko pero napahinga ako ng maluwag nang ngumiti siya sa'kin. "It's fine. You don't have to tell me everything. Just call me when you need me, okay?" Ningitian ko rin siya at tinanguan. Sinara ko na ang pinto ko at naghilamos at nagmumog na bago lumabas. Napatingin ako sakanila at kusang napangiti. Pero napawi ito nang mapunta ang mga mata ko kay Deimos. Naalala ko nanaman kasi yung sinabi niya kay Doc Shie, e. Napabuntong-hininga nalang ako at lumapit sakanila nang nakangiti na para bang walang nangyari sa'kin. Umupo na ako sa tabi nina Marga at Kie at nakitang nagsasamaan ng tingin si Marga at Styx. "I-Is there something wrong?" Bigla akong kinabahan dahil iba talaga yung titigan nila. "E kinuha niya hotdog ko." Nakapout na sabi ni Marga at sinamaan ulit ng tingin si Styx. Bigla ay nilagay ni Styx sa plato ni Marga ang dalawang hotdog na galing sa plato niya at napapalakpak naman sa saya si Marga at binelatan si Styx. "Ay maduga! Kinontrol ang isip ko." Inis na sabi ni Styx kaya napangiti ako. "Serves you right. Kinuha mo hotdog ko, e." Binelatan ulit ni Marga si Styx. "Binigay mo sa'kin yun ng kusa." Panunumbat ni Styx. "Kinontrol mo ang katawan ko 'no? Huhuhu." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Marga. "But atleast nakuha ko ulit. Blehh!" Binelatan niya ulit si Styx na sinamaan nalang siya ng tingin. "Itadakimasu!" Biglang sumigaw si Dion at nagsimulang kumain. Sinamaan lang ni Kie ng tingin si Dion bago nagsimulang kumain. Which is strange. Hindi niya binatukan o ano si Dion katulad ng ginagawa niya lagi. Napatingin ako kay Deimos at bigla siyang napatingin sa'kin kaya bigla akong naluha kaya umiwas agad ako ng tingin at nagsimulang kumain. Bakit ba ako naluluha? Gago naman oh. Ewan ko. Tuwing nakikita ko lang siya, naaalala ko yung sinabi niya kay Doc Shie. "Because I can feel it, she's weak." "Because I can feel it, she's weak." "Because I can feel it, she's weak." Everywhere I go, I always hear what Deimos said to Doc Shie. Hanggang sa pagklase ay naririnig ko pa rin yung sinabi niya. Pero bigla kong naalala yung sinabi ni Luna sa'kin kaya naghalo-halo na ang mga emosyon ko. "Miss Amadeus, are you listening?" Napabalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ni Sir Aviano kaya umupo ako ng maayos at tumingin kay sir. "I'm sorry, sir. Please continue." Tumango lang sa'kin si Sir at nagsimula na ulit magdiscuss. 'You're spacing out lately. Are you okay?' Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa utak ko kaya napalingon ako kay Marga na nakatingin na din sa akin na may pag-aalala na mababakas sa mukha niya. 'I'm fine.' I tried to speak through my mind and I didn't thought it will be successful. 'Woah. You can use telepathy already.' Nakita ko siyang ngumiti. 'It's good to know.' I didn't even know that we can speak through minds only. Like, How can we do that? Hanggang tumatagal ako dito sa loob, mas lumalayo na ako sa reyalidad na nakasanayan ko sa labas. Napabuntong-hininga nalang ako at nakinig ulit kay Sir. Natapos na ang klase namin at himala dahil hindi ako nilapitan ni Deimos para sabihan na magtetraining kami ngayon. Napatingin ako sakaniya na nilagpasan lang ako at umunang lumabas sa room. "Nag-away ba kayo?" Napatingin ako kay Kie na lumapit sa'kin na may suot nang maliit na backpack kaya niligpit ko na ang mga gamit ko. "Hindi naman." Napalunok ako. Naalala ko na kaya palang malaman ni Kie ang nararamdaman ng isang tao kaya malamang alam niya ang nararamdaman ko ngayon. Nang matapos ko na ang pagligpit ay isinuot ko na ang maliit kong backpack sa likod ko at tinignan si Marga na lumapit sa'min. "She can use telepathy already." Bigla siyang tumili dahilan para mapatakip kami sa tenga namin. Napangiti ako dahil sakaniya. Para siyang stress reliver. Kapag naririnig mo siyang nagsasalita o tumitili, parang biglang nawawala yung problema mo. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Kie. "Really?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "It took me 1 and a half months to use and master telepathy. How can you do it in just... Just 3 weeks?" "First time lang naman yun. Hindi ko pa namamaster." Sabi ko. "Do you know that we're the only crescent who can use telepathy?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Marga. Crescent? And... Kami lang? "Hindi kasi kaya ng mga Jades, Ambers and Sapphires ang magtelepathy, e. Sinubukan daw nila pero hindi daw kaya ng kapangyarihan nila dahil sobrang sakit daw ng ulo nila habang sinusubukan nilang magtelepathy." Paliwanag ni Marga. "Madali lang naman ang paghanap ng connections between you and the person you want to talk through telepathy at nagawa naman nilang magconnect. Pero kapag sinubukan nilang magsalita, sumasakit bigla yung ulo nila. Kaya ayun." Dugtong niya kaya napatango ako. "Hindi pa kayo gutom?" Napatingin kami kina Styx na nasa labas na kaya sumunod na kami. • • • Kahit na memorize ko na yung kantang ikakanta ko sa harap ni Deimos ay kinakanta ko pa rin para siguradong hindi ko talaga makakalimutan. Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay agad akong bumalik sa kwarto para kantahin ulit 'yon. Hindi ko muna iniisip yung mga sinabi ni Deimos dahil mas importante sa'kin yung pinapagawa sa akin ni Luna kesa doon. Mas lumalamang din kasi yung kaba ko kesa sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nang makaramdam na ako ng antok ay nagtoothbrush na ako at nagdasal kay Luna bago natulog. 'Wake up, Sao.' Naalimpungatan ako nang may biglang nagsalita kaya kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at pinatong ito sa ulo ko na nakatagilid. 'Wake up, my dear. It's time to do your mission.' Napabalikwas ako nang marinig ang boses ni Luna. Nagsimula na ulit akong kabahan. Tumayo ako galing sa pagkakahiga at sinuot ang tsinelas ko at lumabas na. Madilim na sa sala pero nakikita mo pa rin ang mga sofa at ibang gamit dito dahil nakapasok dito ang liwanag ng buwan. Naglakad na ako patungo sa veranda at nakita si Deimos na nakatayo at nakatitig lang sa kawalan. Tumabi ako sakaniya at tumitig sa kalangitan. "Why are you still awake?" Rinig kong sabi niya. "Can't sleep. You?" Tinignan ko siya na nakatingin sa baba. Ang tanawin sa baba ay mailaw yung bawat tahanan at sobrang ganda tignan dahil sa iba-iba nitong liwanag. Wala akong natamong sagot mula kay Deimos kaya napalunok ako at tumingin sakaniya. "Do you... Uhh... Do you hate someone?" Tinignan niya ako ng blanko at tumingin ulit sa kawalan. "Yes." Napalunok ako. "D-Do you really hate that person?" Yumuko ako. "Why do you ask?" Napatingin ako sakaniya na masama na ang tingin sa'kin. "I just..." I almost stutter. ALMOST. "Nevermind." Tumingin ulit ako sa baba at huminga ng malalim. "Gusto mo bang kantahan kita?" Nakangiting sabi ko sakaniya kahit sobrang kinakabahan na ako. "No thanks." Sabi ko nga. "I insist. I'm sure you really need this song to realize how cruel you were to that person." Napalunok ako at tumikhim. "I said-" Naputol ang sasabihin niya nang kumanta na ako. Nakita ko siyang napahawak sa ulo niya habang kumakanta ako pero hinayaan ko lang siya. Pero bigla kong nakita na napahawak siya sa railings para makabalanse kaya muntik kong natigil ang kanta para tulungan siya. But I decided to continue the song. Nakita ko bigla na may tumulo na luha galing sa mata niya kaya malungkot akong napangiti. He's really in pain. Nang matapos ang kanta ay bigla siyang naghabol ng hininga. Tinignan niya ang mga kamay niyang nanginginig at tumingin sa'kin. "I-I'll just pretend I didn't saw that." That tears in your eyes. Alam kong lahat ng tao ay may sariling kahinaan pero hindi ko akalaing makikita ko ang leader naming ganito. "I-I..." Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin. "Thank you." "Hala 'wag ako pasalamatan mo. Si Luna. Kapangyarihan niya naman ginagamit ko hindi yung akin." Kumunot yung noo niya sa sinabi ko at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya kanina. "What do you mean?" Tanong niya. "Pinagamit ako ni Luna ng kapangyarihan niya para magawa 'tong misyon na 'to na galing pa mismo ni Hyleigh." Sabi ko. "But you used your own power." Sabi niya. Ehhhh??? "Totoo ba? Sabi kasi ni Luna papahiramin niya ako ng kapangyarihan-" And then I realized something. "Kaya ba sumakit yung ulo niyo nung kumanta ako nung first training ko hindi dahil sa panget ng boses ko kundi kapangyarihan ko yun?" "Yes." Sagot niya. "I can feel if someone is releasing their power and I feel it in your first training, and now." Napatakip ako sa bibig ko at tumalon-talon. "Yey! Shet may kapangyarihan na ako? Gosh!" Pero napatigil din nang makitang nakatitig lang sa'kin si Deimos kaya umayos ako ng tayo at tumikhim. "A-Ah sige matutulog na ako. Goodnight, Deimos." Tinanguan niya ako kaya nakangiti akong pumasok sa kwarto ko. Bigla kong naalala ang sinabi ni Ina. "Soon, anak, magagamit mo rin iyang boses mo, para protektahan ang mga taong mahal mo." Ina, ngayon ay alam ko na ang ibig mong sabihin noon. And I'll promise to protect them through my voice. ♕︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD