4

3193 Words
Pumunta muna kami sa dorm para makaligo ako at makapagbihis. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng white T-shirt, ripped jeans at rubber shoes. Nilagay ko ang pin ko sa kanang bahagi ng dibdib ko. Nag hair dryer ako at nagbun at lumabas na. Nang makalabas ako ay nakita ko silang lahat na naka-outfit na. At ang nakakagulat ay kasama na do'n si Deimos. "Tara na?" Sabi ni Marga at tinanguan ko siya. As usual, nanguguna sa paglalakad si Kie at Dion na nagbabangayan. Si Marga naman ay kumapit sa braso ni Styx na nakasunod kina Kie at Dion. At nandito ako sa likod na nasa gitna ni Cal at Deimos. "OMG! Tignan mo kung sino yung naglalakad sa likod! Love triangle ba yan?" "Team CalSao ako. Bagay kasi sila, e." "Ay Team DeiSao ako. Mas bagay sila beh. Tignan mo ng mabuti." At bakit nila ako shiniship sa dalawang 'to? Di ba pwedeng coincidence lang na nagkatabi kaming tatlo dito sa likod? Mga tao nga naman. Maliliit na bagay ginagawan ng issue. Pagkarating namin sa mall ay pumunta agad kami sa Groceries para bumili ng mga ingredients. "Iba-iba yung cart natin, ah? Bibili din kasi ako ng mga stocks. Paubos na kasi yung stocks natin sa dorm, e." Sabi ni Kie na tinanguan ko. "Ako din! Bibili ako ng ingredients dahil magbebake ako mamaya hehe." Sabi naman ni Marga. "Kanya-kanyang bayad ba 'to?" Tanong ko. Wala kasi akong pera, e. Tumango naman si Marga kaya napabuntong-hininga ako. "Hindi nalang pala ako bibili." Awkward akong ngumit sakanila nang mapatingin sila sa'kin. "Bakit?" Tanong ni Kie. "Wala akong pera, e." Mahinang sabi ko na nagpagulat sakanila at kalauna'y tumawa din. "You have your own money given by your mother, Sao." Napalingon ako kay Cal nang sabihin 'yon. "E nasa'n?" Tanong ko. "In your credit card." Sagot niya na nagpakunot ng noo ko. Credit card? E, wala naman ako no'n ah? "Don't tell me you didn't bring your ID?" Sabi niya. "Hindi. May ID ba ako?" Sabi ko kaya napalingon ang lahat kay Deimos kaya nilingon ko din siya. "I forgot to give it to you." Sabi niya at biglang nawala sa kinatatayuan. Isang minuto ang nakalipas at bumalik na siya at ibinigay sa'kin and ID ko na nasa isang lalagyan kasama na ang credit card ko. "Bakit mo naman nakalimutan, Deimos? Matanda ka na ba?" Biglang sabi ni Marga kaya palihim kaming napatawa habang si Deimos ay blanko lang na tinignan si Marga. "Ay sabi ko nga." Bulong ni Marga at tumalikod. Kumuha na kami ng cart at naglakad na ako nang biglang kunin ni Cal ang cart sa'kin. "Ako na ang magdadala." Sabi niya at ngumiti kaya nagpasalamat ako. Napatingin kami kay Deimos na nakatingin sa aming dalawa ni Cal kaya tinitigan ko siya. "Deimos?" Pagkukuha ni Kie sa atensyon ni Deimos kaya napalingon siya sakaniya. "Wala kang bibilhin?" Umiling naman ito at lumabas na ng Grocery store kaya nagkatinginan kaming lahat. "Nalilito siya. Yun yung sinasabi ng waves of emotion niya." Sabi ni Kie. "Bakit naman siya nalilito? Nalilito ba siya kung may bibilhin siya o wala? Or... Nevermind." Nakanya-kanya na kaming bumili. Pumunta na ako sa mga ingredients para sa gagawin kong fruit salad. Habang bumibili ako ay rinig na rinig namin hanggang dito ang bangayan ng dalawa. "Bobo! Karne nga, 'di ba? Ba't moko binigyan ng hotdog? Ano gagawin ko diyan?" "Hindi ko sinabing karne 'to. Binigay ko 'to sa'yo dahil nagpapabili ako." "Aba! Ano ka sinuswerte? Ikaw magbayad niyan, Gago!" "Kahit saan talaga sila mapunta, mag-aaway at mag-aaway pa rin talaga sila." Napalingon ako kay Cal na nakatingin kina Kie at Dion kaya napalingon din ako sakanila at ngumiti. "Para namang hindi naghalikan." "What?" Gulat akong napalingon kay Cal. Hala! Napalakas ko ba yung boses ko? "A-Ah wala. Tara na kukuha pa kasi ako ng Nestle cream, e." Awkward ko siyang ningitian at kinuha ang kamay niya at hinila siya papunta sa lalagyan ng nestle cream. "They kissed?" Tanong niya kaya napapikit ako at napalunok. Tumingin ako sakaniya at ngumiti. "Smack." Agad akong tumalikod ulit at kumuha ng nestle cream. Gago! Nireveal ko yung nangyari kina Kie at Dion. Patay talaga ako neto. "Well, bagay naman sila." Napangiti ako ng kusa sa sinabi ni Cal at napatango. "Matagal na ba kayo dito?" Tanong ko habang kumukuha pa ng ilang nestle cream. "Sa? Academy?" Tumango ako. "Yes. Actually, dito na kami lumaki." Napatingin ako sakaniya at nilagay yung mga nestle cream sa cart. "Masaya ata yung buhay niyo." Napangiti naman ako ng mapait. Naalala ko lang kasi yung naging buhay ko sa labas, e. "Not really. We're still young when they send us to alot of missions." Sabi niya naman. "Really? Like, Life or death situation?" Tanong ko at tumango siya kaya napalunok ako. "We experienced a different kinds of problems." Sabi ko at nakita ko namang tumango ulit siya. Nang makuha ko na lahat ng ingredients ay pumunta na kami sa counter at nakita ko naman si Marga at Styx sa unahan namin. "Yung dalawa do'n nagbabangayan pa rin." Napailing-iling na sabi ni Styx. "Parang hindi ka pa sanay." Sabi naman ni Marga kaya napangiti naman si Styx at tumango-tango. "Tangina mo, Dion." Napalingon kaming apat kina Kie at Dion na nagmumurahan na habang naglalakad. "Ikaw nalang magbayad niyan. E 100 pesos lang naman 'yan, e." Sabi ni Dion. "Ah. Ako magbabayad para ako rin kakain." Nakangising sabi ni Kie kaya agad nang inagaw ni Dion ang ice cream kay Kie. "Ako nalang. Akin lang 'to." "Arte nito. Bakla talaga." Napatawa naman ng malakas si Kie nang makatanggap ng masamang tingin galing kay Dion. "Ingay niyo. Para kayong mag-asawang palaging nag-aaway." Sabi ni Styx kaya agad siyang nabatukan ni Kie at Dion. "Gago ansakit no'n, ah?" Napatawa naman si Styx. "Mga guilty." Babatukan sana ulit ni Kie si Styx pero tumago na ito sa likod ni Marga at binelatan si Kie. Nang ako na ang magbabayad ay nashock ako sa sobrang mahal. "Hala? ₱2,340?" Napatawa naman si Kie at humawak sa balikat ko. "Ibigay mo nalang yung credit card mo." Kaya binigay ko sa cashier ang credit card ko. "See? You have a billion dollars. BILLION, SAO. Dollars pa 'yan, ah?" Napanganga naman ako sa sinabi ni Kie kaya tinignan ko agad ang screen na kaharap ng cashier at nakitang totoo nga ang sinabi niya. "Billionaryo na ako! Hindi. Trillionaryo?" Napatawa naman sila sa sinabi ko. "Mayaman talaga 'tong anak ni Luna." Sabi ni Styx at umakbay sa'kin at bumulong. "Libre." Nabatukan agad siya ni Kie habang tumatawa lang siya. "Joke lang, e." "Mayaman ka naman, Styx. Kaya sa'yo kami magpapalibre." Napangisi naman kami sa sinabi ni Marga at tumawa nang sumimangot si Styx. Nang makatapos kami sa pagbabayad ay nag-offer nanaman si Cal na siya nalang ang magdala. "Ako na. Magaan naman, e." Kahit hindi naman talaga. Nakakahiya na kasi. Siya pa nagdala ng cart kanina, tapos siya pa magdadala ng mga pinambili ko? "Ikaw naman yung gagawa ng salad kaya ako nalang magdadala niyan. Halata naman kasing naghihirap ka, e." Napatawa siya at kinuha sa kamay ko ang groceries kaya napabuntong-hininga nalang ako. "Cooking time!" Sigaw ni Marga at biglang tumakbo kaya nagtinginan kami ni Kie at agad humabol kay Marga. Nang makarating kami sa fountain ay napaupo ako sa mga benches dahil sa pagod. "Kaya pa, Sao?" Nakangising sabi ni Kie. "Hindi na!" Sumigaw ako kaya napatawa sina Marga at Kie. "Kapag talaga ako alam ko na yung kapangyarihan ko, tatalunin ko kayong dalawa." "Okay lang 'yan, Sao." Sinamaan ko ng tingin si Kie kaya tumawa siya. Napakadaya lang kasi. Si Marga nagskateboard gamit ang skateboard niya na gawa sa crystal tapos si Kie naman ay nakaupo sa bubble niya papuntang fountain. E ako? Tumakbo. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at nakipagracing ako sa dalawang 'to? Ambobo lang. "How's the racing?" Napatingin kami kina Cal na naglalakad na patungo sa'min. "I win." Confident na sabi ni Kie. "Hala sabay lang naman tayo, e." Sabi ni Marga kaya nilakihan siya ng mata ni Kie. "Sinungaling Kie." Natatawang sabi ni Dion kaya agad gumawa ng isang water dragon si Kie at pinapunta ito sa direksyon ni Dion na agad namang nakagawa ng wall na gawa sa bato kaya yung tubig nagsplash at nabasa kami ng konti. Hanggang ngayon talaga ay namamangha pa rin talaga ako sa mga nakikita ko. Hindi ko lang pinapahalata pero namamangha pa rin talaga ako. Ilang years kaya akong namuhay ng normal tapos ngayon makakakita ako ng mga tao na may kapangyarihan? Ginagago mo ba ako? "Let's go." Biglang nagpakita sa amin si Deimos na tinanguan namin at nagsimula nang maglakad papunta sa loob. Naglakad kami sa isang napakalaking field at nang makarating na kami sa kabilang side ay pumasok kami sa isa pang gate at bumungad sa'min ang malaking field na konti lang ang mga estudyanteng naglalakad. Mga dorms kasi yung nandito. Syempre maraming estudyante kaya maraming mga dorms. Pumunta kami sa main entrance ng dorms at nag-elevator papuntang rooftop at nang makarating kami sa rooftop ay bumukas ito at bumungad sa'min ang napakasosyal na hall. Ang kulay ng dingding ay white habang may gold linings sa gilid, sa taas at sa baba. May mga paintings din ng mga goddesses. Pumasok kami sa nag-iisang dorm sa rooftop at bumungad na sa'min ang napakalaki naming dorm. "Nakakapagod!" Biglang humiga si Marga sa sofa kaya natawa si Styx at hinigaan si Marga. "S-Styx-" Naputol ang kaniyang sasabihin nang hinigaan ni Dion si Styx at hinigaan ni Kie si Dion. "Hoy!" Natatawang sabi ko at pinatayo sila. "Hindi na makahinga si Marga." Pinaupo ko si Marga at pinakuha si Styx ng tubig pero tinalsikan lang ni Kie ng tubig si Marga sa mukha kaya nabasa ito. "Gaga ka talaga Aekishea." Natatawang ani Marga at pinunasan ang mukha gamit ang panyo na binigay ko sakaniya. Binigay sa'kin ni Styx ang tubig na pinakuha ko sakaniya kaya nagpasalamat ako at pinainom ito kay Marga na ininom niya naman. "The mother in the house." Nakangiting sabi ni Kie kaya inilingan ko nalang siya at kinuha ang baso na binigay sa'kin ni Marga na wala nang laman. "Thank you." Ngiti niya kaya ngumiti din ako at tumango. "Ay ganito na pala yung title ni Sao. Sao, The Mother Earth, Daughter of Luna, Moon Goddess of Earth." Natatawang ani Kie. "Para kang tanga diyan Kie tigilan mo 'yan." Tumawa naman siya ng malakas sa sinabi ko. "I already put the grocery bags in the kitchen." Pagbibigay alam sa akin ni Cal kaya ningitian ko siya at pinasalamatan. "Magluto na tayo?" Tumango naman sa'kin ang dalawang babae at agad nag-unahan na pumunta sa kusina kaya napailing nalang ako at nakangiting sumunod sakanila. "Hala! Ano lulutuin ko?" Sabi ni Kie pagkarating ko sa kusina. "Adobo nalang kaya?" Sabi ko at nagthumbs up siya at kinuha na sa plastic ang mga lulutuin. "Buti naman at ang tatlong babae natin marunong magluto. Ready nang mag-asawa." Natatawang ani Dion kaya nahampas siya ng sandok ni Kie sa ulo. "Gago! Sa'n mo nakuha 'yan e hindi mo naman 'yan hawak kanina." Inis na sabi ni Dion. "Malamang dito sa kusina. Alangan naman doon sa kwarto, 'di ba?" Sabi naman ni Kie at inirapan si Dion bago na nagsimulang magluto. "Hindi ako marunong magluto kaya bake-bake lang yung akin hehe." Sabi ni Marga at pinagpatuloy ang ginagawa kaya nagsimula na din akong gumawa ng fruit salad. Unang natapos si Marga at nilagay sa oven yung ginawa niya. Brownies ata. Sunod naman ako at nilagay na ito sa freezer. Kakaupo ko pa lang sa sofa ay sumigaw na si Kie. "Luto na!" Sina Cal at Styx ang naghanda ng mga plato sa lamesa habang si Dion at Deimos daw ang maghuhugas ng pinggan. Umupo na kami sa upuan nang biglang may sumabog. "Gago Dion ambaho no'n!" Sigaw ni Kie at hinampas ang braso ni Dion habang nakatakip sa ilong. "Ilang taon ka bang hindi tumatae, Dion?" Inis na sabi ni Styx habang nakatakip din sa ilong. Magkatabi kasi si Styx, Dion at si Kie. Bale ganito yung pwesto namin sa pa-oblong naming lamesa. Marga-Ako-Kie-Dion-Styx-Cal at si Deimos. So bale magkatabi si Deimos at si Marga dahil nga pa-oblong yung lamesa namin. "May mabango bang utot? 'Di ba wala? Mga gago'ng 'to." Sabi ni Dion. "Pero hindi ganito kabaho yung normal na utot gago." Sabi naman ni Kie kaya nagsamaan sila ng tingin. "Tumae ka na nga lang muna. Baka umutot ka pa ulit. Ambaho pa naman." Sabi ni Kie pero sinamaan lang ni Dion ng tingin si Kie. "Hindi ako natatae. Gutom ako. Gutom. Hindi tae." Kaya nabatukan agad siya ni Kie. "Kumain na tayo? Gutom-" Napatingin kami sa oven na biglang tumunog. "Wait lang hihi." Pumunta si Marga sa oven at kinuha ang nasa loob. Wala akong alam sa pagbebaking kaya hindi ko alam ang mga pinanggagawa niya. Nang matapos ay bumalik na siya dala ang isang plato na puno ng brownies at nilagay ito sa gitna ng lamesa. "Itadakimasu!" Sigaw namin at nagsimula nang kumain. Habang kumakain sila ay napatingin ako sakanila at kusang napangiti. Wala kasi akong group of friends noon. Si Freja lang talaga. Kababata ko kasi siya at hanggang ngayon, kaibigan ko pa rin siya. Pero ngayon, ibang-iba nga dito. Iba na nga ang lugar, ang mga taong nakakasalamuha ko, ang atmospera at pati ang mga kaibigan ko. Ngayon kasi, may mga kaibigan na ako. Take note, anim sila. Hindi lang isa, kundi anim. Pero kahit hindi pa ako sanay sa lugar ay ramdam na ramdam ko na belong ako dito. Sana ay palaging ganito. Yung walang problema. Walang iniisip. "Sao? Okay ka lang?" Napatingin ako kay Marga kaya ngumiti ako at tumango. "Kain kana. Masarap yung pagkaluto ni Kie." "Ako pa." Narinig ata ni Kie ang sinabi ni Marga kaya tumugon ito at natawa kami ng mahina pero biglang nabilaukan si Kie kaya mas napatawa kami at binigyan siya ng tubig. At alam niyo kung sinong tawa ang talagang lumakas? Syempre si Dion. "Karma 'yan dahil pinalo mo'ko ng sandok kanina." Sabi niya at tumawa ulit. "Gusto mo paluin ulit kita? Pero ngayon, yung mainit na. Gusto mo?" Natawa nalang ako at napailing at kumain na ulit. Nang matapos akong kumain ay nabigla ako nang nilagyan ako ng kanin sa plato at tinignan ko si Kie na tumatawa na. Busog na ako kaya binigay ko kay Marga pero busog na rin daw siya kaya binigay niya kay Deimos. Wrong move dahil sinamaan siya ng tingin nito kaya kinuha niya ulit yung kanin at nilagay sa plato ko, kinuha ko at nilagay sa plato ni Kie at ilalagay niya sana sa plato ni Dion pero agad nilayo ni Dion yung plato niya at binelatan si Kie pero ang hindi niya alam, nilagyan siya ng kanin ni Styx sa plato kaya napatawa kami. "Napakaduga mo, Styx." Sabi ni Dion na masama ang tingin kay Styx na tumatawa pa rin hanggang ngayon. "Pinagpapasahan niyo na yung pagkain. Masama yun." Sabi ni Marga. "Sumali ka naman kaya masama ka din." Sabi ni Styx at tumawa kaya napanguso si Marga at gumawa ng isang bato na gawa sa krystal at itinapon ito kay Styx. Headshot. Tumunog talaga kaya halatang masakit. "Gago ansakit no'n ah?" Hinipo-hipo ni Styx yung parte ng ulo niya na tinamaan no'ng krystal habang si Marga, Kie at Dion ay tumatawa na. "Karma tawag diyan, bro." Sabi ni Dion at tumawa ng malakas. Nakita ko si Cal na nakangiti habang tinitignan kami habang si Deimos ay tinitignan lang talaga kami. Wala talagang emosyong makikita sa mukha niya. "Brownies time!" Biglang sigaw ni Marga kaya gulat akong napatingin sakaniya. "Di ka pa busog?" Di makapaniwalang sabi ko. "Ahh hihihi. Masarap kasi tignan yung brownies. Nagutom ulit ako." Napatawa nalang ako ng mahina at sinenyasan siyang ipagpatuloy ang gagawin niya. Agad siyang kumuha ng maraming brownies at inilagay sa plato niya at kinain ito. "Mmm! Masarap KYAHHHH!" Sumigaw siya. "Sarap ko talaga magbake hihihi." Pero sinabi lang namin na mamaya na kami kukuha dahil busog na busog na talaga kami. "Ayaw niyo sa brownies ko?" Biglang sabi ni Marga kaya nagulat kami. "A-Ah gusto naman namin. Pero kasi... " Mag-eexplain sana si Styx pero napatigil siya at napalingon sa'min. Tinanguan namin siya kaya agad siyang kumuha ng dalawang brownies at kinain ito. Sumunod kaming kumuha ng brownies. Si Deimos ay kumuha lang ng isa. Si Cal naman isa lang din. Si Dion tatlo. Si Kie naman tatlo din. At ang akin ay dalawa. Kinain ko na ito at napalaki ang mata sa sarap. I can't explain the texture of the brownies but it's really really good. Parang nawala yung kabusugan ko ng kumain ako ng brownies. Sa sobrang sarap kasi nito, gusto mong kumuha ulit. "Gago ansarap ah?" Napamura pa si Kie sa sobrang sarap. "Bakit hindi ka nagbebake dito noon, Marga? Saan mo 'to natutunan?" Tinadtad ni Styx ng tanong si Marga habang may laman na brownies ang bibig. "Nanonood ng cartoons at nakitang nagbebake sila kaya nakita yung mga ingredients at ang mga ginawa nila? Hihi." Nabilaukan naman si Styx at Dion at napatitig lang kami kay Marga na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Joke lang, syempre. Kayo naman hindi mabiro. May book of recipes kasi ako sa kwarto ko na ang laman ng libro ay puro ingredients ng mga pagbebaking kaya ayun." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Tangina nabilaukan pa ako e hindi naman pala totoo." Inis na sabi ni Dion na kakatapos lang uminom ng tubig. "At ngayong nakita ko na yung reactions niyo, mas mapapadalas ang pagbebake ko." Mas lumawak ang ngiti ko at nagthumbs-up sakaniya. "Ansarap talaga." Sabi ni Dion at inubos ang brownies niya. "At ang salad naman ni Sao ang titikman natin." Napasama ang tingin ni Kie kay Dion. "Baliw ka ba? Kanina lang nagrereklamo ka pa na busog na busog ka na tapos ngayon kakain ka pa ng salad?!" "Aminin mo nalang Kie na nag-aalala ka baka tumaba ako at mawala na ang kapogian ko." Sabi ni Dion at kinindatan si Kie pero natampal ni Kie ng malakas ang noo niya. "Huwag masyadong mahangin. Wala akong pake diyan sa mukha mong mukhang shokoy. Nag-aalala ako sa mga bituka mo. Kawawa naman sobrang busog na. Sa sobrang busog baka mamatay sila." "Hindi pa yun maginaw. Mamayang gabi nalang natin yun kainin o bukas." Sabi ko at ngumiti kaya tinanguan ako ni Dion. Niligpit na namin ang mga plato namin at nilagay ito sa sink. As expected, si Cal lang ang naghuhugas ng mga plato habang si Deimos ay nasa veranda ngayon. Napabuntong-hininga ako at naglakad papunta kay Cal para tumulong. "Deimos talaga. Kakain pero walang ambag." Mahinang sabi ko. "Swerte siya at may atraso pa ako sakaniya kaya ayaw kong dagdagan." Napatingin naman ako kay Cal na mahinang napatawa kaya sinimangutan ko siya at kinuha ang sponge sa kamay niya at ako na ang nagsabon ng mga plato at hindi naman umangal si Cal. "Is this the Omega Day?" Napangiti naman si Cal at tumingin kina Marga na nakaupo na sa sofa at nanonood ng tv. "Sort of." Napangiti din ako. ♕︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD