3

2713 Words
Ako ang nagvolunteer na magbantay kay Cal dahil lahat sila ay may sugat pa na unti-unting naghihilom kaya pinapahinga ko muna sila sa dorm. Naalimpungatan ako dahil may pumasok sa cubicle kaya kinusot-kusot ko ang mata ko at nag-inat. Nakatulog pala ako. Bigla akong nanlamig nang makita ang pumasok sa cubicle. "B-Bakit ka nandito?" Tanong ko. "Ako na ang magbabantay. You can go now." "A-Ako na! Wala naman kasi akong gagawin, e." Nakakahiya. Kebago-bago ko pa lang kasi dito, nainsulto ko na yung leader namin. "It's fine. You can rest in the dorm." May nakita akong guilt sa mga mata nito kaya nagulat ako pero agad din namang nawala. Am I hallucinating? Nababaliw na ba ako? Bumuntong-hininga ako at tumayo na. Papalabas na ako ng cubicle nang humarap ako sa nakatalikod na si Deimos. "Deimos." Napalunok ako. Hindi siya tumingin sa'kin pero alam kong nakikinig siya. "Pwede ba kitang makausap mamaya sa veranda?" I tried my best not to utter. "Ok." Ang tanging sagot niya pero napahinga ako ng maluwag. Lumabas na ako ng clinic at pumunta na ng dorm nang makita si Kie at Dion na naghahabulan. "I WILL f*****g KILL YOU DION!" Sigaw ni Kie at gumawa ng espada at hinabol ulit si Dion na tumatawa lang. Napatingin ako sa dorm namin na sobrang kalat na. May mga mamahaling gamit na nabasag at sobrang basa na ng floor. Nakita ko naman sina Marga at Styx na nanonood lang ng TV na para bang walang nangyayaring gulo sa dorm ngayon. "Kie! Dion! Stop!" Napalingon naman sila sa'kin at napatigil. "Sao! Kumusta na ba si Cal?" Lumapit sila sa'kin na para bang walang nangyari sa dorm at para bang walang nabasag na mamahaling gamit. Like, ANG SAYANGGG! Bumuntong-hininga ako. "Bakit niyo binasag 'yang mga mamahaling gamit?" Tinignan naman nila ang mga nabasag nila. "Maraming naghihirap sa labas ng academia pero kayo binabasag niyo lang yang mga yan. Kung babasagin niyo lang naman pala, edi sana hindi nalang kayo bumili at ibinigay ang pera doon sa mga mahihirap." Ito ata ang resulta sa pagiging mahirap ko sa labas ng academia noon kaya pinapahalagahan ko ang mga ganoong bagay dahil alam ko yung feeling na walang pera kahit sentimos. "Edi bibili ng bago tapos ibibigay sa iba para hindi na mabasag ulit hehe." Sabi ni Kie kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Sorry na po, Mama." Sabi niya pa kaya tumawa si Dion. "Kumusta na si Cal?" Napatingin ako kina Marga at Styx na nasa likuran na nila Kie at Dion. "Hindi pa rin gumigising. Pero si Deimos na yung nagbabantay do'n kaya 'wag kayong mag-alala." Sagot ko. "Nakausap mo na siya?" Sabik na tanong ni Marga, pati na rin yung iba. "Makakausap pa lang." Naging malungkot naman ang mukha nila. "Sana naman ay magising na si Cal at maging okay na kayo ni Deimos." Kumakain kami ng hapunan ngayon at hindi ko maipaliwanag ang katahimikan namin. Kaming lima lang ang nandito dahil wala pa yung dalawa. Gago ginawa lang nila akong Fifth wheel. "Ako na ang maghuhugas ng pinggan." Pagbabasag ko sa katahimikan pero wala man lang nagsalita. "Sao, Magdonate kaya tayo ng mga pera sa mga mahihirap?" Binasag ulit ni Kie ang katahimikan at napangiti naman ako sa sinabi niya. Sila kasi ang pinalinis ko ng dorm since sila din naman yung nagkalat. Well, syempre tumulong din ako. Baka kasi masira na nila yung buong dorm kung wala ako dahil parating nag-aaway. Parang hindi naman naghalikan. "Sure. If free time natin at pwede tayong palabasin." Ngumiti naman siya sa'kin at nagpatuloy sa pag kain. "Mabait ka pala, Kie? Hindi kasi halata, e." At nawala na nga ang awkward silence namin nang dahil sa dalawa. "Mabait naman talaga ako. Ikaw lang naman yung hindi. Duhh!" Sabi ni Kie sabay flip hair. "Asa!" Natatawang sabi ni Dion kaya hinablot agad ni Kie ang buhok ni Dion. "May angal? Ha?" Sabi nito kaya natawa nalang kaming tatlo habang pinapanood silang magbangayan. Tapos na kaming kumain at nililigpit na namin ang pinagkainan namin nang may biglang bumukas sa pinto kaya napalingon kaming lima doon at iniluwal si Deimos at si Cal na seryosong nag-uusap. "Cal!" Sigaw ni Marga at yumakap. Ganun din si Kie kaya napasimangot ang dalawa. "Cal. Kumusta na?" Lumapit ako sakanila habang si Deimos ay pumunta sa sofa at umupo. "Okay naman na daw ako. Kailangan lang ng tulog." Sagot niya at ngumiti. Gosh! Bakit anlalim ng dimple niya? Kukunin ko talaga iyan tandaan niyo. "Cal alam mo bang pinag-alala mo 'tong bagong recruit natin? Sinigawan niya si Deimos." Pagsusumbong ni Marga kaya inis ko siyang tinignan. "Wala lang yun. First time ko lang kasing-" "I know what you did. Sinabi sa'kin ni Deimos." Mahinang natawa si Cal na nakapatigil sa'kin sa pagsasalita. "Wew." Rinig kong sabi ni Kie. "S-Sinabi niya?" Nakakahiya! Yawa sabi ko na nga ba hindi ako belong dito. Hahanapin ko talaga si ina pag makalabas ako dito tapos sasabihin kong doon nalang ako titira. Tumango lang si Cal kaya napabuntong-hininga nalang ako. Pumunta ako sa kusina para maghugas ng mga pinagkainan dahil ako naman talaga ang nagvolunteer na maghugas. Habang sinasabonan ko ang mga plato ay may biglang tumulong sa'kin kaya napatingin ako kung sino ito na nagpagulat sa'kin. "A-Ako na dito. Kaya ko naman." Hanggang ngayon nahihiya pa rin talaga ako sa ginawa ko sakaniya kanina. "Let me help you." Seryosong sabi niya na hindi nakatingin sa akin kaya napabuntong-hininga nalang ako at hinayaan siyang tumulong sa'kin. "Sorry." "Look-" Nagkatinginan kami matapos magkasabay ng pagsalita. "Ikaw na mauna." And I tried my best again not to utter. "You first." Sabi niya naman kaya napabuntong-hininga ulit ako. "Stubborn Leader." Bulong ko na narinig niya naman kaya bigla akong nakareceive ng death glare kaya awkward akong tumawa at natahimik na kami. "S-Sorry. Nadala lang kasi ako sa galit ko-" "Let's talk about that later. The others are listening." Sabi niya kaya napalingon ako sa likod namin at nakitang nakikinig nga sila kaya agad silang nagpanggap na hindi nakikinig. Si Marga ay agad umupo sa sofa. Si Styx kinuha ang walis pero wala namang ginagawa. Si Kie naman ay naglakad sa direksyon ng veranda at si Dion naman ay naglakad sa direksyon ni Kie kaya nagkabanggaan sila. "What the f**k Dion?!!" Galit na sabi ni Kie at hinabol agad si Dion na may espada sa kamay. Si Cal ay paniguradong nagpapahinga na do'n sa kwarto niya. Tumango nalang ako kay Deimos at tinapos na ang paghuhugas namin ng pinggan. Pumasok ako sa kwarto ko at napahiga sa kama. Nakakastress ang araw na 'to. Kanina lang naaamaze ako sakanila na maglaban pero nauwi sa galit at nasigawan ko pa talaga si Deimos. Nahagilap ng mata ko ang binigay ni Luna sa akin kahapon na nasa side table kaya kinuha ko ito at umupo sa side ng kama at binuksan ito. Pero nakakapagtataka dahil lahat ng nakasulat dito ay mga kanta. Wala naman akong maintindihan dahil hindi naman ito pareho sa lenggwahe namin. Italian ba 'to? Basta. Ewan ko. Tinry kong kantahin ang first song sa first page pero hindi ko naman alam ang tono kaya binasa ko nalang ito at natawa sa sarili ko. Nang may biglang naghumm sa utak ko na alam kong boses ni Luna. At tinry ko nga sa first song at gumana naman. Maganda naman yung tono kahit hindi ko naiintindihan ang kanta. Minememorize ko yung first song hanggang sa kinakanta ko na ito nang hindi nakatingin sa libro. At ang masasabi ko lang, Shet fast learner pala ako? Napagod na ako kakakanta dahil masakit na sa lalamunan kaya nilagay ko nalang yung libro sa side table at nagmuni-muni. Napatingin ako sa orasan at napalaki ang mata. Alas onse na pala ng gabi? Pero hindi pa ako inaantok, e. Lumabas na muna ako sa kwarto ko at nagtimpla ng gatas. Pagkatapos kong magtimpla ng gatas ay pumunta ako sa veranda kung saan nakita ko si Deimos. Tumabi ako sakaniya kahit na may space sa pagitan namin. "Why are you still awake?" Rinig kong tanong niya pero hindi ko siya nilingon. "Can't sleep. You?" Balik tanong ko sakaniya pero wala akong natanggap na sagot. Obvious naman kasi. Syempre nandito siya ngayon dahil hindi din siya makatulog. Boplaks, Sao. "Deimos." Mahinang sabi ko habang nakayuko at naramdaman ko na ang titig niya. "Sorry. Nadala lang talaga ako sa galit kanina na hindi ko na alam na may nasabi na pala akong masama kahit hindi pa kita lubusang kilala." Huminga ako dahil nakulangan ako sa hangin. "Hindi ko talaga intensyon yun. Kaya sana mapatawad mo ako." "Apology accepted." Agad akong napatingin sakaniya sa gulat. Ganun-ganun lang yun? Wala siyang sasabihin sa'kin? As in wala talaga? Apology accepted agad? "But you can't escape to me in your first training tomorrow." Bigla naman akong nanlamig at mas nanlamig nang makita ang smirk niya na nakita ko rin noong first encounter namin, nung kinuha niya ako. "D-Deimos-" Hindi niya na ako pinatapos dahil umalis na siya kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Inubos ko na ang gatas ko at pumunta na sa kwarto ko at mas hindi nakatulog dahil sa sinabi ni Deimos. Nagising ako sa katok kaya napakunot ang noo ko at binuksan ang pinto ay nakita si Kie na nakangiti sa'kin pero nawala din agad. "Anlalim ng eyebags mo ah?" Natawa siya ng mahina at ngumiti. "By the way, It's breakfast time." At bigla ko nalang naalala na itetrain na ako ni Deimos kaya kinabahan ulit ako. "Sao? Kinakabahan ka ata?" Sabi ni Kie. "H-Ha?" "Naririnig ko kasi yung waves ng emotions and narinig kong nagsend ng waves yung emotion mo na kinakabahan ka. Why? Is there something wrong?" Meron talaga. Sino ba ang hindi kakabahan sa First training niya? "Mmm. First training mo na ngayon, no?" Panghuhula ni Kie na nakahawak pa sa baba niya. "Huwag kang mag-alala, hindi naman mangyayari sa'yo yung nangyari kay Cal. May mga sugat nga lang." Tumawa naman siya nang makitang hindi ako nakagalaw sa kaba. "Maghilamos at magmumog kana. Kakain na tayo." Ningitian niya ako at nagthumbs-up kaya huminga ako ng malalim at sinara ang pinto. Ano ba ang gagawin ko para tumigil yung oras kahit sandali lang? Naghilamos at nagmumog na ako bago lumabas ng kwarto. Nakita ko sila na nakaupo na sa dining area kaya umupo na din ako sa tabi ni Kie at Marga. "Goodluck sa first training mo, Sao! Go! Go! Go!" Sabi ni Marga at natawa ako sakaniya pero deep inside kinakabahan talaga ako. "Ofcourse kaya 'yan ni Sao. Anak ata yan ni Luna." Sabi naman ni Styx at tumango naman yung iba. "Kapag tatagal ng 1 hour ang labanan nila ililibre tayo ni Aekish-" Nakatanggap agad ng batok si Dion kay Kie. "Huwag mo'kong idamay sa kagaguhan mo, Dion." Inis na sabi ni Kie. "Goodluck, Sao." Sabay ngiting sabi ni Cal at nakita ko nanaman yung dimples niya. Gusto kong tumawa pero kinakabahan talaga ako. Kahit sa pagligo at pagbihis ay kinakabahan pa rin ako. At kay bilis nga naman ng oras dahil ngayon kakatapos lang namin kumain. "Goodluck." Bulong sa'kin ni Marga at nag-action pa ng 'Go! Go! Go!' kaya ningitian ko lang siya. "Dapat Sao taluhin mo siya ha? Yung washing washing! Ganun." Nag-action naman si Kie na parang may hawak na espada at napalunok naman ako. Tatalunin ko yun? Si Deimos? Baka nga ako pa ang mahimatay, e. Parang mabigat ang bawat hakbang ko ngayon na malapit na kami sa Training room. Gusto kong magback-out pero... Paanooo? Sinabi na sa'kin ni Deimos kagabi na hindi daw ako makakatakas sakaniya, e. Kaya paanoooo? Nang makapasok kami sa training room ay walang tao, kahit si Sir Kio. Expected niya ba na ngayon ang first training ko? "Go Sao! Nandito lang kami! Wooohhh!" Sumigaw-sigaw si Marga at si Kie naman ay nagthumbs-up. Tinanguan naman ako ng tatlong lalaki kaya tinanguan ko nalang din sila. Pagkarating ko sa gitna at nakita ko si Deimos na nakangisi sa'kin kaya napalunok ako. May itinapon siya sa akin na espada at nasalo ko naman. May nag-activate agad na barrier kaya mas kinabahan ako. "Ready?" Sigaw ni Marga sa labas kaya naghanda na ako. "Go!" Expected ko na na msgteteleport siya sa harap ko kaya agad kong sinangga ang espada niya. Nawala siya bigla at naramdaman ko nalang na may pumatid sa'kin sa likod kaya tumilapon ako. Gago! Pinahalik talaga ako sa sahig. Pagkatayo ko ay bigla siyang lumitaw sa harap ko at sasapakin sana ako buti nalang at nakaiwas ako at pinatid siya sa gilid niya kaya napadaing siya sa sakit kaya pumunta ako sa likuran niya para sana ipulupot ang espada sa leeg niya pero biglang humangin kaya napaatras ako. Humarap siya sa'kin habang ako ay hinihingal na. Andali ko atang hingalin ngayon? Nakita ko naman ang ngisi ni Deimos. "How does it feel na madaling hingalin?" "Ikaw ang may gawa nito, no?" Tanong ko. "Ofcourse. Kinunan ko ng hangin ang training room sapat para madali kang hingalin." Ngumisi ulit siya at nagulat ako nang makita na siya sa harap ko at hinawakan ang baba ko. "A weakling like you don't belong here." Bulong niya at pinatiran ang tiyan ko kaya tumilapon ako. Bumangon ako sa pagkakahiga pero hindi na kaya ng katawan ko kaya umupo nalang ako. Hinihingal na akong sobra na sa feeling ko ay maya-maya hihimatayin na ako. Nang biglang may pumasok sa isip ko kaya huminga ako ng malalim at tumayo. Kinanta ko ang namemorize kong kanta kagabi at pumikit. Pero habang nasa kalagitnaan ako ng kanta ay ramdam kong bumibigat na ang katawan ko kaya nagpakain nalang ako sa dilim. Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay may nakita akong sumalo sa'kin at saka na akong pumikit. Naalimpungatan ako dahil sa sobrang ingay ng paligid ko. "Mygod, Dion! Napakakalat mo namang kumain. Magkatonsil ka sana." "Naiinggit ka lang kasi may chocolate ako at ikaw wala." "Oi, Styx! Kunin mo please yung bag ko nasa tabi ni Cal hehe." "Oi Cal yung bag daw ni Marga." Binuksan ko ang mga mata ko at napapikit ulit dahil masakit sa mata yung liwanag at agad hinarang ang kamay ko sa mga mata ko. "Gising na si Sao!" Nabigla ako nang bigla akonv yakapin ni Marga at sumunod naman si Kie. "H-Hindi ako makahinga." Agad naman silang kumawala at nagpeace sign si Marga. "Kumusta ang tulog, Sao?" Sabi ni Dion kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Kie. "Tulog ba 'yan? Ha? Nahimatay, Dion. Nahimatay." Inis na sabi niya. "Pareho lang yun gaga." At nakatanggap ulit siya ng batok. "How's your body?" Tanong ni Cal kaya sinubukan kong igalaw ang parte ng katawan ko at agad nagtaka kung bakit wala nang sakit sa katawan ko. "Fast recovery yung katawan natin, Sao kaya 'wag kanang magtaka kung wala ka nang nararamdamang sakit sa katawan mo ngayon." Sabi ni Marga kaya napa-'ahh' nalang ako. "By the way, Sao," Napatingin ako kay Kie na tinawag ako. "Paano mo yun nagawa?" Agad akong nagtaka sa tanong niya. "Ang alin?" "Yun! Kumanta ka kasi kaya kaming lahat nahilo." Sagot niya kaya nagulat ako. Nakakahilo ba talaga ang boses ko? Ganun ba talaga kapanget? "Sorry hindi ko talaga sinasadya." Sabi ko at tumawa naman sila. "Amazing yun. Gamitin mo ulit yun sa training niyo sa susunod para mahilo din si Deimos." Sabi ni Kie at tumawa na parang baliw. Kahiya kaya yun! Ba't naging amazing? Nakakahiya! Kumanta ako sa harap nila kaya nahilo sila. Pero bakit ko nga ba yun kinanta? Pumasok lang naman kasi sa utak ko yung kanta kaya sinubukan ko itong kantahin kanina. "Ilang hours akong tulog?" Tanong ko. "2 days." Sagot ni Cal kaya nagulat ako. "Napagod kasi yung katawan mo. Nabinat ata dahil halatang hindi pa sanay ang katawan mo sa laban. Kaya sabi ni Doc Shie, natural lang daw na matagal kang gumising." Sabi ni Marga kaya tumango nalang ako. "Walang klase?" Tanong ko. Nandito kasi silang lahat, e. Except ni Deimos. "Wala hihihi." Sagot ni Marga. "Bili tayo salad?" Excited na sabi ni Kie. "Bili nalang tayo ingredients. Gagawa ako." Sabi ko at ngumiti na ikinagulat nila. "Eh? Marunong ka gumawa ng salad? Salad na yung dessert ah? Yung Macaroni salad, Fruit salad, ganun." Sabi ni Kie kaya tinanguan ko siya. "Oo nga." "Oh edi tara!" ♕︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD