2

2946 Words
Nagising ako nang dahil sa katok sa pinto kaya kinusot-kusot ko ang mata at naglakad papunta sa pinto para buksan ito. Nakita ko si Aekishea na nakatayo sa labas ng kwarto ko. "Good morning. Breakfast is ready." Tinanguan ko siya at sinabing maghihilamos lang kaya sinarado ko na ang pinto ko at pumunta sa cr para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos at magmumog ay agad akong lumabas ng kwarto at umupo sa tabi ni Marga at Aekishea at nagsimula nang kumain. "Sao, First day of class na. Handa ka na ba?" Tanong ni Styx at tinanguan ko lang siya. Sorry naman, lutang pa ako. "Ay ha?! First day of class na?!" Napatayo ako at napalakas ang boses kaya silang lahat ay napatigil sa pag kain. "Nakakagulat ka naman, Sao." Sabi ni Marga na hawak ang dibdib. Tumatawa naman ngayon si Styx at Dion at nakangiti naman si Cal at tinignan lang ako ng cold na tingin ni Deimos. Si Marga ay nakahawak pa rin sa dibdib niya at si Aekishea naman ay nakatingin sa'kin habang puno ang bibig ng pagkain. "Sorry. Nagulat lang." Umupo ako at napayuko sa hiya. Jusko, Haven Sao! Ilang araw ka palang nandito, pinapahiya mo na ang sarili mo. "I already told you, Sao na after the Grace Day ay start of classes na. Nakalimutan mo ba?" Sabi ni Marga at tumango ako. "Halatang lutang pa si Sao kanina pero natauhan sa sinabi ko." Tumatawa pa rin si Styx kaya napayuko ulit ako. Ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko sa hiya. "Hindi pala ako ang nag-iisang lutang dito." Sabi ni Aekishea kaya napatawa ako at natawa naman ako sa paraan ng pagkakatawa niya. "Tatahimik kayo o lalagutan ko kayo ng hininga." Biglang sabi ni Deimos kaya napatahimik ang lahat at kumain na. Kung ano ang kapangyarihan niya, hindi ko alam. Aalamin ko palang din. Pagkatapos kumain ay naligo na ako at nagbihis ng uniform na kayaga kahapon at inilugay lang ang buhok ko. Pumunta na ako sa lagayan ng mga bag at kumuha ng isa at nilagay doon ang mga ballpen, papel, notebook, at iba pa. Nang matapos ako ay nagmadali akong lumabas at pagkalabas ko ay nabangga ako kay Deimos. "Sorry hehe." Nakakatakot ang tingin niya! Pumunta na ako kay Marga at kumapit sa braso niya. "Bakit?" Tanong niya pero umiling lang ako. Naglakad na kami palabas at nagbigay respeto nanaman ang mga estudyante pero hinayaan ko nalang. Nakakapit pa rin ako sa braso ni Marga nang maramdaman ko ang presensya ni Deimos sa gilid ko kaya siniksik ko ang sarili ko sa braso ni Marga. Nakakatakot talaga siyang magalit. Kahit na titigan ka lang niya, nakakatakot pa rin. Parang kayang-kaya ka niyang patayin ng isang minuto lang. "Huwag kang matakot sakaniya, Sao. Pero mag-ingat ka lang hehe." Bulong ni Marga kaya sinamaan ko siya ng tingin at napatawa siya. "Ano ba ang kapangyarihan niya?" Bulong ko kay Marga. Para kaming mga tanga na nagbubulungan. Pero kase nasa tabi ko lang si Deimos. Baka mapatay kami kung marinig niyang siya ang pinag-uusapan namin. "Sand. He can also manipulate wind. Kaya pwedeng-pwede ka niyang patayin ng isang minuto lang." Napalunok ako sa sagot ni Marga. Sabi ko na nga ba, e. Gaano ba talaga siya kalakas? Nang dumating kami sa room ay pagbukas namin ay walang tao na ipinagtaka ko. "Walang tao?" Tanong ko. "We're special kaya tayong pito lang dito." May yabang sa boses ni Styx kaya napatawa nalang ako ng mahina at napailing. Umupo ako sa gitna ni Marga at Aekishea at napatingin sa wall clock at nakitang malayo pa sa alas otso ang oras kaya nilabas ko muna ang sketch pad, lapis at eraser ko at nagsimulang magdrawing. Malapit nang mag alas otso nang matapos ko ang pagdadrawing kay Marga na natutulog sa desk niya kaya ginising ko siya. "Marga! Malapit nang mag alas otso." Agad naman siyang gumising at ngumiti sa'kin. "By the way, eto oh." Binigay ko sakaniya ang sketch pad ko para makita niya ang dinrawing ko at napalaki naman ang mata niya. "Anggaling mo namang magdrawing, Sao!" Napalakas ang boses niya kaya lumapit sakaniya ang apat st tinignan ang dinrawing ko. "Ay iba din." Sabi ni Aekishea. "Ikaw ang susunod kong iguguhit." Sabi ko sakaniya kaya naexcite siya at napatalon-talon. "Paano naman kami?" Sabay pa na sabi ni Styx at Dion habang si Cal naman ay nakatingin pa rin sa sketch pad ko. "Sunod din kayo. Huwag kayong mag-alala, lahat kayo idadrawing ko." Nag-yey naman si Dion at Styx kaya napailing nalang ako. Noong hindi ko pa alam na anak ako ni Luna ay palagi akong nagdadrawing to the point na marami nang nagpapadrawing sa akin at binabayaran nila ako na nakatulong naman sa amin ni ina. Masasabi kong hindi naman unique na meron kang talento sa pagguguhit pero masasabi kong nakakatulong sa amin ni ina sa pangkabuhayan ang talento ko sa pagguhit. Dumating na ang isang lalaki na sa tingin ko ay ang professor. "Hi, Omegas. I am Mr. Aviano and I'm your Math Teacher." So parang pareho lang pala sa skwelahang pinag-aralan ko dati ang mga subjects dito. At naglesson na nga siya about sa math na hindi naman pumapasok sa isip ko. Natapos ang Morning subjects namin at pumunta kami ng mall para kumain ng lunch. Pumasok kami sa isang restaurant at agad naman akong namangha dito. Vintage style siya at pagkapasok mo palang dito ay mararamdaman mo na para kang nasa ancient times. Umupo na kami at nag-order na si Kie ng pagkain at naghintay nalang kami na dumating ito. "Mga estudyante lang ba talaga ang pumupunta dito sa mall?" Tanong ko. Sobrang laki kasi ng mall, e. Imposibleng mga estudyante lang ang pumupunta dito. "Oo. Amazing, no? Hihihi. Malaki yung mall tapos mga estudyante lang ng academy ang palaging pumupunta dito." Sagot ni Marga kaya nagulat ako. Talagang-talaga? Kami lang ang laging pumupunta sa mall na 'to? Omygosh. "Hoy baboy! Manahimik ka nga diyan. Sobrang tahimik ng lugar tapos nag-iingay ka diyan." Inis na sabi ni Kie kay Dion. "Anong baboy? Excuse me, sino ba sa atin ang pinagalitan ng Headmaster dahil sa maingay na pag kain nito? Ha? Tunog-tunog pa nga yung plato at kutsara, e." Ngumisi naman si Dion nang makita ang reaksyon ni Kie. "Kapatid ko yun kaya malamang pagsasabihan niya ako. Bobo!" "Maka-bobo, Matalino ka ba?" "f**k you, Dion!" "HAHAHAHAH." Narinig ko ang tawa ni Dion pero agad namang naputol nang makita niya ang isang lumilitaw na tubig sa taas ng ulo niya na may kalakihan ng mga maliliit na balloon at sunabog ito bigla kaya nabasa si Dion at si Kie nanaman ang tumawa. Nang matapos kaming kumain ay pumunta na ulit kami sa Academy at pumunta sa... Training Room. Pagpasok namin ay may isang lalaki na nakatayo sa gilid na parang may hinihintay. "You're late, Omegas." Nakita ko namang umirap si Kie, umiwas ng tingin si Marga, Nagsisikuhan si Styx at Dion, at blanko lang ang reaksyon ni Deimos at Cal. Pumasok na kami at nag-introduce siya sa harap namin. "I'm Mr. Kio, Your Combat teacher. You already know me, Omegas. Well, except Sao." Tumingin siya sa'kin. "So today, you will fight each other. Yan naman ang laging request niyo sa'kin 'di ba? And since it's the first day of class this year, I will grant that." Sumilay naman ang mga nakakalokong ngisi ng mga kasama ko habang ako kinakabahan na. Hoy! First day ko palang dito as student tapos isasabak agad ako sa training? Hindi ata makatarungan 'yan. May itinuro namang basic combats yung school namin noon pero hindi yun sapat kung ang mga Omegas ang makakalaban ko. Mga anak sila ng goddesses for gods' sake! "Sao, Stay put ka lang at mag-observe since first day mo pa lang ngayon kaya hindi muna kita isasabak ngayon." Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Sir Kio. Pinanood ko ang mga kasama ko na tumayo at pumunta sa gitna ng Training room. Naamaze ako nang may biglang nag-activate na barrier para hindi nila masira ang mga equipments dito. "There is only one rule, Omegas. Don't kill your opponent. Is that clear?" Sabi ni Sir na nasa labas na ng barrier at nakita kong napatango ang mga kaibigan ko. "You can use anything. Weapons, or even your own powers. Just no killing." Sabi ni Sir at napalunok ako. Ako ata yung kinakabahan para sakanila. "Ready?" Nakita kong naghahanda na silang sumugod. So lahat ba sila na nasa loob ay magkalaban? "Go!" Agad kong nakita si Kie na hinampasan ng napakalaking waves of water si Dion at hindi ko na alam kung anong nangyari sakaniya. Nang mawala na ang tubig ay nakita ko si Dion na nakangisi at nakacreate ng shield na gawa sa bato pero agad nawala ang ngisi niya nang makatanggap ng isang sipa sa mukha galing kay Kie. Napatingin naman ako kay Styx at Marga na nagtitigan lang. Hindi ko alam ang nangyayari sakanila pero nalaman ko rin agad nang marinig ang boses nila. "Let me control your body, Marga!" Sigaw ni Styx. "No. Let me control your mind, Styx." Sigaw naman ni Marga. And with that, Nagsummon si Marga ng espada na gawa sa crystal at sumugod kay Styx. Nagsummon naman si Styx ng espada gawa sa ice at sinangga ang espada ni Marga. Alam kong sinusubukan pa rin ng dalawa na kontrolin ang bawat isa. Pero ang napaka-intense na labanan ay ang kay Cal at Deimos. Gumagawa ng lightnings si Cal at sinusubukang tamaan si Deimos nito pero nakita ko lang si Deimos na nakahalukipkip ang braso sa dibdib at pinoprotektahan siya ng sand para hindi siya matamaan ng kidlat. Bigla nalang ay may nagawang tornado na may sand sa gitna ni Cal at Deimos at agad ito napunta kay Cal na nadala sa loob ng tornado sa sobrang lakas ng hangin. Nakita ko kung paano sinapak at pinatid ni Deimos si Cal at napapikit nalang ako sa nakita. Napatingin ulit ako kina Kie at Dion. Gagawa sana ng isang napakalaking bubble si Kie para ipasok doon si Dion at malunod pero nakita ko si Dion na nagstomp at biglang yumanig ang lupa kaya na-out of balance si Kie, pati na rin ako, at nagsummon si Dion ng isang... Ano ba 'yan? Para siyang giant pero mas matangkad lang ng konti sa amin at kinulong si Kie sa mga bisig nito. Gumagalaw si Kie para makawala pero sa tuwing gumagalaw siya ay nagkakasugat siya dahil gawa sa matitinik na bato ang giant kaya tumigil siya at sinamaan ng tingin si Dion na nasa harapan niya na. Akala ko kung ano ang gagawin ni Dion kay Kie pero... Hinalikan niya lang pala. Kaya nagalit si Kie habang namumula at nagpumiglas sa giant pero hindi siya makawala dahil mas lumalalim ang sugat na matatamo niya 'pag mas gagalaw pa siya. Napatingin ako kina Styx at Marga at ang masasabi ko lang, wow. Nakontrol ni Styx ang katawan ni Marga at pinalapit niya ito sakaniya at... Niyakap. Nakita ko namang umiiyak na si Marga. Kaya siguro naisipan niyang yakapin si Marga dahil umiiyak na ito. Napatingin ulit ako kina Cal at Deimos na parang wala pang balak matapos. Nakawala na si Cal sa tornado na ginawa ni Deimos at nakakaawa ang kondisyon niya. Gusot-gusot na ang damit niya at maraming pasa at sugat. Nang biglang natumba si Cal, nahihirapan nang huminga kaya nag-alala agad ako at lumapit kay Sir. "Sir, hindi na makahinga-" "I know." At binasag niya kaagad ang barrier at agad akong pumunta sa gilid ni Cal. "This training is done." Rinig kong sabi ni sir. "Cal!" Lilingon na sana ako para humingi ng tulong para buhatin si Cal pero lumapit na si Deimos at binuhat si Cal at lumabas ng training room. Agad naman akong sumunod at alam kong sumusunod din ang iba sa'min. May narinig akong bulungan sa gilid pero hindi ko lang sila pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko kay Cal na nahihirapan pa ring huminga. Nang makarating na kami sa clinic ay may sumalubong agad sa'min na doktor at sinabing ilagay ito sa isa sa mga cubicle dito at pinalabas kami. Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas yung doktor. "Hi I am Doctor Shiela. You can call me Doctor Shie." Sabi nito habang nakangiti. "About Cal, He's okay now. He just need some rest." Napahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Doc Shie. Akala ko talaga mawawala na si Cal sa first day ko pa lang dito. Napatingin ako sa mga kasama ko at sinabihan silang magpagamot kaya naiwan kaming dalawa ni Deimos dito. "Ano 'yon?" Inis kong sabi. "What?" Blanko niya lang akong tinignan. "Anong 'what'?! Muntik nang mamatay si Cal tapos ang sasabihin mo, 'what'?!" Galit talaga ako. How can he do that? Nasa rules na hindi dapat patayin ang opponent pero anong ginawa niya? Muntik mamatay si Cal nang dahil sakaniya. Kung hindi yun nadali sa clinic ay baka patay na ang kaibigan namin. "Nasa rules na hindi mo dapat patayin ang opponent mo, 'di ba? Hindi ka ba nakinig? Leader ka pa naman. Kung kaya mong ganunin yung members mo nang ganun-ganun lang, totoong Leader ka ba? Para kasing wala kang awa sa members mo, e." I received a death glare pero hindi ako nagpasindak. "Huwag mokong titigan ng ganiyan, Deimos." Galit kong sabi. "Oo at ilang days pa akong nandito pero masasabi kong ikaw ang pinakaworst na leader na nakilala ko-" "He's alive, Sao. I didn't kill him." Pinutol niya ang sinabi ko. Ramdam ko ang lamig ng pagkasabi niya nito na nagpatayo ng balahibo ko pero hindi yun sapat para mawala ang galit na nasa loob ko. "Oo nga at buhay siya. Pero muntikan mo na siyang napatay, Deimos! Hindi mo ba alam ang pinanggagawa mo, ha? Kung oo, then para sa'kin, hindi ka deserving maging isang leader kung ganiyan ang trato mo sa amin." Tinuturo-turo ko pa siya. May namumuo nang luha sa mata ko nang dahil sa galit ko. "Don't you ever underestimate my leadership, Sao. Baguhan ka lang dito. You don't know everything." Nakaramdam ako ng takot matapos niyang sabihin 'yon pero hindi ako nagpasindak. "Ha!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Sapat na siguro yung nakita ko kanina para masabi kong pinakaworst kang leader. Hindi ako makapaniwala na ang isang anak ng goddess, ang leader ng mga Omegas ay brutal at walang awa." Seryosong sabi ko at pinunasan ang tumulong luha sa mga mata ko. Tinitigan niya lang ako sandali at umalis na. Napaupo ako sa katabing upuan ko dahil nanghihina na ang tuhod ko. Hindi ko aakalaing masasabi ko lahat ng 'yon sa harap niya. Siguro dahil sa galit ko. Pero muntik niya na kasing mapatay si Cal, e. Ganiyan ba talaga ang mga leader? Sa tingin ko kasi ay hindi. "Sao." Binigyan nila ako ng malungkot na tingin at hindi ko napansing umiiyak na pala ako kaya agad kong pinunasan ang luha ko. "Pasensya na. Nadala lang sa galit." Nakayukong sabi ko. Tumabi naman sa'kin sina Marga at Kie para icomfort ako. "I understand that you really care about Cal kasi kahit din naman kami nag-aalala din. Gets namin kung bakit ganun yung reaksyon mo dahil bago ka pa lang dito at first time mong makakita ng ganun. Pero Sao, Mali din kasi ang ginawa mo na pagsigawan siya sa harap ng maraming tao at ikinuwestiyon ang pagiging leader niya." Sabi ni Kie. "Baguhan ka palang kasi dito at hindi mo alam yung mga sacrifices niya para lang protektahan kami. Nararamdaman ko yung nararamdaman mo dahil ganiyan din ang reaksyon ko nung una kong makitang ganoon si Deimos pero wala tayong karapatang ikuwestiyon ang pagiging leader niya dahil hindi pa natin alam ang kwento niya." Napaiyak naman ako. Is it really my fault? Ako kasi, gusto ko lang gawin kung ano sa tingin ko ang nararapat at tama. Pero siguro nga tama sila. Hindi ko dapat pinagdudahan ang pagiging leader niya dahil hindi ko pa siya lubusang kilala. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sakanila. "Sorry." "Ano kaba! Wala kang kasalanan, no! Pinalabas mo lang ang galit mo dahil ikaw talaga yung nakakita doon sa labas kung ano ang ginawa ni Deimos kay Cal at ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama." Napatingin ako kay Marga na nakangiti. "Bilib nga kami sa'yo, e. 'Di ba, Kie?" Sabi ni Dion kaya agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Kie. "But seriously, Nabilib kami sa'yo, Sao. Ikaw lang ang nakasigaw ng gano'n sa leader natin." Sabi ni Styx. "True." Sabi ni Kie. "Paturo naman kung paano mo yun ginawa." "Sabihan mo si Deimos na gawin niya din kay Dion yung ginawa niya kay Cal tapos ayun magagawa mo na yun." Natawa naman yung iba habang si Kie naman ay namula. "N-nakita mo ba yung... " Tinanguan ko naman siya kaya napatakip siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay. Nakita ko yung pamumula ng pisngi niya kaya napangiti ako ng konti. Pero nawala agad ito nang maalala ang nagawa ko kanina lang. "Oi oi yung alin?" Sabi ni Marga. "Wala!" Biglang sigaw ni Kie at sinamaan ng tingin si Dion na tumawa lang. "Mmm. Gets ko na ata." Sabi ni Styx at tinignan na sila Kie at Dion ng mapang-aasar na tingin. "Hala! Yung alin ba? Huhuhu." Mangiyak-ngiyak nang sabi ni Marga. "Hala! So Sao nakita mo rin yung... Yung nangyari sa'min kanina?" Dagdag niya na ikinagulat niya at hinawakan ang balikat ko. "Huwag mong sabihin sa iba huhuhu." Napangiti ako at tumango nalang. "Hoy yung alin?" Sabi ni Kie. "Wala!" At pinipilit na nga nila yung isa't-isa para aminin kung ano yung nangyari kanina habang yung dalawang lalaki ay tumatawa lang. ♕︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD