1

3784 Words
Napagising ako nang may maramdaman akong sikat ng araw kaya bumangon ako at kinusot ang aking mga mata. Agad akong napatayo nang mapansin kong hindi ko ito kwarto. Hindi naman magara at malaki ang kwarto ko, ah? Pero napaupo ulit ako sa gilid ng kama ko ng maalala na nasa Academy nga pala ako. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa sink para maghilamos. "Really, Sao." Napalingon naman ako kay Marga na tawa na ng tawa kaya napakunot ang noo ko. "Bakit?" "May sarili kang cr sa kwarto mo. Bakit diyan ka naghihilamos?" At tsaka narealize ko na nadala ko ang habit ko sa bahay namin noon dito na nasa labas ang cr kaya napayuko ako. Nakakahiya! "Sorry, habit na kasi." Mahinang sabi ko at tinapik-tapik naman niya ang balikat ko at ningitian. "Ayos lang iyan." Sabi niya. "By the way, Grace Day ngayon kaya maligo ka na at nasa sofa lang ang 9 uniforms mo." Napatingin ako sa sofa at nandoon nga ang aking uniporme. "Mags-start na ang klase?" Napatingin ako sa suot niya dahil naka-uniform na siya. "No, silly! It's Grace day. Iyon ay ang makakausap mo ang nanay mo at bibigyan ka niya ng grace. Palagi itong nangyayari before class day so bukas na mags-start ang klase." Napanganga naman ako. Ba't ambilis naman ng klase? Kakarating ko lang kahapon tapos magkaklase na bukas? Hindi pa nga ako sanay manirahan dito, e. "Breakfast is ready!" Sigaw ni Aekishea at nilagay ang pagkain sa lamesa kaya naghanda na ang mga boys ng mga plato. "How's your sleep?" Napatingin ako kay Callisto na lumapit sa'kin at ngumiti. He's Callisto, Son of Eirene, Moon Goddess of Jupiter. "Ayos lang naman. Hindi pa rin sanay sa bagong tirahan." Napatawa naman siya ng mahina sa sinagot ko. "Masasanay ka rin." Napansin ko na normal lang na color ang mata niya at wala siyang highlight sa buhok niya kaya nagtaka ako. Yung iba meron, ang iba wala. Hindi ko nalang pinansin iyon at umupo na sa gitna ni Marga at Aekishea. Ang ulam namin ngayon ay hotdog, tocino, sunny side-up, at omelet. "Hoy, Styx! Ako yung nakaunang kumuha ng hotdog, e." Sabi ni Dion kay Styx na anak ni Hydra, Moon Goddess of Pluto. "Hindi mo naman talaga tuluyang nakuha kasi nakuha ko na agad. Tsaka may hotdog ka diyan. Akin nalang 'to." Natawa naman ako ng palihim dahil sa double meaning na sinabi nito. Hindi ko namalayan na napasabay pala kaming tatlong girls na tumawa kaya mas napatawa pa kami. "Girls." Sabay na sabi ng tatlong boys habang si Deimos naman ay walang pakealam sa mundo. Nang matapos kaming kumain ay kinuha ko ang siyam na uniform na nasa sofa at pumasok sa kwarto ko. Inilagay ko ito sa kama at pumunta sa cr para maligo na at napalaki ang mata sa nakita. Cr ba talaga ito? Ganito kalaki yung kwarto ko noon, e. Paano naging cr lang ito? May bathtub pa pero mas pinili kong pumasok doon sa may glass at naghubad. Nagshower na ako. "Ano ito?" Nag-echo ang boses ko sa loob ng cr habang sinusuri ang isang gamit. Sabon, malamang. Pero hindi ito pangkaraniwang sabon lamang. Napakabango nito. Halatang galing sa ibang realm. Natapos ako sa pagliligo na sinusuri muna ang mga gamit bago ito gamitin. Lumabas ako sa cr ng nakarobe at kinuha ko ang uniporme at pumasok doon sa isa pang pinto sa kwarto ko, ang walk-in-closet. Pagkapasok ko ay namangha agad ako. May mga damit na doon at tinignan ko ang size ng mga damit at nakitang size ko iyon. Paano nila ito nagawa? Kunsabagay, hindi ito pangkaraniwang mundo. Tinignan ko ang uniporme at nakitang iba-iba ito. Tatlong uniporme gaya ng suot ni Marga kanina, tatlong uniporme na sa tingin ko ay isang P.E. uniform at ang tatlong uniporme ay pang-combat? Isinuot ko na ang uniporme na may white blouse, Gold necktie, black with gold linings skirt, at black blazer with gold linings. Sinuot ko na din ang nakita kong black shoes sa cabinet ko na may 1 inch heels. Pumunta ako sa harap ng salamin dito sa closet at napatulala sa nakita. Angganda ko! Mag-aaral ba talaga ako o mamamasyal? Parang hindi naman kasi ako mag-aaral sa ganda ng uniporme. Lumabas ako sa closet at pumunta sa vanity ko at sinuklayan ang buhok ko at nang matapos ay lumabas na ako. "Saan pala ang bilihan ng mga bag? Wala kasi akong bag, e." Sabi ko kay Marga na una kong nakita pagkalabas ko. Natawa naman siya ng marahan. "Halika nga." Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at sumunod ako. Pumasok siya sa closet ko kaya sumunod lang din ako. Hinawi niya ang salamin na nasa closet ko at gumalaw naman ito kaya napalaki ang mata ko. Pagkahawi ng salamin ay tinignan niya ako bago pumasok kaya dali-dali akong sumunod. "This is your bag collection." Napanganga naman ako sa sobrang rami. Mga designer bags, lahat. "Pero hindi mo pa naman kailangang magdala ng bag since Grace Day ngayon. So, tara na?" Sabi niya at tinignan ang suot ko. "By the way, You really look gorgeous in that uniform." Awkward akong ngumiti sakaniya. "Salamat." "Tara na!" Hinila niya ako palabas doon at automatikong sumara ang salamin. Lumabas na kami sa kwarto ko at nakitang naghihintay na ang iba sa amin. "Anak nga ni Luna." Sabi ni Aekishea kaya ningitian ko lang siya. Hindi pa rin talaga ako sanay na tawaging anak ni Luna. Lumabas na kami sa dorm at naglakad sa corridor. "Is she the new Omega? Kaninong anak kaya siya?" "I don't know. Maybe Luna's?" "It's pretty obvious guys. Anak 'yan ni Luna. Sa gandang 'yan, nalilito pa kayo kung kaninong anak yan?" Dapat ba talaga maging maganda kapag anak ni Luna? E hindi naman ako kagandahan, e. Maputi nga lang. "Oi. Registered na ba ako bilang estudyante dito?" Kinalabit ko si Calli na nasa tabi ko. Sa pagkakaalala ko kasi, hindi ako nagregister or nagpaenroll. Hindi ba kailangan ng I.D. dito? Baka palabasin nila ako ng academy dahil hindi ako nagpaenroll. "Iniregister ka na ng Headmaster since isa kang Omega." Sagot nito at ngumiti. Ang cute niyang ngumiti. May dalawang dimples. "Ah. Salamat." Sabi ko at ngumiti nalang ng konti at tumingin sa dinadaanan. "S-Sao?" Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin at nagulat nang makilala ko siya. Siya si Megan Martin. Palagi niya kaming binubully ni Freja noon dahil sa mahirap kami. May kaya kasi sila. Akala ko nagsisinungaling lang siya nang sabihin niya na isa siyang descendant ng isang goddess pero hindi pala. "Megan?" At nakumpirma ko ngang siya nang magulat siya sa sinabi ko. "Bakit ka nandito?" Tumawa siya na parang baliw. "Isang babae na nakatira sa isang squatter ay nandito ngayon sa academia. Seriously?" Napatingin ako sa mga Omegas nang maramdaman ang biglang pagbigat ng atmospera. At nakita ko nga silang blanko ang tingin kay Megan. "Anak ako ni Luna. Ikaw?" Nakita ko naman ang gulat sa mukha nito. "You? A daughter of Luna? Are you joking?" Tumawa nanaman siya pero napalingon siya sa mga kasama ko at biglang namutla. "You're s-serious?" Napatingin siya sa'kin at tinanguan ko siya at mas namutla siya. "I'm really sorry, Omegas. May sira kasi ang utak ng kaibigan ko, e." May biglang lumapit sa amin at awkward na ngumiti. "Anong sira?" Inis na sabi ni Megan pero hinahablot na ng babae ang braso nito. "Sorry po talaga." At tuluyan na nga silang mawala sa paningin namin. "What was that?" Inis na sabi ni Aekishea at tumingin sa'kin. "Kilala mo 'yon? Ano papatayin na ba natin?" "Kalma lang, Aekishea. Gano'n talaga 'yon palagi sa'min noon pa lang sa labas ng academia." Sabi ko. "Magkapitbahay kayo?" Kalmang sabi ni Marga pero halata ang inis sa mukha nito. "Magkaklase." "Huwag niyokong pigilan. Papatayin ko 'yon." Sabi ni Aekishea na pilit kumakawala kay Dion. "Kumalma ka, Kie. Baka ikaw pa ang mapagkamalang baliw dito sa raming nakatingin sa'tin ngayon." Nakakuha ng matalim na tingin si Dion at binatukan agad siya ng napakalakas ni Aekishea. "How can that b***h insult a daughter of Luna? Baliw ba siya?" Inis na sabi ni Aekishea at hinablot ang kamay nito kay Dion. "Kumalma na kayo." Sabi ni Callisto pero hindi pa rin nakikinig si Aekishea. "Ano, Sao? Sugurin na natin?" Kitang-kita talaga sa mukha ni Kie na galit siya. "Tara! Sama ako. Pupugutan ko lang naman siya ng ulo." Nakangiting sabi ni Marga pero nangilabot ang buong katawan ko. Do I really belong here? Nakakatakot na kasi sila, e. Bumuntong-hininga naman ako. "Pabayaan niyo na 'yon. Gaya nga ng sabi ng kaibigan niya, May sira ang utak no'n." Sabi ko at natawa naman ng malakas si Kie at tumawa ang iba ng mahina maliban nga kay Deimos. "Let's go, Omegas." Napatingin kami kay Deimos na naunang maglakad kaya sumunod agad kami sakanila. "And kill that Megan later." Excited na sabi ni Kie pero sinamaan siya ng tingin ni Deimos kaya napanguso nalang siya. Pumunta na kami sa Goddesses Hall at nakita ko doon ang mga statue ng mga Goddesses. Pero hindi ko matukoy kung sino ang mga goddesses dahil pare-pareho lang naman sila. Except kay Luna, of course. Kilala ko ang statue niya dahil may maliit kaming statue ni ina kay Luna sa bahay noon. Nang makita kami ng mga estudyante ay agad silang nagbigay respeto kaya bahagya akong nagulat. Noon lang palagi pa akong binubully. Ngayon ay nirerespeto na ako. Nasaan ang hustisya? "Masanay kana." Bulong ni Calli na nasa tabi ko kaya ningitian ko nalang siya kahit kinakabahan na. "Calli ba itatawag ko sa'yo o Cal?" Bulong ko sakaniya. "Cal nalang. Para akong babae kung Calli." Natawa siya ng mahina kaya mahina ko siyang pinalo sa braso at natawa na rin. Naglakad kami sa gitna na may red carpet at umupo sa harapan. Katabi ko si Marga sa left side at si Cal sa right side. Nang dumating si Headmaster ay nagbigay galang kaming lahat. Nang pinaupo niya na kami ay umupo na kami. "Good morning my lovely Crescents. This is our Grace Day this year and I hope you'll receive a beautiful graces from the goddesses. May the goddesses will guide us throughout this year and protect us and the Academy from harm." Ngumiti sa'min si Headmaster at napatingin sa'ming Omegas. "And welcome to the Academy, Daughter of Luna." Tinanguan niya ako kaya tinanguan ko nalang din siya. Sa akin pala siya nakatingin kanina. Ramdam ko ang titig ng iba sa'kin pero binalewala ko lang ito. "We can now start the Grace ceremony by starting off with the Sapphires. Please fall in line in the statues of your goddesses, Sapphires." Maraming tumayo at naglinya na sa mga statues ng goddesses. "The Sapphires are the chosen mortals of the goddesses. It means walang dumadaloy na dugo ng goddesses sa katawan nila. But they can be as powerful as the Ambers and Jades since they're gifted. Pero limitado lang ang paggamit nila ng mga gifts ng goddesses kaya more on combats talaga sila." Bulong sa'kin ni Marga at tumango ako at napatingin sa mga sapphires. Nakita ko naman si Megan na nakalinya sa isang statue ng isang goddess. So she's a sapphire. Nang matapos ang sapphires ay biglang umingay ang hall. "OMG! I received a glowing bow and arrow! Thank you, Eirene!" "I received a fan with a sharp ends. Kapag ipapaypay ko 'to sainyo ay lilipad ang mga matutulis nito sainyo. Gusto niyo itry ko?" "Pakyu, Jean!" Maraming ingay pa ang narinig ko pero may narinig ako na bigla akong naintriga. "Nakita kong walang nareceive si Megan galing kay Rhea." "She deserves it tho. Kung bastusin niya kasi ang anak ni Luna kanina parang mas superior siya kesa dun sa baguhan." "True. Goodluck sakaniya." Walang nareceive si Megan galing kay Rhea? Bakit? Dahil ba binastos niya ako kanina? Pero sanay naman na ako, e. Kawawa naman siya. "Karma." Bulong ni Kie pero narinig namin ito. "Tapos na 'yon, Kie. 'Wag mo nalang 'yon pansinin." Sabi ko sakaniya na nasa gilid ni Marga. Nasa isang bilog na lamesa kasi kami at katapat ko ay ang walang iba kundi si Deimos. "The Sapphires are already done so please fall in line, B-Ambers." Napatingin ako kay Headmaster nang magsalita ito at lumingon kay Marga, nag-eexpect na ipapaliwanag niya kung sino ang mga ito. "The Betas are divided into two based on their rankings. Mas mababa ang B-Ambers kesa sa B-Jades. Every Quarters kasi ay nagraranking ang Betas. The Betas are the descendants of the goddesses. It's either they're the children of the minor goddesses, whose living with the goddesses or they're the grandchildren of the children of the minor goddesses." Napatango ako sa explaination ni Marga. May minor goddesses pala? Ngayon ko lang alam yon. Marami namang tumayo at nagline na sa statues ng mga goddesses kaya nagtaka ako. "Bakit sa major goddesses naman sila nakalinya kung mga descendants naman sila ng mga minor goddesses?" Tanong ko. "Marereceive nila ang gifts nila from their deities through the major goddesses depende kung nasa'n nakatira ang deities nila." Si Cal ang sumagot kaya napa-'ahh' ako bilang sagot. Deities. Tangina ano naman ang Deities? Yun ba yung goddesses nila? Yun ba? Anrami naman kasing terms nila nakakalito na. Naninibago pa nga ako sa lugar at sa mga nakakasalamuha ko pati ba naman mga terms nila? Jusko puryagaba. Marami pa rin ang mga maglilinya na mga estudyante doon sa statues ng goddesses pero naramdaman ko na ang gutom. Anong oras na ba? Napatingin naman ako sa relo na suot ni Cal kaya kinalabit ko siya at tinuro ang relo gamit ang bibig ko. Buti nalang talaga at naintindihan niya. "It's already 10:36 am." Nagulat naman ako sa sinabi niya at hinablot ang kamay niya na may relo at tinignan ito. 10:36 am na nga. "Kaya pala nagugutom na ako." Hindi ko alam na napalakas ko pala ang boses ko kaya natawa sina Marga, Kie at Cal at napatingin lang ang tatlo sa'min. Halatang hindi narinig ang sinabi ko. Napatingin naman ako sa waiter na lumapit sa amin at may nilagay na mga pagkain sa lamesa namin kaya napangiti ako. "Todo kain agad tayo Sao, ah?" Bulong ni Marga kaya napatawa kaming dalawa sa sinabi niya. Ilang minuto ang nakalipas at nagsimula na kaming kumuha ng pagkain ni Marga kaya nagulat si Dion at Styx. "Hoy! Pwede na palang kumain?" Sabi ni Dion. "Shh. Gutom na kami, e." Sabi ni Marga at natawa pero agad ding nabulunan kaya natawa kami. Agad ko siyang binigyan ng tubig. "Edi kainan na!" May napatingin sa'ming mga estudyante nang mag-agawan na si Dion at Styx ng pagkain kaya napayuko kaming mga babae. "Hindi ko po sila kilala." Mahinang sabi ni Kie. "Hindi po sila Omega opo." Sabi naman ni Marga. "Stop." Napatigil kami sa pag kain at napatingin kay Deimos na seryosong nakatingin sa'min. "Act like a superior infront of everyone, Omegas." Nagdahan-dahan na kaming kumain pagkatapos sabihin yun ni Deimos. "May steak yes." Sabi ni Dion at kukunin na sana ang steak nang maunahan siya ni Kie at binelatan siya kaya napasimangot si Dion at nagpupumigil na kunin ang steak galing kay Kie dahil nakatingin sakaniya ang leader ng Omega. Natapos na kaming kumain at masama pa rin ang tingin ni Dion kay Kie. Napatingin ako sa likod at marami na ulit ang nakalinya. Mga Jades na ata. May naramdaman akong nakatingin sa'kin kaya napatingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang matang nakatuon sa'kin at nakita si Megan na masama ang tingin. "Aba! Napakatapang ng gaga." Napalingon ako kay Kie na nakatingin na din pala kay Megan at tatayo na sana pero pinigilan agad namin siya. "Paano mo nalamang nakatingin siya sa'kin?" Tanong ko. "E, tinignan mo yung side na yun, e edi tinignan ko din kung sino o ano ang tinitignan mo at nakita yung bruha na yun na masama ang tingin sa'yo." Halatang may inis sa boses niya pero pilit niyang pinapakalma ang sarili niya. "Papatayin ko na talaga 'yan, Sao. Sabihin mo lang at ilulunod ko siya sa dagat." Sabi pa nito kaya napabuntong-hininga nalang ako. Nagsalita naman si Headmaster kaya napatingin kami sakaniya. "Congratulations to all of you for receiving your graces today, Sapphires, Ambers ans Jades." Tumigil siya sandali. "Now please get your graces from your deities, Omegas." Tumayo na kami at naglakad sa gitna. "Mabigat pa yung tiyan ko, e." Bulong ni Styx kaya natawa ako. Ako lang ata ang nakarinig sa sinabi niya kaya binalewala ko nalang siya. Agad na silang pumwesto sa harap ng mga statues ng mga goddesses at napatingin naman ako kay Luna at dahan-dahang nilapitan ito. Sa totoo lang ay kinakabahan ako na naeexcite. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakausap ko ang ina ko. Kung magagalit ba ako dahil hindi niya kami tinulungan noon o masisiyahan dahil anak niya ako. Naeexcite naman dahil parang pakiramdam ko dadating na ang malaking pagkukulang na nararamdaman ko palagi. Na kahit masaya ako sa buhay ko noon ay parang may kulang pa din. "Pumikit ka lang at isipin mo si Luna." Bulong sa'kin ni Aekishea bago dumaan. Pumikit na ako at inisip si Luna at naramdaman kong lumiwanag ang statue ni Luna kaya mas napapikit ako dahil masakit ito sa mata. Napabukas ang mata ko nang maramdaman kong wala na ako sa harapan ng statue ni Luna at namangha sa nakita. Nasa isang garden ako na maraming bulaklak at maraming kahoy sa gilid. Ang lahat ng dadaanan mo ay grass. Sa likod ko naman ay isang dagat. Sobrang ganda ng sunrise ngayon. Sa pagkakaalam ko ay kaya may High and Low tide tayo ng dahil sa moon. Pero ang hindi ko maexplain ay bakit may nakikita akong sunrise dito kahit bahay ito ng ina ko? "Sao." Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at halos maiyak sa nakita. Si Luna. Ang ina ko. Ang matagal nang hinihintay ng puso ko. Ang nararamdaman kong kulang sa buhay ko. Gusto kong tumakbo papunta sakaniya at yumakap pero hindi ko magalaw ang mga paa ko sa pagka-overwhelmed. "This is Luna, Sao, your mom." Napaiyak na ako at tumakbo papunta sakaniya at napayakap. "Kay tagal na kitang hinintay. Ba't ngayon ka lang?" Bulong ko. "Palagi akong nasa tabi mo, Sao. Ako ang laging sumasagot sa mga tanong mo noong mga panahong pagod kana at iyak ka nalang ng iyak. Ginagabayan ko din kayo ni Alliyah palagi." Napakalas ako sa pagkakayakap sakaniya at tinignan ang mukha niyang nakangiti. "Palagi kong ginaguide si Alliyah kung paano ka aalagaan at kung paano niyo malalampasan ang mga problema niyo. At kung paano niya nalalaman ang lahat ng mga problema mo? Well, ako ang nagsabi sakaniya. Gusto ko kasi na maramdaman mong may kasama ka sa bawat pagsubok na dadaanin mo. Na hinding-hindi ka niya pababayaan kahit anong mangyari. Lahat ay gagawin ko para sa'yo, Sao." Napahagulhol ako sa sinabi niya. Hindi naman ako iyakin. Hindi ko hinahayaan ang sarili kong umiyak sa harap ng iba. Pero iba ngayon. Pakiramdam ko kasi hindi ako ijujudge ni Luna kahit na anong gawin ko sa harap niya. Kung tumawa man ako ng malakas, umiyak ako, magalit ako, matakot ako, lahat. Pakiramdam ko, lahat ng mga pagkukulang na nararamdaman ko sa buhay ko noon ay napunan agad nang makita ko si Luna. Pinunasan ko ang mga luha ko at kumalma ng konti. "Si ina. Sino si ina?" Sa pagkakaalam ko ay descendant si ina ni Luna pero hindi ko talaga alam kung ano talaga siya. "You mean Alliyah? She's the strongest warrior of mine so I trusted her to you. Wala siya masyadong alam sa pag-aalaga ng bata dahil nakatuon palagi ang pansin niya sa mga espada kaya palagi ko siyang tinutulungan." Napangiti siya. "Don't worry, hindi siya mag-isa ngayon. Umuwi na siya sa totoo niyang pamilya dahil tapos na ang misyon niyang alagaan ka." Napalungkot naman ako. Kahit na hindi ko siya totoong ina at misyon niya lang ang alagaan ako ay siya pa rin ang nakasama ko sa matagal na panahon. Siya ang itinuring kong ina. Siya ang naging sandigan ko, kakulitan ko, katulong ko sa mga problema. Pero masaya din ako para sakaniya dahil ngayon nasa totoong pamilya niya na siya. "Atleast I'm here now, right?" Binukas ni Luna ang mga braso niya kaya niyakap ko siya. "Luna, Anong lugar 'to?" Tanong ko at kumalas sa yakap. "This is my home, sweetie. This is the Moon. My Garden." Nagtaka ako. Nasa space yung Moon, e. Paano nakakatubo ang mga halaman dito? Well sabagay, Goddess siya. Lahat ng imposible ay nagiging posible. "Pero bakit may sunrise dito?" "I want to see my love shining above the Earth." Ngumiti siya pero naging mapait ito. "You mean Sol?" Totoo pala 'yon? Tumango naman ito at walang nagbalak na magsalita sa amin nang ilang minuto. "Sao," Napatingin ako sakaniya at may nakita akong libro sa kamay niya at ibinigay ito sa'kin. "Goodluck to your journey, my daughter. That book will help you to know what your power is." Ningitian niya ako at niyakap ulit. "Salamat, n-nay." Sabi ko at napatawa siya at kumalas na. "You can call me mom." Sabi nito at hinalikan ang ulo ko. "Go back to the Earth, my sweetie. I love you." At napapikit ako sa silaw ng liwanag at napabukas lang ako ng mata nang ramdam ko na nawala na ang liwanag. Nakabalik na pala ako sa Earth. Napatingin ako sa libro na hawak ko at napatingin sa suot kong kwintas. Wala ito noon pero ngayon ay meron na. Nag-iilaw ito at gold na may pendant na S. S for Sao. May narinig agad akong bulungan. "You really look beautiful with that outfit, Sao." Napatingin ako kay Kie na nakangiti sa'kin kaya napatingin din ako sa suot ko at nagulat. Nakasuot ako ng isang sky blue na gown na nagiging green sa baba tapos may glitter ang buong gown. May slit ito revealing my legs and nagulat ako dahil nakabun din ang buhok ko na may iilang hibla ng buhok ko ang hindi nasali sa bun dahil maiikli ito pero bumagay naman ito sa bun ko. Napakunot ang noo ko kung bakit ganito ang suot ko at tinignan si Kie. Pero napatingin ulit ako sa suot ko na naging uniform na ulit kaya napahinga ako ng maluwag. Pero nakabun pa rin ang buhok ko pero hinayaan ko nalang. Napatingin ako sa librong hawak ko at napangiti. I'll really treasure this, Mom. Napatingin ako kay Kie na may hawak na water sword. "New collection." Sabi niya kaya napangiti ako. At natapos na nga ang Grace Ceremony or Grace Day. Basta. At kusang bumagsak ang katawan ko sa kama ko at naramdaman ko nalang na unti-unti na akong kinakain ng kadiliman. ♕︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD