CHAPTER 11. Dalawang araw na hindi ko kinakausap si Lucas at sinasara ko ng maayos ang kwarto ko nang sa ganoon ay hindi siya makapasok. Pinatawag ako ni Tita Belen dahil handa na ang aming dinner. Sabay sabay daw kaming kakain ngayong gabi. Sana hindi pa nakauwi si Lucas para hindi kami magkitang dalawa. Sinilip ko muna siya sa dining area at nalaglag ang mga balikat ko nang makita ko siyang nakaupo at ako nalang ang kanilang hinihintay. “Tita.” Ngumiti ako ng malawak nang tumingin sa akin si Tita Belen. Kita ko ang pagtaas ng labi ni Alex nang tumingin siya sa akin. Umiling pa ito sabay tingin kay Lucas. Ang bakanteng upuan ay nasa tabi lang ni Lucas kaya wala akong choice kundi umupo roon. “Let's eat,” ani ni Tita. Napasulyap ako kay Lucas at nahuli ko siyang nakatitig sa akin.

