Kaya pala ang lamig ni Alex sa akin dahil galit siya nang malaman na may namamagitan sa amin ni Lucas. Kunsabagay, hindi ko naman siya masisi. Nag-aalala lang siya kay Tita Belen kaya nakuha niya akong saktan. Nang dahil sa ginawa ni Lucas kay Alex, pati ako ay naaapektuhan. Sobrang awkward naming lahat dito sa bahay. Walang pansinan. Nilunok ko ang pride ko. Nang makita ko si Alex na palabas sa kwarto ay kaagad ko siyang tinawag at nilapitan. “Alex!” Lumingon siya a akin at masama akong tinitigan. Parang gusto niya ulit akong saktan pero nagpipigil lang ito dahil kay Lucas. “Sorry talaga. Hindi ko naman alam na saktan ka ng ganoon ni Lucas dahil sa akin. I'm really sorry,” malungkot at nakayukong sabi ko dito. Ilang segundo na hindi nakasagot si Alex kaya tiningnan ko siya. Hinawakan

