PLAYCOCK

1584 Words

Ang gusto ko lang naman ay magkabati sina Alex at Lucas nang sa ganoon ay mawalan ng problema si Tita Belen kahit papaano. Sinundan ko si Lucas na papalapit kay Alex nang biglang tumunog ang phone ko. Napaigtad ako at kaagad na kinuha ang phone ko sa aking bulsa. Nakita ko ang pangalan ni Daddy sa screen kaya napangiti ako at sinagot iyon. “Dad, kamusta kana? Miss na miss na kita!” Masayang bati ko sa kanya. Bumuntong hininga si Daddy mula sa kabilang linya. “Abby, binalita sa akin ng Tita Belen mo na palaging nag-aaway ang magkapatid simula ng dumating ka. Sabihin mo nga sa akin, ano ba ang nangyayari diyan?” tanong nito. Ibig sabihin ako ang sinisisi ni Tita Belen sa mga nangyayari sa kanyang anak? Ang kasalanan ko lang naman ay iyong nahuli kami ni Alex na kumakandong ako kay Lucas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD