Episode 12

1743 Words
Tumawa lang siya at inakay na si K-m papasok. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Hindi naman ako nag-invite ng iba pa bukod sa barkada. Pinagpapalo ko ang mga boys para magising. Sa kubo na lang sila matutulog dahil maliit lang ang kwarto ko at hindi kami kakasyang lahat. Pagkapasok ko sa kwarto ay nagbihis muna ako bago nakisiksik sa dalawang lasing na at prenteng nakahiga na sa kama ko. 8:30 nang magising ako pero wala na ang dalawa sa tabi ko. Paglabas ko naman ng kwarto ay bihis na bihis na silang lahat habang ako ay kulang na kulang pa ang tulog. Mas maaga pa sila sa akin. Ngayong araw ng linggo ay pupunta kami sa resort na kung saan manager ang mama ni Chadler. Napag-planuhan lang ito habang umiinom sila kagabi. "Ang aga mo naman girl," sarcastic na ani ni K-m. Nginitian ko na lamang siya at ang iba lang naroon. Natawa na lang ako at nagdiretso sa banyo para makaligo. Ngayon ko lang narealized na bakit prepared na prepared ata silang lahat? Kahapon pa lang ay dala na nila ang kanilang mga damit. Ako lang ata ang nainform ng late noong nag-iinuman sila. Suot ang white croptop at highwaist black short ay lumabas na ako ng cr. Sa kusina ay nakasalubong ko si Bryle. Agad niya akong nginitian at niyakap na agad ko namang sinagot ng isa pang mahigpit na yakap. Morning hugs. "Good morning. Ngayon araw palang natin mace-celebrate ang anniversary natin. I love you," bulong niya at hinalikan ako sa noo. Bigla kaming napabitaw sa yakap nang biglang pumasok si papa kasunod si Chadler na nasa likuran. Sumipol pa siyang ngingiti-ngiti. "Huli pero di kulong" nakakalokong sambit niya pa. Tinignan lang ako ni papa na may pagtataka sa mukha. Hindi ako makatingin ng diretso kaya't nagmamadali nalang ako umalis para iwan silang tatlo. Ready na ang lahat ng dadalhin at babaunin namin. Masasabi kong maaga talaga silang gumising para dito. Pinasadahan ko ng tingin ang tatlo na kanina pa sa harap ng salamin. Kaming tatlo ni Phoebe at K-m ay parehas lang ang outfit habang si Bakla lang ang naiiba. Nakawhite see through off shoulder siya kaya kitang-kita ang black bikini top niya. Para na talaga siyang babae dahil sa slim niyang katawan. Nagcommute nalang kami papunta sa Resort na sinasabi ni Chadler. Mahigit isang oras at kalahati ang byahe. Wala naman kaming ibang ginawa ni Bryle sa loob ng sasakyan kundi ang magharutan kaya atat na atat nang makarating si K-m sa resort dahil naiirita na daw siya sa kaharutan naming dalawa. Kaya tuloy mas lalo kaming nagharutan ni Bryle para mas lalo siyang mainis. Paradise Resort ang pangalan nito. Pagkapasok palang sa malaking gate ay agad kaming winelcome ng mga crew. Lima silang lalaki na hindi maipagkakailang gwapo. Pumila pa sila at sabay-sabay na yumuko. They greeted us warmly. Natutuwa naman kaming ngumiti. Nasa front desk pa kami at kinakausap pa ni Chadler ang receptionist dahil ang sabi niya sa amin ay may discount daw kami dahil mama niya ang manager dito. Hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ay may mga iilang kumakain at ang iba pa ay foreigner. Dito na siguro ang kanilang restaurant. Ang kanilang swimming pool na may nangingilan ring naliligo habang sa kaliwang side nito ay ang 5 storey building. Sinundan namin ang crew na nagbibigay direksyon kung saan ang magiging cottage namin dahil sa mismong dagat talaga kami maliligo. Marami ring cottage na ngunit iilan lang ang akupado. Pagkarating sa cottage ay agad na kaming pumunta sa gilid ng dagat habang hila-hila si Jarred para sa picture taking. Dahil ayon kay K-m, mas maganda talagang magpicture muna bago kumain para pagkatapos ng picture ay pwede kanang kumain ng kahit gaano karami. Maganda ang dagat at malinis. Mayroong parte na kulay puti at kulay blue. Kakaunti lang ang tao at kadalasan ay magbabarkada rin gaya namin ang narito. Todo pose namin kami sa harap ng camera ni Jarred. Feel na feel ko ang suot kong black two piece dahil confident naman ako sa curve ko plus flat stomach dahil hindi pa ako nag-agahan ng umalis. Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom. Nang makuntento sa mga kuha na ipinakita sa amin ni Jarred ay agad na kaming bumalik sa cottage. Nadatnan namin ang mga boys sa pagpre-prepare ng mga pagkain. Agad akong nagutom nang makita ang pakwan! Kukuha na sana ako ng isang ng biglang tinapik ni Alexander ang kamay ko. "Kanin muna bago yan. Malamig yan" masungit niyang sabi. Lumapit na lang ako sa pwesto ni Bryle at doon nagpabebe. Kinuhanan niya na ako ng makakain na agad ko namang nilantakan para makakain na ng pakwan. Favorite ko talaga ang pakwan at hinding-hindi ako papayag na hindi ako makakakain nito. Natatawa akong pinapanood ni Bryle habang lumalamon. Hindi ko nalang siya pinansin habang ang iba ay nag-umpisa na ring kumain. "Sinong mag-iisip na sa ganda ng katawan mong yan ay ganyan ka pala kumain" naiiling ngunit natutuwa niyang sambit. Inirapan ko nalang at ipinagpatuloy ang pagkain. Umalis naman siya sa tabi ko at pagbalik ay may dalang kalahati ng pakwan. "Ubusin mo yan ha" Agad naman akong tumango at inumpisahan nang bawasan ang kalahating pakwan habang siya ay nagsimula na rin sa pagkain. Paminsan-minsan pa ay sinusubuan niya ako. Tapos na silang lahat pero hindi ko pa ubos ang pakwan ko. May kaunti pang natira. Kaming dalawa nalang ni Bryle ang naiwan sa cottage. Nakayakap siya sa tiyan ko habang nakasiksik ang mukha niya sa aking leeg. Ang sabi niya kanina ay inaantok siya. Mula dito sa cottage haggang sa dagat ay tanaw na tanaw ko silang naglalaro ng volleyball. Kanina ko pa pansin ang pagdikit-dikit ni Chadler kay Phoebe pero parang wala lang kay Phoebe iyon. Mahangin kaya medyo nilalamig ako dahil naka-two piece lang ako. Hindi na ako nag-abalang magdamit dahil sanay na sanay na rin ang mga boys sa aming apat na Maria. Pero sakto nalang ang lamig nang yakapin ako ni Bryle. Nang maubos ang pakwan ay tinapik-tapik ko siya sa kanang pisngi. Nakatulog nga ang loko. Agad naman siyang nagising at nag-unat. Tinanggal na niya ang shirt at nakakalaway na pandesal ang bumati sa akin. Tanging board short nalang ang suot niya. Wala sa sarili akong napasandal sa aking inuupuan at napatitig sa kabuuan niya. Parang gusto ko nalang na dito kami sa cottage kaysa maexpose ang pandesal. Para sa akin lang yan! "Babe tara na" "Baby tara na" tamad na ulit niya. "BABE!" Sigaw niya. "Ay anim na pandesal!" nasabi ko sa sobrang pagkakagulat. Malakas naman siyang tumawa. I just glared at him. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko! Tawa parin siya nang tawa kaya nauna na akong nagmartsa papunta sa dagat kung nasaan ang barkada. Kung bakit naman kasi nanggugulat. Pwede namang tawagin ako ng maayos diba? "Baby! Melody! Ano ung sinabi mo?" Rinig ko parin ang tawa niya. "Sabi ko gusto ko ng pandesal" sigaw ko. "Anong klaseng pandesal?" Sigaw niya pabalik. Hindi na ako sumagot at agad na lumusong sa tubig. Nasa leeg ko na ang tubig nang tumigil ako para tingnan ang barkada. Naglalaro parin sila ng volleyball habang si Bryle ay diko makita kung nasaan. Napasigaw nalang ako nang may biglang tumama sa legs ko at kamay na humawak sa pwet ko. Handa na ang kamao kong manuntok nang biglang umahon ang lalaki habang nahihirapang alisin ang googles niya. "KEN!?" "ANASTHASIA!?" Sabay naming sigaw habang nagugulat. Nang makabawi ako ay agad ko siyang sinuntok sa may panga. Agad naman siyang napa-aray at sinamaan ako ng tingin. Ang kapal naman nga ng mukha. "Oh ano? Tinitingin-tingin mo? Deserve mo yan dahil hinawakan mo ang pwet ko" sigaw ko sa mukha niya. Agad namang nagbago ang galit niyang ekpresyon sa malambot. Nakahawak parin siya sa panga niyang tinamaan ng kamao ko. Masama parin ang tingin ko. Namumula nga ang mga mata niya pati na rin ang dibdib. Siguro ay dahil sa init. Ngayon ko lang napansin na maganda rin pala ang hubog ng katawan niya. Pero mas maganda ang kay Bryle. "Sige. Ano namang rason mo?" "Hindi ko talaga sinasadya okay? Napasukan kasi ng tubig ung gogles kaya hindi ko napansing may tao" malumay niyang pagpapaliwanag. Inirapan ko nalang siya. "Whatever" ani ko at tinalikuran na siya para makapunta na sa mababaw na parte ng dagat. May lalaki kasing lumapit sa kaniya at may tinanong. Familiar siya sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. "By the way, nice butt" sabi pa niya nang hindi pa ako masyadong nalalayo ang distansya niya namin bago ipinagpatuloy ay pakikipag-usap sa bagong dating. Tumingin ako sa gawi nilang dalawa. Busy na sila sa pag-uusap pero wala akong pakialam. Biglang uminit ang ulo ko kay Ken. "f**k you" I hissed at Ken. Natigil naman sila sa pag-uusap. Sumipol lang ang lalaking pamilyar sa akin habang si Ken ay tumatawa lang. Hindi ko na sila tinignan at nagpatuloy sa paglayo. Bastos rin pala ang isang iyon. Bakit ba lagi nalang siyang sumusulpot-sulpot kung nasaan ako? May lahi ba siyang kabute? Nang makarating ako sa mababaw na parte ay siya namang dating ni Bryle at niyaya ulit akong lumangoy. Hindi ko na binanggit ang about kay Ken dahil hindi naman niya iyon sinasadya tulad ng sabi niya. Medyo nakakalayo na kami at hindi na masiyadong makilala ang mga tao sa may buhanginan. Buti nalang at wala ng epal Ken sa paligid. Nakayakap ako sa leeg ni Bryle habang siya naman ay nakayakap sa baywang ko. Tinanong ko siya kung saan siya galing at ang sabi niya ay naglibot-libot lang. Nakatanggap naman siya ng ilang kurot sa akin. Hindi niya ako sinama, baka may lumandi na sa kaniya kanina pero ang sabi niya ay wala naman. Inayos niya ang bangs kong magulo at tinitigan ako sa mata. "I love you Anasthasia Melody Marie Cruz. I promise that I won't never leave and hurt you. I won't. Never" malambing niyang saad habang hinahaplos ang kanang pisngi ko. Hinalikan niya ako ng marahan na agad ko namang sinagot ng matamis na halik. Ibang-iba sa mga napapanood ko na halos masaktan na ang babae. Pero ang paraan ng paghalik niya ay parang nanlalambing. Mabagal ngunit sobrang emosyunal. Tumigil kami para sa makasagap ng hangin. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa at pinaglaro ang aming mga ilong. "Happy first anniversary my love," aniya pagkatapos ay matunog siyang huminga ng malalim. "I love you so damn much," dugtong niya pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD