Episode 13

2005 Words
Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay naramdaman kong pinisil niya ang aking pwetan dahilan para mahampas ko siya sa kaniyang dibdib. Agad niya namang nahuli ang dalawa kong kamay saka inatake na naman ako ng halik na para bang kasalanan na ang huminga ngayon. Kung sabagay ay pwede namang huminga sa bibig ng isa't-isa. Kapwa kami nakapikit. Nanghihina na ako dahil sa sensasyong binibigay niya. Siya na mismo ang nagsukbit ng dalawa kong kamay sa kaniyang batok saka hinapit ang aking baywang at mas nilapit pa sa kaniya. Mas lalong lumalalim ang halikan namin. Parang candy ang mga tuhod kong nalulusaw dahil sa tirik at mainit na araw. Mabuti na nga lamang talaga at hawak niya ako. I suddenly pushed Bryle away when someone showed up infront of us! What the f**k!? Para akong nabuhusan ng malamig na tubig kahit na nasa dagat naman na ako. Ramdam na ramdam ko ang kahihiyan dahil sa init ng mukha na hindi naman dahil sa tirik ng araw kundi dahil sa pagkapahiya talaga. "Awts gege," nakakaloko niyang saad habang nakapalobo ang pisngi at nakapiece sign. Ngunit hindi ko magawang matuwa at hindi na naayos pa ang noo kong nakakunot na. Agad din siyang lumangoy palayo habang winawagay ang isang kamay. Indikasiyon nang pagpapaalam. Siya ang lalaking kausap ni Ken kanina na pamilyar sa akin pero hindi ko parin maalala kung saan ko siya nakita. Masama parin ang tingin ko kung saan siya lumangoy. Imposibleng hindi niya alam na naroon kami. Inaya ko na lang si Bryle na bumalik sa cottage dahil nadadagdagan na naman ang init ng ulo ko. Nasa tubig na nga ako ay umiinit parin ang ulo ko. Nandito ako para mag-enjoy pero sinisira ng dalawang lalaking iyon ang araw ko. Habang lumalangoy pabalik ay may narealized ako. Malinaw ang tubig at kitang-kita ang mga star fish. Tumingin ako kay Bryle na nasa kaliwa ko. Malinaw kong naaninag ang kabuuan niya. Sinadya ni Ken at ng lalaki na pamilyar sa akin ang ginawa nila. Siguro maniniwala pa ako kay Ken dahil suot niya ang goggles niya at inalis lang nang makaahon dahil napasukan daw ng tubig. Ang lalaking pamilyar sa akin ay walang suot na goggles. Ang ibig sabihin lang non ay nakita niya kami ni Bryle pero sinadya niya paring sa mismonh harapan namin ni Bryle umahon. Mas lalong nag-init ang ulo ko sa dalawang iyon! Mga panira ng araw. Nang makaahon ay nagdiretso ako sa cottage habang si Bryle ay nakisali sa barkada na naglalaro parin ng volleyball. Wala na akong mahanap na coke at puro royal nalang ang mayroon. Nauuhaw ako at gusto ko ng softdrink pero wala nang coke. Pupunta nalang ako sa restaurant ng resort. Hindi naman kalayuan sa cottage namin kaya pupunta nalang ako mag-isa. Dumaan muna ako sa cr para isuot ulit ang damit ko at short. Giniginaw na kasi ako at ayaw ko namang maglakad-lakad nang naka two piece lang. Naka-bun na rin ang basa kong buhok bago dumiretso sa restaurant. Bumabakat na ang suot kong bra dahil nababasa na rin ang top ko. Okay na ito kaysa naman sa lamigin ako. Nasa entrance palang ako ng restaurant ay kitang-kita ko na ang lalaking pamilyar sa akin na kausap ni Ken na umahon sa harap namin ni Bryle habang naghahalikan kami. Agad na nag-init ang ulo ko. Prenteng-prente siyang naka-upo sa high chair sa may bar counter habang umiinom ng malamig na beer. Bukas lahat ang butones ng kaniyang white polo habang nakasuot ng black aviator. Nakatingin lang siya sa pool na walang tao. He looked at my direction so I turned my gaze. Bakit ba siya bigla-biglang tumitingin dito? Siya naman ang may atraso sa akin ngunit parang ang may nagawang kasalanan dahil hindi ko masagot ang kaniyang mga tingin. Nang makarating sa bar counter ay agad akong naglaway sa watermelon shake nilang nasa menu kaya iyon nalang ang inorder ko. Dalawa lang ang high chair nila so I have no choice. I sat beside this familiar guy. Nandito ako para sa inumin, hindi para sa gulo. Nananahimik na lang ako nang bigla siyang nagsalita kaya't agrisibong akong napatingin sa kaniyang gawi. "I guess you're just below 20. How can you kiss so good hmmm?" he asked without looking at me. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiisulto dahil hindi ko mapangalanan kung isa ba iyong insulto o compliment. Napatingin ako sa bote ng mga beer na nasa kaniyang harapan na panay wala nang laman. Pang-lima na niya ang hawak-hawak niya. Lasing na siya! "So nakita mo naman pala talaga kami. Bakit ka pa umepal? Pwede ka namang mag-iba ng direksyon." I calmly said. Ayaw ko naman mag-eskandalo dito. Lalo pa't lasing na ang lalaking ito. "Because you two guys are getting intimate and I don't like it," he said. This time, he looked straight on my eyes while slightly slide down his aviator to make an eye contact. I rolled my eyes at him. He's unreasonable. Ano naman ngayon kung hindi niya gusto? Ano naman sa kaniya? Samantalang hindi ko nga siya kilala. I heard his sexy chuckles. No! Erase that! I heard his annoying chuckles. Tss. There's no even funny. Hinila niya ang upuan ko palapit at pinaharap sa kaniya gamit ang kaniyang dalawang kamay. Ni hindi nga ata siya nahirapan upang gawin iyon. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakapag-react. Nanlalaki lamang ang aking mga matang nakatingin sa kaniya. His pandesal is waving at me. Ang binti ko ay kinulong niya sa kaniyang mga binti. My eyes widen even more when he reached my bangs with his left hand. Inayos niya ito nang dahan-dahan at sa maamong paraan na para bang isang akong pusa kaya't ingat na ingat siya sa akin. Diretso lamang ang tingin niya sa aking mga mata. Ang suot niyang aviator kanina ay ngayon ay nakataas na sa kaniyang ulo kaya't kitang-kita ko nang malapitan kung gaano kaganda ang kaniyang mga mata. His eyes were so expressive. Ngayon ko lamang naman ito nakita nang ganito kalapit ngunit pakiramdam ko'y mayroon siyang gustong sabihin. Ang kaniyang pilikmata ay mas mahaba sa akin. Nang mailapag na ang order ko ay agad ko na itong kinuha. Hindi na ako nag-abala pa at agad na nagbayad. Naramdaman niya sigurong gusto ko nang makaalis kaya't siya na mismo ang nag-urong sa upuan niya para makadaan ako. Narinig ko pa ang sigaw niyang pamamaalam. Lasing na talaga siya. Nang makabalik sa cottage ay naglalaro parin sila. Mabilis parin ang t***k nang puso ko dahil sa ginawa ng lalaking iyon. Kinakabahan parin ako kahit na alam ko sariling wala akong ginawang masama at mali. Naupo na lang ako sa aming cottage habang nanonood sa barkada. Marunong naman akong magvolleyball pero tinatamad ako dahil sa sobrang init. Ang tatlong Maria ay namumula na ang balat sa init. Nakatwo piece lang sila habang ang mga boys naman ay tanging board shorts lang ang suot. Exposing their perfectly toned bodies. Marami ring nanonood sa kanila at kadalasan ay mga babaeng nagpapacute. "Matagal na ba kayo ng boyfriend mo?" I looked at the direction where the voice came from. Ang lalaking familiar ay nasa kabilang cottage pero nakaharap sakin. Sinundan niya ba ako? Bakit nandyan na naman siya? Kung pwede lang ay kanina ko pa binato dahil sa hindi magandang pakiramdam sa kaniyang presensya. "Are you talking to me?" Kunot-noo kong tanong. He simply nodded. Mukha pa nga ata siyang nawawala ng gana na para bang ako na ang pinaka slow na tao sa buong mundo. "You don't seem remember me" aniya. Taka naman ako napatingin ulit sa gawi niya at naghintay sa susunod niya pang sasabihin. "Ako lang naman ung pinalo mo sa pwet habang nasa public place without even making sure if you really know me," he explained then bit his lower lip sa hide his smiles. Mukhang natutuwa siya sa kaniyang naaalala. Gumuhit ang gulat sa aking mukha. Ni hindi ko na nga naiisip ang pangyayaring iyon dahil sa kahihiyan. Dahan-dahan kong tinakpan ng aking kanang kamay ang bunganga kong nakabukas. Kaya pala familiar siya sa akin! Natawa na siya ng tuluyan sa aking reaksyon. "Uh, about that. I'm really sorry. I really thought you're Bryle." pagpapaliwanag ko ng mabilisan. Hindi ko mahanap ang tamang salita upang makumbinsi siyang nagsisisi na nga ako sa katangahang aking ginawa. "But, I'm Bryle" he said and shrugged his shoulders. Agad naman nangunot ang aking noo. "Huh?" Nagtataka kong tanong. "My name is Bryle. But when I saw how shocked you are that day, I assumed ibang Bryle ang tinutukoy mo and nabanggit mo ngang you thought I'm Bryle but I really am." Paliwanag niya at tumungga sa hawak-hawak niyang beer. Wala na siyang suot niyang aviator kanina at ang butones ng pulo niya'y nakasara na maliban nalang sa tatlong nasa itaas kaya't kitang-kita ang matipuno niyang dibdib. Wala sa sarili akong napatango sa kaniya. Hindi pa ba siya lasing? Pero mas mukhang maayos siyang kausap ngayon kaysa kanina. "Uh about that day, I'm really sorry." Saad ko gamit ang sinsiridad na tono. Hindi ko magawang tumingin sa kaniyang gawi kaya't yumuko na lamang ako at pinaglaruan ang biniling inumin. "It's okay. It's just that, nagulat lang ako sa biglaan mong pagpalo." Sagot niya at tipid na ngumiti saka tumungga ulit sa kaniyang iniinom. Hindi na ako sumagot at tumingin na lang ulit kung saan busy parin sila sa paglalaro. Nasaan na ba si Bryle? "Kung alam ko lang na ganyan kaganda sayo ang papalo sa akin ay willing ako kahit ano pang gawin mo sa pwet ko," dagdag pa niya. Agad naman akong napangiwi sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko mahanap kung saang parte iyong nakatutuwa roon kung bakit siya nakangiti. Lasing na talaga ang isang to. Tumungga pa siya ng beer bago naglakad at lumapit sa akin. I don't know but I don't find him creepy unlike any other drunk guys. He has that soft aura pero may parte parin sa aking hindi komportable. Hindi naman pala siya masungit. Siguro ay nagulat lang siya dahil sa biglaan kong pagpalo kaya't nagsungit. Kahit naman siguro kung sa akin iyon nangyari ay paniguradong magsusungit nga ako. Nang makalapit siya sa akin ay hinawakan niya ang baba ko at dahan-dahang itiningala sa kaniya. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan ngunit hindi ko magawang magprotesta. Tumingin siya sa aking mga mata gamit ang lasing ngunit maganda paring mata. How can someone like him be this beautiful? Para akong nahihipnotismo sa ganda ng kaniyang mga mata. "Don't be fool by his words" he said drunkly. His forehead creased. He blinked twice before continueng what he's saying. "By looking at you, I know you're a smart girl. Don't be gullible. Al'right?" He asked and opened his eyes to make sure if I'm listening. Wala sa sarili akong napatango. Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya lang masabi. Sinabayan niya ang tango ko habang nakangiti. Na para bang masaya siya dahil nakikinig ang kaniyang trabahante sa kaniyang amo. Siya ang amo, at ako ang kaniyang utusan. "Good girl," aniya habang nakapikit. He pat my head before leaving me clueless of what he's talking about. Tulala parin ako kung saan siya dumaan. Hindi ko napansing nakabalik na pala ang barkada. Natauhan nalang ako nang biglang may kamay na pumulupot sa aking baywang. Pagtingin ko ay si Bryle na basang-basa sa pawis ang sumalubong sa akin. Agad kong inabot ang shirt niyang tinanggal niya kanina para pampunasa ka katawan niyang basang-basa. Natatawa naman ako habang pinupunasan ang mga pawis niya. Nakapikit kasi siya habang nakangiti. Feel na feel ang pagsisilbi ko sa kaniya. Ganoon na lang ang gulat ko nang mapatingin ako sa gawi ni K-m na nasa tapat namin habang kumakain ng mani. Nakangiwi siya habang ngumunguya at nanonood sa amin ni Bryle. Natawa na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Pagkatapos ay nagharutan kami nang harutan sa harapan ni K-m para mas lalo siyang mainis. "You guys are so annoying" naiinis na reklamo niya atsaka walang kung anong nagwalk-out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD