Monday came. The smell of the sea, wild waves and crystal clear water of Paradise Resort dissapeared. Welcome back to reality self.
Nasa room kami ng barkada. Kami-kami lang ang narito habang kumakain ng lunch. Nakapabilog ang upuan namin. Ubos na ang kanin at ulam kong binili sa canteen. I looked at Alexander which is busy on his phone. May katext siguro. Napatingin ako sa pinggan niyang may limang hotdog. Sinong mag-aakala na sa laki at lalaking-lalaki siyang tignan ay favorite niya ang hotdog.
"Patikim ng hotdog mo ah," paalam ko habang tumutusok na ng isa.
Agad naman siyang tumingin sa gawi ko habang gulat na gulat. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang laglag ang panga. Si Jarred ay munting nang mabilaukan sa kaniyang kinakain. May sinabi ba akong mali? Hindi ko nalang sila pinansin at kinain na ang hotdog ni Alexander.
Hindi parin sila tapos kaya iniwan ko nalang sila para bumili ng paborito kong milktea. Hindi pa ako nakakatawid sa kabilang kalsada kung nasaan ang milktea shop ay mayroong humarurot na sasakyan sa aking harap. Sobrang lapit at kung hindi lang ako nakaatras ng ilang hakbang ay paniguradong nahagip na ako. Napaupo ako dahil sa biglaang pag-atras kanina. Ang motor ay tumigil di kalayuan sa akin pero hindi na ako nag-abalang tumingin. Hawak ko parin ang aking dibdib na mabilis ang pagtibok. Para akong aatakihin sa puso!
Napatingala ako nang may nag-abot ng kamay sa harapan ko. Gulat man ay hindi ko pinahalata. Siya na naman? Magulo ang kaniyang buhok habang nag-aalalang tumingin sa akin. Kung hindi lang niya ako muntik na mahagip ay iisipin ko pang isa siyang anghel kahit na nakasuot siya ng all black.
Agad akong tumayo nang hindi tinatanggap ang kaniyang kamay. Hindi na ako nag dalawang-isip pa at agad na pinalipad ang aking kanang kamao sa kaniyang kaliwang pisngi. Malakas ang pagkakasuntok ko dahil pati ang kamao ko ay masakit at namumula na. Humihingal akong tumingin sa kaniyang kaniyang kaliwang kamay na hawak ang kaliwang pisngi na aking sinuntok. Ang kaniyang kanang kamay ay hawak-hawak ang isang itim na helmet.
Aalis na sana ako sa kaniyang harap pero hindi pa ako kuntento. Agad kong sinipa ang nasa pagitan ng kaniyang hita. Agad naman siyang napahiyaw sa sakit habang hawak-hawak ang gitna niyang parte at nagtatalon-talon. Mariin siyang nakapikit at pati ang kaniyang helmet na hawak-hawak kanina ay nabitawan na niya.
"Good bye future babies" magiliw kong saad habang peke akong nakasimangot. Serves you right asshole. Kinawayan ko pa siya ng bahagya bago ipinagpatuloy ang pag-tawid para makabili na ng milktea. Nandito na rin naman ako kaya't bakit hindi nalang ipagpatuloy diba?
Pagkakuha ko ng aking order ay agad na akong umalis. Hindi pa ako nakakatawid nang mapansin kong nasa hindi kalayuan sa akin ang lalaking muntik nang makasagasa sa akin. Kausap niya ang president naming nakapameywang sa kaniyang harapan habang siya naman ay nakasandal sa kaniyang motor at hawak-hawak ang namumulang pisngi na aking sinuntok.
Napansin siguro nilang may nakatingin kay napatingin silang dalawa sa gawi ko. Agad akong sinamaan ng lalaking nakasandal sa kaniyang black Ducati habang si president naman ay nakakunot na naman ang noo. Parehas ko silang inirapan. Sila pa ang may ganang magalit samantalang ako ang muntik nang masagasaan.
"BRYLE!" Rinig kong frustrated na sigaw ni president. Paano siya nagkaroon ng ganiyang klaseng kaibigan?
Hindi pa ako nakakalayo sa gate ay mayroong marahas na kamay ang humablot sa aking kanang braso. Agad ko naman itong iwinaksi pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso. Sinamaan ko siya ng tingin at ganoon rin siya sa akin. Ano bang problema ng isang to?
"Ano ba! Nasasaktan ako" saad ko at iwinaksi na naman ang pagkakahawak sa aking braso. Agad naamn niyang tinanggal ang kaniyang pagkakahawak at pinadausdos sa aking papulsuhan. This time ay hindi na masiyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.
"Kita mo 'to?" Tanong niya at ituro ang kaniyang namumulang pisngi gamit ang kaliwang kamay.
"Malamang nakikita ko. May mata kaya ako. Duhhh?" Pambabara at inirapan siya.
Ginulo niya ang kaniyang buhok dahil sa inis. Nababaliw na ba ang isang to?
Agad niya akong hinila papunta sa kaniyang motor kung saan naroon ang president naming nakacross-arms lang! Hindi niya ba susuwayin ang kaibigan niya? Muntik pa akong madapa sa pagkakahila niya dahil sa sobrang bilis niyang maglakad.
"Bry--" hindi niya pa pinatapos ang sinasabi ni president at agad na nagsalita.
"Excuse her to your teacher. Sabihin mo nagka-LBM" malamig niyang saad at isinuot ang itim na helmet sa akin.
Nagtataka naman akong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Bakit ba niya ako sinuotan ng helmet?
"SAKAY!" napatalon pa ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw. Malamig ang kaniyang boses pero nakakatakot parin ang kaniyang tono. Bakit ba siya sumisigaw?
Nang hindi parin ako kumikilos ay na siya na mismo ang nagsakay sa akin sa kaniyang Ducati. Walang kahirap-hirap niya akong inangat habang hawak sa aking magkabilang baywang. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa gulat at natatakot akong gumawa ng kahit anong galaw. Mahuhulog ako at medyo mataas ito dahil hindi naman ako katangkaran.
May sinasabi siya kay president pero hindi ko maintindihan dahil inaalala ko pa ang taas nitong kaniyang motor at natatakot parin ako sa kaniyang aura. Kahapon ay ang lakas ng trip niya pero bakit siya galit na galit ngayon?
Nang matapos siya sa kaniyang sinasabi ay agad na siyang sumampa at pinaandar ito. Rinig ko pa ang sigaw ni president. Mabuti nalang at agad akong nakayakap sa kaniyang baywang dahil kung hindi ay paniguradong mahuhulog ako pabaliktad.
Mabilis ang paandar niya kaya't nakapikit ng mariin ang aking mga mata kahit na nakayakap na ako ng mahigpit sa kaniya. Bakit ba feeling niya ay kasama kami sa isang motor race? Hawak-hawak ko parin ang binili kong milktea kanina at hindi ko pa nakakalagati. Sayang naman kung itatapon at favorite flavor ko ito.
Ramdam kong mas domoble ang bilis ng kaniyang paandar. Ang aking katawan ay dikit na dikit na sa kaniyang likod. Saan ba kami pupunta? Ramdam kong bumagal na ang kaniyang paandar pero nakapikit parin ako. May naririnig akong malalakas na alon at amoy ng dagat? I immidiately opened my eyes and to my suprise we're at the Paradise resort near the front desk. Inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kaniya nang bigla na naman niya itong paandarin. Muntik na naman akong mahulog pabaliktad kung hindi lang ako agad na nakahawak sa kaniyang itim na damit. Bakit ba gustong-gusto niya nang pabigla-bigla?
Itinigil na niya ang kaniyang Ducati nang makapark na nang maayos. Agad namang siyang bumama at naglakad na paalis. Bumalik rin siya nang napansing hindi parin ako bumababa. Agad niya akong nilapitan at siya na mismo ang nag-alis ng helmet.
"Tsk. Ang arte arte" bulong niya na dahilan nang aking pag-irap.
"Bakit ka bumalik? May naiwan kaba?"
"Oo. Ikaw" sagot niya nang mahina pero mahihimigan parin ang lamig sa kaniyang pananalita.
Walang kahirap-hirap na naman niya akong ibinaba na parang bata. Nang makababa ay saka ko lang napansin ang basa sa kaniyang itim na pantalon. Sa may bandang zipper pababa at sa kaniyang bandang hita ay basa! Napatingin ako hawak kong milktea.
Nang mapansin niya ang tinitignan nang nanlalaki kong mata ay agad rin siyang napatingin sa kaniyang pantalon kasunod sa hawak kong milktea. Para siyang naka-ihi sa pantalon niya!
"WHAT THE f**k!!?" Sigaw niya na nagpapikit sa akin ng mariin. Tinitignan niya lang ang pantalong niyang nabasa at hindi alam ang gagawin. Kahit sinong makakakita sa kaniya ay aakalain nilang nakaihi nga siya sa kaniyang pantalon.
Awkward ko naman siyang nginitian nang tumingin siya sa akin. Guilty.
Agad niya akong hinila palapit sa kaniya. Ipwenesto niya ako sa kaniyang harapan kung saan wala nang makakakita sa basa niyang pantalon dahil matatakpan ko na. Ang kaniyang magkabilang kamay ay nasa aking magkabilang balikat bago ako inutusang maglakad na.
Pagkarating sa front desk ay binati siya ng isang lalaki. Iyon ung isa sa mga crew ng resort na ito bumati rin sa amin kahapon. Sa gilid na ng pool ako naglakad dahil maraming tao sa restaurant. Ang iba ay napapatingin pa sa amin. Nagtataka siguro kung bakit nagtatago siya sa aking likod o di kaya'y ang ipinagtataka nila ay bakit nandito ang isang estudyante na gaya ko at bakit wala sa school kung naka-uniform naman ako. Hindi nalang ako tumingin pabalik at inabala ang sarili sa paghigop sa milktea.
"Nice. Lakas mo talaga" sabi ng lalaking nakasalubong namin na may dimple. Isa siya sa kahapon. Ang kaniyang katabi naman ay kumindat lamang sa akin. Silang dalawa ang kasama kahapon sa mga gwapong bumati sa amin. Natawa naman ako sa kanilang dalawa dahil sa mga nakakalokong ngiti nila.
"What's funny?" Iritadong tanong ng taong nasa aking likuran. Hindi ko nalang siya pinansin.
Wala nang masiyadong tao kaya siya na mismo ang naghila sa akin papasok sa elevator. He pressed 5th floor. Nang bumukas ay agad na siyang lumabas samantalang nakasunod lamang ako. Dumiretso siya sa pinakadulong room at pumasok dito. Iniwan niyang nakabukas ang pinto pero hindi parin ako pumasok at hinintay na lamang siya sa labas.
Anong oras na at paniguradong nag-start na ang afternoon class. Ang cellphone ko ay nasa bag kaya wala akong maitext. Ang isa pang ikinababahala ko ay baka makarating ito kay Bryle at mali mali ang kwento. Kailangan ko nang makaalis.
"Bakit hindi ka pa pumasok?"