Laglag ang panga ko nang makita ang kung sinong mga naghahanap sa akin. K-m and Phoebe are here. Pareho silang nakabihis na samantalang ako ay suot pa ang school uniform at black shoes.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko kay Phoebe na nakangising aso habang si K-m ay busy na nakikipag-usap kay mama.
"Ahh nagyaya kasi si K-m na magsleep-over tayo sa kanila. Wala ang parents niya kaya wala siyang kasama. Tska holiday bukas diba"
"Hoy girl mag-ayos kana ng gamit. Pumayag na si Tita" sabat ni K-m habang nakatingin sakin at nakathumbs-up pa. She winked at me and I did the same too.
Hindi naman mahirap papayagin si mama dahil ang mga magulang namin ay magkakaibigan rin.
Rules na talaga namin ang walang paggamit ng cellphone pag may sleep over kaming tatlo kaya tinext ko muna si Bryle na may sleep over kami bago nilapag ang phone sa side table ni K-m.
Pagkatapos naming kumain ay sabay-sabay kaming nagtoothbrush at nakapantulog na kaming tatlo at nakadapa sa malaki at malambot na kama ni K-m. Iba talaga pag mayaman. Iyong kama ko ay kalahati lang ng kaniya at pang isahang tao lang talaga.
"So what's the tea?" I asked. Dahil nag-sleep over lang kami dito kanila K-m pag may chismis o may problema ang isa.
"Wala no. Kwentuhan nalang" K-m suggested.
"So kumusta na kayo ng kainternet love mong haliparot ka?" Phoebe asked and hit k-m's right arm.
"Aray ko naman! Haliparot talaga? Pero alam niyo ba, feel ko na talaga pagbabago ko eh. Dati ang landi landi ko, ngayon mas lumala pero at least sa iisang tao nalang ako lumalandi ngayon at kahit na nasa malayo siya ay loyal parin ako" K-m said. Phoebe and I are both agreed.
Mahigit dalawang oras na kaming nagkwekwentuhan nang napunta sakin ang spotlight.
"So girl? Did you two did it na ba?" K-m asked.
"Ang alin?"
"Ung chugchugan"
Mahina akong natawa at dahan-dahang isinumping ang takas na buhok sa tainga.
"Uh hindi pa" I answered and bit my lower lip.
Halos maubos na ang isang box ng tissue na inabot sakin ni K-m nang umpisahan kong ikwento ang nangyari noong hinatid ko ang phone ni Bryle sa school nila at ang parteng pagpapaalis sa akin ni Bryle ang pinaka ako nasasaktan.
At last! Nawala na rin ang masakit na bukol sa lalamunan ko dahil nailabas ko na lahat ng tampo kay Bryle. Nasabi ko na sa kanila ang gusto kong iopen kay Bryle pero hindi parin sapat dahil kay Bryle ko talaga gustong sabihin ang mga ito dahil kami ang may relasyon.
"Girl alam mo, you should talk to him about that. Hindi pwedenh laging ganiyan kasi ikaw lang ang mahihirapan. Communication is the key, so talk to him. Wag kang marupok dahil lang sa good mood siya at ayaw mong masira ito"
I nodded at K-m. She's right. I should open up this issue to Bryle.
"Walang matinong lalaki ang ipagtutulakan ang girlfriend niyang umalis" K-m added.
"I smell something fishy" Phoebe said while making her eyes small and staring at me.
"Agree" K-m said.
Sabay-sabay kaming napatango na tatlo. Agad na umalis si K-m sa kama at kinuha ang cellphone niya, agad ring bumalik sa kama.
"Kainternet love mo te tumatawag" puna ni Phoebe.
"Gago" aniy kaya sabay naman kaming natawa ni Phoebe. Mahal na mahal talaga ni K-m ang boyfriend niyang nahanap sa f*******:.
Agad hinanap ni K-m si Love sa f*******:. Hindi naman siya nahirapan dahil friend pala silang dalawa. Pagkatapos sa f*******: ay sa intagram naman. LoveSab ang username niya at follower nila ni K-m ang isa't-isa.
Magaganda ang lahat ng pictures niya. Biglang natigil ang pag-scroll ni K-m, I looked at her and asked why.
"Look" she pointed some comments.
"AlexRufinia: u're so pretty Sab with kiss emoji?????" Phoebe read loudly.
"Alex probably knows her" I said.
"May boyfriend ba iyan?" Phoebe asked.
K-m viewed the first of three highlight of Sabrina titled "My Man" . I chose to call her Sabrina dahil hindi ko trip ang Love.
It's 5 pictures. The first is holding hands, the second is nakatalikod ang guy while holding hands parin, the third is matchy silang shoes, the fourth is holding hands ulit and the last one is nakaupo sa harap niya ung guy at tinatali ang sintas niya.
"Ang showbiz sis. Ayaw ipakita ang face ng man niya" K-m said.
"Girl may story siya oh"
K-m clicked it. Screenshot ng result ng game niya sa mobile legends with a caption of "galing bumuhat babe eh" with a heart emoji.
"Alam niyo yang mga ganyan? Ung mga hindi ipinapakita ang mga mukha ng sinasabi nilang mahal nila. Believe me, may girlfriend ung guy"
"Paano mo nasabi Phoebe Marie Ocampo?" I asked while raising my left brow at her.
"Kasi kung totoong sila, walang kailangan itago. Hindi sa kailangan ipakita ung hitsura sis pero kahit once lang diba? Eh iyon laging wala. It means may tinatago or pinagtataguan. Make sense" Phoebe answered confidently.
K-m and I nodded. May point si Phoebe and it really make sense.
"But girls, we can't conclude okay? It's just my speculation" Phoebe added. Me and K-m nodded again.
***
4 nights and 3 days kaming nag-stay sa bahay nila K-m. Umuwi lang ako sa bahay nong Sabado ng hapon para kumuha ng uniform. Monday ngayon at magkakalinya kaming tatlo na pumasok ng campus.
Sa ilang araw naming pag-stay doon ni Phoebe ay wala kaming ginawa kundi ang manood ng korean drama at humilata maghapon.
Para kaming nasa fashion show na naglalakad dahil feel na feel namin ang paglakad namin. Dahil habang sabay kaming naliligo ay napag-usapan naming irampa ng todo ang ginupit naming bangs noong linggo ng umaga.
Habang kinakareer namin ang paglakad ay may biglang sumigaw.
"TRES MARIAAAAAS!"
Sabay-sabay kaming lumingon sa likod. Si Jeyk Marie Madrigal pala. Ang pang-apat na Maria.
Agad niyang tinakbo ang distansya namin at nagtiti-tiling pinuri ang mga bangs namin na bagay na bagay daw sa amin.
Habang naglalakad kami papuntang classroom ay napapalingon ang ibang estudyante. We should looked friendly para mahikayat ang iba pang estudyante na magpabangs. Natawa nalang ako sa naisip ko, dahil iyon talaga ang goal naming tatlo habang ginugupit ang bangs naming tatlo.
"Naks! Nakabangs ang girls. Ang gaganda naman" Jarred said and winked at us.
"Thank you baby Jarred" We three replied in unison.
Dumiretso na ako sa upuan ko na nasa harap lang ng upuan ni Ryan.
"Bakit ka nagbangs?"
"Kaka-kdrama niya yan" Alexander replied to him and our classmates laughed nakitawa na rin ako.
Agad kaming umayos ng upo nang pumasok ang teacher namin sa Contemporary Arts na binata at single na single. Balita ko ay bata pa siya, siguro ay nasa 25 years old palang.
"So guys kumusta?" He asked and roamed his beautiful eyes.
Nagsisagutan naman ang mga kaklase ko lalo na ang mga kababaihan na ultimo kinikilig. Pero boses talaga ni Phoebe ang nangibabaw.
"AYOS LANG SEEEEEER!" sigaw niya habang nakataas pa ang dalawang kamay at parehong nakathumbs-up. Ang bruha ay ngiting-ngiti pa.
Mahinang natawa si Sir Miguel.
"I see. May bagong mukha. Mga koreana" saad niya.
"You guys look great with those bangs" dagdag pa niya.
Magpapasalamat na sana ako nang sinundan ko kung nasaan ang paningin niya. Si Phobe ang tinitignan niya habang nakayuko ito at namumula.
Ay teh kaya pala walang jowa. Teacher ang nais niya.
Binalik ko ang tingin kay Sir. Hindi na siya nakatingin kay Phoebe at nag-umpisa nang magdiscuss pero ang magkabilang tainga ay parehong nammumula. Kinikilig ka sa fake na koreana sir?
Pagkatapos na pagkatapos ng discussion ni Sir Miguel ay nagtanong muna siya kung mayroon ba kaming nga hindi naintindihan at agad rin kaming pinayagang lumabas para makapag-lunch.
Habang kumakain kaming barkada ay inuusisa na rin si Phoebe dahil kay Sir Miguel nang biglang tumawag si Bryle saying na nasa labas daw siya ng gate at may ibibigay.
As I reached the gate, he welcomed me with his warm hug.
"I'm sorry for the last time. It's just that. Stress lang sa acads" he whispered.
I patted his shoulder. Assuring that it's just okay and I understand.
Inabot niya sakin ang isang blue paper bag. Sinilip ko ang laman. Milktea Taro flavor na favourite ko at chocolates. Shocks! Nong isang araw pa ako nagcracrave nito.
I hugged him tight and thanked him. He said welcome and kiss my right cheeks.
Agad rin siyang umalis dahil baka raw mahuli siya sa first period ng afternoon class nila.
Habang busy ako sa pagbabasa sa w*****d ay may pinakita sakin si K-m. Bagong post sa intagram ni Sabrina.
Apat sila sa picture, Si Sabrina na hawak ang phone at sa tabi niya ay isang babae na hula ko ay teacher, si Bryle na nakapoker face at sa kanan niyang si Chadler na nakapeace-sign.
"Si Sabrina?" Phoebe asked.
Agad namang hinablot ni Alexander ang cellphone at padabog na ibinalik kay K-m pagkatapos tignan kung anong tinitignan namin.