Episode 6

1445 Words
Habang nagdidiscuss ang teacher namin sa literature ay panay naman ang nguya ko sa aking kinauupuan. Bago pumasok kanina ay bumili muna ako ng favorite kong milktea at siopao. Dapat pala dalawang siopao ang binili ko dahil kulang ang isa at nagugutom parin ako. Good thing, nalipat ako sa gilid at hindi pansin ng teacher naming maganda ang pagkain ko habang nagdidiscuss siya. Ang mga classmate kong lalaki ay napapatingin sa akin na para bang amazed na amazed. Ngayon lang ata nakakita ng kaklaseng kumakain habang may nagdidiscuss na teacher. Pagkatapos ng discussion ay may binigay na activity. Ubos na ang milktea ko at siopao pero gutom parin ako. Nagpaalam ako kay ma'am na gagamit ng cr pero ang totoo ay sa canteen ang punta ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ken. Ang epal naming president. "Ano bang ginagawa sa canteen?" I raised my left brow at him. Tumawa siya at umiling. Feeling close. Bumili nalang ako ng burger at isang bottled water at agad bumalik ng classroom dahil baka magtaka ang teacher naming maganda. Habang gumagawa ng activity ay nagvibrate ang cellphone ko. Nagtext si Bryle. From Sungit: "Kumain ka ng lunch kanina?" I stared at his text message. Paano ako kakain kung pumunta ako sa'yo at sasabay sanang kakain pero pinaalis mo ako. Napanguso ako. May biglang nagbaba ng plastic sa harapan ko. Si President pala. Inaabot niya sakin ang plastic na may laman na kung ano. Blangko ang mukha niya at salubong ang kilay habang ang isang kamay ay nakapamulsa. "Baka kasi nagugutom ka pa" aniya at nilapag ang plastic sa harapan ko. Agad niya akong tinalikuran kaya napaismid nalang ako. May tinatago palang bait si president eh. To Sungit: "Yep. Kumain ako" I replied. Tinignan ko muna ang binigay ni Ken bago gumawa ulit ng activity. Isang milktea na gaya ng binili ko kanina at tatlong siopao. Bakit naman ako bibigyan ng unggoy na yon ng ganito? Agad kong tinapos ang activity at sinimulan na kainin ang bigay ni president. Habang kumakain ay biglang naupo si K-m sa upuang bakante sa tabi ko habang si Phoebe naman ay pinaalis ang nasa harapan kong nakaupo. "Bakit kayo lumipat ng upuan?" Tanong ko habang puno ang bunganga ng siopao. Bahagya pa akong nakayuko dahil baka makita ako ng teacher naming maganda. "Yuck girl. Don't talk when your mouth is full" maarteng sabi ni K-m. I rolled my eyes at her. "Aarte pa ba ako eh gutom na gutom na ako" "So bakit ka binigyan ni Mayor ng ganiyan?" Phoebe asked. Pareho silang dalawa na tutok sa akin. I shrugged my shoulders. "Baka naaawa sakin" "Kanina ka pa kumakain ah. Simula nong discussion ni ma'am hanggang ngayon tapos na ay kumakain ka parin" puna ni K-m. "Eh feeling ko gutom na gutom ako" "Para ka namang buntis" sabat ni K-m habang nakayuko na rin at nagcecellphone. Si Phoebe naman ay pinaglalakihan ako ng mga mata. "Gaga! Virgin pa ako" maarte kong sabi at sabay kaming humagalpak na tatlo. "Pero may chika ako sa inyo later" sabay naman nilang nilapit ang mukha sa akin. Mga chismosa! "Ano yon?" Sabay pa nilang tanong. "Later nga diba. Sa canteen nalang tayo magchikahan mamaya. Uubisin ko lang to" agad naman silang tumango at nagsibalikan sa kaniya-kaniyang upuan. *** "So masarap?" Tanong ni K-m. Napakamot naman ako sa ulo ko at nahihiyang tumango. Sabay silang tumili at nakipag-apir sa isa't-isa dahil silang dalawa ang magkatabi sa upuan. Nasa canteen kami dahil vacant ng 4-5 at kwenento ko sa kanilang dalawa ang nangyari noong gabing pumunta si Bryle sa bahay. Kakaunti lang ang tao pero nakakahiya parin dahil napapatingin ang ibang estudyante samin dahil sa ingay nilang dalawa. "Nice girl. Lumevel-up. Dati haggang smack tapos ngayon muntik na kayong magchugchugan" ani K-m nang nahimasmasan. Natawa ako sa sinabi niya. "Buti ka pa! Samantalang ung sa akin ang layo-layo. Ni kiss ay wala" K-m said na parang nagtatampo. Phoebe laughed at her. "Ayan Internet love pa more. Pusta ko maghihiwalay kayo nag hindi manlang nakikita ang isa't-isa" Phoebe said. "Siguro nga. Pero mahal ko talaga eh" K-m said and I agreed with her. "Agreed" I said. "Me too" Phoebe said and nodded. "Ngayon lang kita nakitang naging ganyan Ki. Dati ang bilis bilis mong magbago ng kalandian, but now ang behave behave mo na. Grabeng pagbabago" Phoebe said while laughing. "Eh ikaw kumusta lovelife?" I asked to Phoebe. "Uhh ung akin?" Tanong niya habang natatawa ng mahina at dahan-dahang sinukbit ang takas na buhok sa kaniyang kanang tainga. "Wala no" dagdag niya at muling natawa ng mahina habang tinatakpan ang bibig. "Pabebe ka Phoebe!" Bulalas ni K-m at sabay kaming tumawang tatlo. "Ano kasi" pabiting ani ni Phoebe "Si Sir Carl kasi pa-fall" dugtong niya. My forehead creased. "Paano girl? Baka assuming ka lang" "Hindi eh. May something" "Baka sayo lang may something" K-m said. Hindi nagsalita ulit si Phoebe at nanahimik nalang. "Tska alam mo girl, dating playboy yan si sir diba? At alam mo rin na bawal ang teacher sa estudyante" dagdag pa ni K-m at sabay naman kaming napatango ni Phoebe. Bigla kaming nanahimik na tatlo. *Click* Napatingin kami kay Jarred na papalapit sa amin habang nasa likod niya Sina Alexander, Justin at Ryan. "What's up? Para kayong namatayan girls" puna ni Alexander habang umuupo sa gilid ni Phoebe. "Kaya nga. Kanina ang saya-saya niyo pa diti oh" Jarred said while showing some pictures. Ang unang picture ay kaming tatlo habang nagkwekwentuhan, ang pangalawa ay ako lang habang kamot-kamot ang ulo at ang pangatlo ay sina Phoebe at K-m noong sabay silang Tumili ng magkaharap. Natawa ako. "Paano mo yan nakunan?" Tanong ko. "Nandito kami kanina pa at bumibili. Hindi niyo siguro napansin dahil busy kayo magchismisan" Jarred said while busy again at his phone. Bigla namang may naglapag ng tray na punong-puno ng pagkain. Pag-angat namin ng tingin ay Si Jeyk Marie na hingal na hingal. "Mga bwesit kayo iniwan niyo ako sa counter pagkatapos niyong pumili ng pagkain" inis niyang bulalas kaya't natawa kaming lahat. "Sorry na babe. Halika na dito" suyo ni Alexander sa kaniya habang hinihila siya paupo sa katabi nitong bakanteng upuan. Pwede nang umuwi pag vacant pero mas pinili naming tumambay muna at magkwentuhan. Pambawi na rin sa stress at kailangan rin naming magbonding kahit minsan at kahit simple lang. Napuno ang kwentuhan, sigawan at tawanan namin ang buong canteen. Pansamantala kong nakalimutan ang nangyari kanina sa school nila Bryle. Walang kaalam-alam ang buong barkada doon dahil hindi ko pa naikwekwento. "GROUPIEEEEEEEE!" sigaw ni Jeyk Marie habang nasa harapan at hawak-hawak ang cellphone ni Jarred at nakataas. Kaniya-kaniya kaming wacki at pacute. Nanng mag alas-singko ay sabay-sabay na kaming lumabas ng campus at dating gawi kung sino-sino ang magkakasama sa tricycle. Pagkarating sa bahay ay parang wala akong maramdaman. I'm not physically tired but mentally I guess. Parang naubos ang energy ko kakatawa kanina sa canteen. Gusto ko ng matulog pero maaga pa. Nagbihis na lang ako ng my usual pambahay. Short shorts at white shirt with heavy printed sa harap at binun ang buhok habang papuntang terrace kung nasaan si mama at papa na nagkakape. "Mel, magdilig kang halaman nak" utos ni papa na sinang-ayunan ko naman. Pagkatapos magdilig ay bumalik akong kwarto. Chineck ko ang phone dahil baka may message si Bryle. 20 missed calls From Sungit. My forehead creased. What now? After niya akong paalisin ay aakto siyang parang walang kasalanan? So insensetive of him. I dialed his number. Nakauwi na kaya ito? [Hi] bungad niya sa akin. Sa pagkakasabi niya palang ng hi ay halatang good mood siya. [Saya mo ata?] Sabi ko. I should sound annoyed para suyuin niya ako. [Hmmm yes! Nanalo kami nila Sab sa ml] [Ahh] wala akong masabi. [Sabi ko sayo dapat matuto kana rin maglaro ng ml para may bonding tayo] [Hindi ko magets eh. Ang daming pinipindot. Hindi ko masundan] sabi ko sa mababang tono. Narinig ko naman siyang tumawa. [Ehhh pinagtatawanan mo na naman ako] pabebe kong sabi. [Naiimagine ko lang kasi na nakanguso ka na naman. You're cute when you do that and it makes me want to taste your lips again] napapaos niyang sabi. Namula ako sa sinabi niya. I bite my lower lip. Ang landi mo Bryle! Nagpaalam na siyang magchacharge ng phone at matutulog dahil kulang pa daw ang tulog niya. I rolled my eyes in annoyance. Hindi ko manlang naopen ang about sa pagpaalis niya sa akin kanina. Palalampasin ko na naman gaya ng lagi kong ginagawa. "Anak labas ka muna! May naghahanap sa'yo!" Dinig kong sigaw ni mama mula sa labas. Tamad akong naglakad palabas ng kwarto. Sino naman ang maghahanap sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD