Hindi ko pa lamang nabubuksan ang message niya ay sobra na lamang kung kumalabog ang puso ko. Kinakabahan ako. It's so rare to see a girl messaging Bryle dahil dati naman wala. Puro group chat lang ang nagpapa-ingay sa messenger niya dati pa man.
Hindi naman siya iyong tipo ng lalaki na naghahanap pa ng iba habang may girlfriend na and I am lucky for having him as my boyfriend, bestfriend, partner on crime and he's always ready to share his shoulders so I could have cry on.
I sat on my bed and opened the message silently. But this, is making me uncomfortable.
Love:
Nakauwi kana ba? Nagsend sa akin ng picture si Chadler kanina, nag-iinuman kayo at halatang marami na ang nainom mo.
Bakit kung makapag-salita siya ay akala mo siya ang girlfriend. I shrugged my shoulders. Ofcourse, they are blockmates. Baka concern lang siya.
Nag scroll-up pa ako hanggang sa pinaka-una para mabasa ang dati nilang messages. But it's just a short convo. Puro hi, hello at kumustahan lamang. May mga times rin na nagtatanong itong si Love kung naroon pa ba ang professor nila.
I closed my eyes and heaved a sigh. Mali lang ang iniisip mo Anasthasia Marie Melody Cruz. Tinignan ko ang mga nicknames nila pero walang nickname si Love, means ito talaga ang pangalan niya sa f*******:. Ang kay Bryle naman ay nakaset sa "Mr. Sungit"
I clicked Love's Profile. Love lang talaga ang pangalan niya. In her profile picture, she's wearing a black two piece bikini while her long black straight hair is dripping wet and she's looking at the camera fiercely. It reached 2k plus reacts and 500+ shares.
I stared at her photo again. She has that perfect curves that every girls dream and even without make-up, she's really pretty. I envy her.
I put Bryle's phone back, pupunta nalang ako sa school nila bukas. 8-10 naman ang class so pupunta na lang ako after class.
I get the mirror on top of bedside table. I stared at my reflection for a couple of minutes. I pursed my lips. Don't worry Anasthasia, you're also pretty. You really are self. I put the mirror down and lay on my bed. I should sleep now.
"GROUP TWO!" our teacher shouted because some of my classmates are making noise again.
Me and my groupmates stand up. Our Heads are down and one of my groupmates Archie, is whispering "heto na, heto na. In 1 2"
"Very good group two! Chapter 5 nalang ang kulang and you're done. Keep up the good work. You may sit now."
I sat on my chair, feeling light. Akala ko ay mapapagalitan na naman kami. Good thing I finished the Chapter 4 last last night.
"Buti naman hindi tayo napagalitan ngayon. Laging tayo ang pinag-iinitan ni ma'am noong nakaraan eh" Archie said while looking at me. A wide smile plastered in his face. Plastic akong napangiti sa kaniya.
"Gusto mo palang nacocompliment ka, then you should do your part" and with that, I rolled my eyes at him and turned my back.
Honestly, nakaka-guilty ang ginawa ko. It's just that, I just want them to realize that not because I am the leader it means I should do the all works. Leader means leading the member on how to do their part.
Hindi lang isang beses o dalawa o tatlo akong lumapit sa mga kagrupo ko kundi maraming beses. But they always have reason like "Hindi ko ito alam" or "Busy ako, gagawa muna ako ng project sa isang subject" hanggang sa ako na lang ulit ang gagawa kasi hindi naman iniintindi ang mga sinasabi kong instructions at hanggang sa ako ulit na naman ang gagawa kasi hindi pa tapos ang ginagawang project kuno sa ibang subject at hindi ko na pwedeng hintayin pang matapos dahil deadline na kinabukasan.
I tried to tell about it to our teacher but she just said "Give them the work. Gagawin nila yan". I promise, it was so stressful to the point that I cried and some of classmates are making fun of me. I also heard someone said "Ang oa naman. Research lang iniiyakan na" and I swear my blood reached its boiling point.
Bitch. Hindi lahat ng kaya mo ay kayang gawin ng ibang tao. Pabida ka girl.
"At least hindi lalaking walang kwenta ang iniiyakan ko" I fired back at her.
My classmates laughed at her. She glared at me and I just rolled my eyes.
I saw her last time begging to his boyfriend para hindi siya iwan nito. I actually pity her pero hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang oa ako dahil sa iniiyakan ko ang research.
10:20 na nang makarating ako sa school nila Bryle. Maghihintay na lang muna ako sa harap ng gate. I took my founder inside my bag and retouch a bit. My long wavy hair is in a half ponytail. Ang uniform naming white polo long sleeve ay itinupi ko hanggang siko at nakatuck-in sa black with red and white stripes. My black shoes has two inches so medyo tumangkad pa ako tignan. Napapaypay ako sa sarili ko. Ang init. Sa sobrang bored ko ay nagmasid-masid na lamang ako sa paligid.
Their School looks so cool because of it's color gray gate and tall buildings. I wonder how it look likes inside the campus.
I saw a color white cat near the gate. Nakapikit ang mga mata nito so I guess natutulog ito. Kahit nasa kalayuan ako ay kitang-kita parin na medyo madumi ito at nangangayayat na. Lumapit ako sa siomai vendor na nasa malapit at bumili ng tatlong pirasong siomai. Naupo ako sa harap ng pusa at nilapag ang biniling siomai. Bigla naman itong nagdilat ng mga mata. I smiled at the cat at mas inilapit pa ang pagkain. Nang inumpisan na niya itong kainin ay tumayo na ako at bumalik kong saan ako nakapwesto.
Nagugutom na rin ako dahil hindi ako nagbreakfast kaya sasabay nalang ako kakain ng lunch kay Bryle bago bumalik ng school.
After 30 minutes ay mayroon ng mga students na lumalabas and I saw Bryle's group approaching. Nakikipag-tawanan siya sa mga kasama niya. Natigil lang sila nang may lumapit na babae. It was Love.
This time, nakahigh ponytail ang kaniyang buhok at may hawak lamang siyang wallet. Lumapit siya kay Bryle and Bryle gave her a small smile while placing his right arms on Love's right shoulder. I stiffened on my sit. I didn't know that they are that close. As far I remember, Bryle hates being friend with girls because he prefer all boys squad.
Tumayo na ako. Hindi pa nila ako nakikita dahil nakahalo rin ako sa mga iba pang estudyante at halos magkalapit lang ang mga kulay ng aming mga uniform.
But I noticed that Love's uniform is farm different from the uniform of the girl beside me. I was hesitant at firts but I still did asked her.
"Excuse me, college kana po ba?"
"Uh yes . Why?" She smiled.
"Pag ganoon pong uniform?" And I point my index finger at Love.
"Ah iyong ganoon, pang Junior High"
She said and I thanked her before she leave. Uuwi na raw siya. Parang hindi maganda ang pakiramdam niya ngunit hindi na ako nakiusisa pa.
I glanced at Bryle at Love. Naka-akbay parin si Bryle habang ang kaliwang braso ni Love ay nasa kaliwang braso ni Bryle. They're laughing together. Kailan pa kaya sila naging close ni Love?
"BRYLE!" I shouted and waved my hand at them.
He looked surprised when he saw me and I saw how he slowly removed his arm on Love's shoulder. Oh bakit mo tinanggal?
I smiled at him when he walked towards me. He looked mad because his forehead creased. He hold my right arm. He doesn't look happy when he saw me. Does he have a problem? Maybe because of school activities or any related to that.
"Bakit ka nandito?" He asked. Still looking serious.
"I came here kasi ibabalik ko iyong phone mo. May kaibigan kana palang babae ha, hindi mo sinasabi sa akin" I teased. Trying to light up his mood.
"We're not that close" he said while directly looking at my eyes. My smile faded. Hindi daw close. Ano iyong nakita ko kanina? Joke lang ganun?
"Okay, sabi mo eh. Oh hi Chadler" I waved at Chadler na nasa di kalayuan sa amin kasama pa ng iba pa nilang barkada kasama na rin si Love. She looked annoyed or something. Mukha siyang nalugi. I smiled at them and they did the same while some waved at me too.
"Mel alis kana" I confusely turn my gaze at him. Did I heard him wrong?
"Anong sabi mo?" Walang ekpresyon kong tanong. I'm just looking at him, waiting him to notice how tired I am from school works and so he could stop making me mad.
"Alis kana. Ihahatid na kita sa sakayan." And with that he pulled me at pinasakay sa tricycle na nakahinto. Sinabi niya kung saang school ako ihahatid at siya na rin ang nagbayad.
Anong nangyayari? Ni hindi manlang ako nakapagpaalam sa mga barkada niya.
"Sige na. Kakain pa kaming lunch eh" dagdag niya.
"Pero" my words were cut off dahil sa bigla niyang pagtulak sakin papasok ng tricycle.
Hindi pa ako kumakain, Bryle.
Agad na umandar ang sasakyan at agad ring bumalik si Bryle kung nasaan ang barkada niya. Hindi man lang niya hinintay na makaalis ako.
Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano pero wala pa man ay trinatraydor na ako ng mga luha ako. Tumingin ako sa likod at nakita kong bumalik ang mga sigla sa mukha ni Bryle katulad noong hindi pa niya ako nakita kanina. Nasa tabi niya ulit si Love na masayang tumatawa na akala mo'y parang hindi nalugi kanina.
I looked at my watch. 11:30 na. Bya-byahe pa ako pabalik sa school ko. Hindi na ako makakakain nito. Impit akong napaiyak.
Tang ina. Hinimas ko ang tiyan kong kanina pa kumukulo.
"Pero hindi pa ako kumakain" bulong ko na parang kasama ko parin siya.
Iyon ang gusto kong sabihin kanina dahil gutom na gutom na ako pero pinutol niya ang sasabihin ko sana.
Sa buong byahe pabalik sa school, wala akong ibang inisip kundi iyon. Sinong matinong boyfriend ang paalisin ang girlfriend na para bang ayaw itong makita pa ng ibang tao? really, wala akong maintindihan.
Kanina pa akong nakayuko habang umiiyak. Nag-angat lang ako ng tingin nang naramdamang huminto ang sasakyan. Nagpahid muna ako ng luha bago bumaba.
I really hate how sensitive I am.
I smiled. Baka busy lang iyong tao kaya ganoon Mel.