Flame Habang nasa labas ang lahat at hinihintay matapos si Spice ay isang lalaki na may katandaan na ang humahangos na palapit sa kanila. Halos punit na ang lahat ng suot nitong damit na pinilit na lang pagkasyahin. Susugurin na dapat ito ni Gummy gamit ang kaniyang espada ngunit napansin niya agad ang asul na apoy nito sa dibdib. Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang makita sila sa harap ng kanilang tahanan. Hindi niya kasi kilala ang mga ito. Umalis lamang siya saglit upang humanap ng manggagamot sa kabilag baryo ngunit pagbalik niya ay may ibang tao na sa kanilang tahanan. Agad hinanap ng kaniyang mga mata ang kaniyang mag-ina. Ngunit hindi nag-iisa ang lalaki. May kasama itong nakasuot ng roba at nakatago ang mukha. Isa lamang agad ang napansin nila, walang asul na apoy sa taong i

