Halto Matapos ang nangyari ay nanatili lang silang tahimik. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita dahil ayaw nilang sirain ang pag-iisip nila. Alam naman nila kung ano ang nararamdaman ng bawat isa. Hindi nila alam kung ano ang nangyari at kung bakit bigla na lamang nawala ang kaharian. Ganoon lang ba talaga 'yon o baka kagagawan na naman ito ni Sitan? Nakaupo lamang sina Kookie at V sa isang gilid habang nakatingin sa labas gamit ang mga hugis itlog na bintana. Ang mga pamilyar naman ay mga nakatayo habang nakatingin sa harap at sa tinatahak nila. Ang mga pirata ang nagpapagana ng mga kontrol dahil marami ang dapat pindutin. Habang ang mga babae at si Skip naman ay mga nakayuko at nakaupo sa sahig. Pilit na pinaupo ni V si Spice sa isang upuan dahil malamig doon at tahimik naman siya

